CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagkamatay ng isang barangay councilor na binaril ng motorcycle rider nitong Linggo ng umaga sa Cavite City. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Felimon Ambrocio Jr. y Santiago, 50, may live-in partner, councilor ng Barangay 54, San Roque, Cavite City Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng suspek na sakay ng isang Yamaha Mio na hindi naplakahan, tinatayang, 5’2″ hanggang 5″5 ang taas, nakasuot ng puting t-shirt, itim na jacket, bull cap at maong pants. Ayon sa ulat ng pulisya, magka-angkas…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
96 ARESTADO SA E-SABONG SA REGION-7
UMABOT sa 96 na sangkot sa illegal gambling o (e-sabong) ang naaresto sa pinaigting na kampanya kontra sugal ng Police Regional Office 7. Ayon sa ulat ni PRO7 Regional Director P/BGen. Roderick Alba kay PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang pag-aresto ay batay sa direktiba nito na magpatupad ng crackdown laban sa e-sabong operation. Nabatid sa talaan ng PRO7, ang operasyon ay isinagawa mula Disyembre 9, ika-5:00 ng umaga hanggang Disyembre 10, dakong ika-5:00 ng umaga. Samantala, sa kampanya kontra droga, sa 12 drug operations ay labing-walo ang naaresto…
Read MoreRIDING IN TANDEM PATAY SA TRUCK
CAVITE – Kapwa nalagutan ng hininga ang magka-angkas sa motorsiklo, kabilang ang isang 14-anyos na binatilyo, nang pumailalim sa isang delivery truck sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Romnick Quiño Noriega, 22, at angkas nitong isang 14-anyos na binatilyo subalit hindi umabot nang buhay. Kinilala naman ang driver ng delivery truck na isang Isuzu truck na may plakang NBJ 2441, na si Mars Hugo Abraham, 32. Ayon sa ulat ni Corporal Edgard Cabungos ng Trece Martires City…
Read MoreCPP-NPA TOP LEADER ARESTADO
ISANG high ranking Communist Party of the Philippine-New People’s Army leader ang nadakip sa isinagawang composite law enforcement operation sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan, ayon kay CSJDM PNP chief, Lt. Col. Rannie Lumactod. Ayon kay Col. Lumactod, matapos ang ilang buwang surveillance operation ay nagkaroon sila ng ugnayan sa PNP Criminal Investigation and Detection Group at Philippine Army 7th Infantry Division na nasa ilalim ng Northern Luzon Command, na pinamumunuan ni Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. Sa ikinasang law enforcement operation, katuwang ang mga operatiba ng Criminal Investigation…
Read MoreAKYAT-BAHAY TIMBOG NANG MAIWAN ANG PITAKA AT ID SA NILOOBANG TINDAHAN
CAVITE – Arestado ang isa sa dalawang umano’y notoryus na akyat-bahay na nanloob sa isang grocery store matapos matukoy ang kanilang pagkakakilanlan dahil sa naiwang pitaka at identification cards (ID), sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Sa ikinasang follow-up operation, arestado ang suspek na si Roa Melchor y Elopre, 30, residente ng Pulang Lupa, Las Piñas City, sa Bernabe compound, Las Piñas City dakong alas-2:00 ng hapon, habang pinaghahanap ang kasama nito na si Rixon Brioso y Capilian, 22, ng Brgy. Capipisa, Tanza, Cavite .…
Read MoreOBRERO TINAGPAS SA LEEG, PATAY
CAVITE – Halos lumuwa ang lalamunan ng isang 34-anyos na pedicab driver nang tagpasin sa leeg ng kanyang kapitbahay sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Florenio Pampag Jr. y Gape, 34, ng Brgy. Panapaan 3, Bacoor City, Cavite, agad nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente Arestado naman ang suspek na si Antonio Mades y Cagadas, 47, isang construction worker at ka-barangay ng biktima. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Sitio Tibag, Brgy. Panapaan…
Read MoreTINDAHAN NG PAPUTOK SA BOCAUE ININSPEKSYON
BINISITA at ininspeksyon nina Governor Daniel Fernando at PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan na tinaguriang fireworks capital of the Philippines, para masiguro na ang mga Bulakenyo at pyrotechnic consumers ay magiging ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon at upang maiwasan ang pyrotechnic-related incidents sa taong ito. Ang isinagawang inspeksyon sa mga tindahan ay pinangunahan ng inspection team ng PRB, kabilang sina Gov. Fernando at PNP Chief Azurin kasama sina Vice Gov. Alex Castro, pamunuan ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and…
Read MoreWORKER NALIBING NANG BUHAY SA CONSTRUCTION SITE
BATANGAS – Patay ang isang construction worker matapos na matabunan ng gumuhong lupa habang nasa ilalim ng hinukay na pundasyon ng isang itatayong istruktura sa isang private resort club sa Barangay Natipuan, sa bayan ng Nasugbu, sa lalawigang ito. Tumagal ng mahigit na apat na oras bago narekober ang wala nang buhay na biktimang si Francis Ortiz, 33, residente ng Sitio Sisa, Barangay Wawa sa nasabing bayan. Ayon sa report ng Nasugbu Police, nasa ilalim ng 20 feet na excavated foundation ang biktima sa construction site sa Terrazas de Fuego…
Read MoreBANGKETA, FOR RENT SA TAYTAY
SA gitna ng agresibong clearing operation sa mga bangketa at kalsada ng mga lungsod at munisipalidad, sa bayan ng Taytay iba ang nagaganap – ang mga bangketa at kalsada, mistulang naglaho na. Sa mga viral post sa social media, idinulog ng mga lehitimong negosyanteng nakapwesto sa Taytay Tiangge, hindi na makapasok sa kani-kanilang pwesto ang mga mamimili dahil na rin sa natakpan ng mga ipinagawang bagong pwesto sa bangketa at mismong kalsada ang entrada sa kanilang inuupahang espasyo sa loob ng mga gusaling itinalaga para sa tiangge. “Ang masaklap, binarahan…
Read More