CHINESE TIKLO SA PAGTUTULAK NG PEKENG YOSI

CAVITE – Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cavite sa entrapment operation ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo sa Bacoor City, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines ang isinampa laban sa suspek na si Aaron Wong y Lui, nasa hustong edad. Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 a ng gabi, nagsagawa ng entrapment operation ang mga operatiba ng CIDG-Cavite sa ilalim ng Oplan Mega Shopper, sa parking lot ng isang mall…

Read More

BIFF COMMANDER, 43 IBA PA SUMUKO

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Boluntaryong sumuko sa 90th Infantry (Bigkis-lahi) Battalion ang kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilalim ng Karialan Faction, kasama ang 43 nitong mga tauhan sa Kabacan, Cotabato Kasama sa mga sumuko ang apat na sub-leaders at pitong bomb experts ng BIFF at nasa 34 na samut-saring armas at siyam na high explosives ammunitions naman ang isinuko ng mga ito, ayon kay Lieutenant Colonel Rommel Mundala, Battalion Commander ng 90IB. Nasa pag-iingat na ngayon ng 90IB ang isang M14 Rifle, limang .45 caliber pistol,…

Read More

TRAFFIC ENFORCER PATAY SA ALUMINUM VAN

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 44-anyos na traffic enforcer nang mabangga ng isang aluminum van habang nagmamando ng trapiko sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Pagamutan ng Carmona ang biktimang si Sammy Martillino Osena, may asawa, residente ng Brgy. Milagrosa, Carmona, Cavite. Kinilala naman ang driver ng Isuzu aluminum van na may plakang CDJ 5745, na si Nelson Amores y Godoy, 67, may asawa, ng Tanauan City, Batangas. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Joel Mendoza ng Carmona Police Station,…

Read More

BINATILYO PATAY SA MISTAKEN IDENTITY?

CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa napatay ng dalawang  kalalakihan ang isang 18-anyos na binatilyo habang nakikipag-usap sa telepono sa Dasmariñas City noong Lunes. Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Luis Daniel Frianela, residente ng Barangay Paliparan 3 makaraang biglang pagbabarilin ng mga suspek sa labas ng kanilang bahay. Ayon kay Police chief, Lt .Col. Juan Oruga, maaaring ‘mistaken identity’ ang nangyari dahil ang target ng mga gunman ay ang bayaw nito. Base sa salaysay ng pamilya, napaaway sa paglalaro ng billiards ang bayaw ng biktima sa hinihinalang mga…

Read More

21 EMPLEYADO ARESTADO SA 2 ONLINE CASINO

LAGUNA – Arestado ang 21 empleyado ng illegal online casino sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng Biñan CPS at San Pedro CPS noong Lunes sa lalawigang ito. Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang mga suspek na naaresto ng Biñan PNP na sina alyas Heimrich, Jhundel, Denzel, Japhet, Aaron, Jonathan, John, Borgy, Christian, Bren, Jon, Robert, Anthony, Philip John, habang naaresto  naman ng San Pedro PNP sina alyas Kimberly, Kent, Darwin, Jezreel, Mary, Dan, at Estefen. Ayon sa ulat ng Biñan…

Read More

BUS SUMALPOK SA POSTE; 2 PATAY, 11 SUGATAN

BATAAN – Patay ang dalawang pasahero habang 11 ang sugatan matapos na ang sinasakyan nilang pampasaherong bus ay sumalpok sa poste ng kuryente sa national highway sa Barangay Dona, sa bayan ng Orani sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Kinilala ng Orani Police ang isa sa dalawang namatay na si Eva Oril, 74-anyos, taga bayan ng Orani. Hindi pa nakikilala ang ikalawang biktima na isang batang lalaki. Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng madaling araw, tinatahak ng Genesis Transport bus ang Roman highway nang mawalan ng kontrol ang…

Read More

2 PATAY, 1 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 4 TRUCK SA QUEZON

QUEZON – Dalawa ang patay habang isa pa ang sugatan matapos na araruhin ng isang wing van truck ang tatlong kasalubong na kapwa truck sa pababang bahagi ng Pagbilao-Atimonan diversion road sa Brgy. Sta Catalina sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, dakong alas-8:45 noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga namatay na sina Romeo Dela Cruz Nazar, 60, driver ng wing van truck, ng Sta. Rosa City, Laguna, at Bernardo Baynado Diolta, 43-anyos, pahinante, ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Kapwa idineklarang dead on arrival sa Doña Martha Memorial District Hospital ang dalawang…

Read More

P255K SHABU NASAMSAM SA TULAK SA RIZAL

RIZAL – Nasamsam ng mga operatiba sa ikinasang buy-bust operation ang 37.4 gramo ng ilegal na droga sa Sitio Libis, Brgy. Sta. Ana, sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Lt. Michael Legaspi Jr., team leader ng San Mateo Drug Enforcement Unit, kinilala ang nadakip na si Lauro Anzures Agapito, ng Brgy. Sta. Ana ng nabanggit na bayan. Dakong alas-10:30 ng gabi, inaresto sa anti-drug operation si Lauro sa Sitio Libis sa nabanggit na lugar. Nakumpiska ng mga awtoridad sa suspek ang 37.4 gramo ng…

Read More

19 SUSPEK TIKLO SA ‘ONE DAY OPERATION’ SA LAGUNA

LAGUNA – Umabot sa 19 indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad sa lalawigang ito sa One-day Operational Accomplishment ng Laguna PNP noong Disyembre 11 – 12 , 2022. Ayon sa ulat kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO, sinimulan ang apat na iba’t ibang operasyon mula alas-4:00 ng madaling araw noong Disyembre 11, 2022 hanggang alas-4:00 ng madaling araw noong Disyembre 12, 2022 sa buong lalawigan. Arestado ang 4 na indibidwal at nakumpiska sa mga ito hinihinalang shabu na may timbang na 0.55 gramo at tinatayang P5,720…

Read More