NAIS ni Senador Joseph Victor Ejercito na makulong ang mga nanloloko ng delivery riders. Ginawa ni Ejercito ang hakbang dahil sa dumaraming reklamo ukol sa mga na-scam na delivery riders ng mga umoorder ng items tulad ng pagkain, groceries at mga gamot na una nilang binabayaran ngunit sa sandaling kanilang ideliver ay hindi na makontak o matagpuan ang mga umorder. Dahil dito, inihain ni Sen. Ejercito ang Senate bill 1234 na naglalayon ng mabigyang proteksyon ang mga delivery rider. Layunin ng naturang panukalang batas na huwag nang obligahin ang mga…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
316 TIMBOG SA 1 WEEK ANTI-CRIME OPS SA LAGUNA
LAGUNA – Umabot sa 316 drug personalities at iba pang crime suspects ang natimbog sa isang linggong kampanya laban sa kriminalidad sa lalawigang ito. Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Officer-in-Charge ng Laguna PPO, 124 sa mga arestado ay most wanted persons sa lalawigan. “Mula August 15 hanggang 31, nagkaroon tayo ng iba’t ibang operation laban sa illegal drugs, loose firearms, most wanted and other wanted persons, at illegal gambling na nagresulta sa pagkaaresto ng 316 suspects at iba pang akusado,” ayon kay Silvio. Sa arestadong most wanted persons, tatlo ang regional level most wanted persons, tatlo…
Read MoreLALAKI ARESTADO SA ‘BAWAL BASTOS LAW’
Nasakote ang isang 47-anyos na lalaki sa Daet, Camarines Norte sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis noong Sabado. Kinilala ang suspek na si Marlon Corbito y Ortiz, 47, residente ng Purok 5, Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte. Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Law na may kaugnayan sa paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, at RA 11313 o The Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law). Ikinasa ang entrapment operation laban sa suspek batay…
Read MoreMOTORSIKLO NASALPOK NG TRUCK, 2 PATAY
BATANGAS CITY – Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang masalpok ng kasalubong na ten-wheeler truck sa Brgy. San Isidro sa lungsod na ito, noong Linggo ng umaga. Kapwa dead on the spot ang dalawa matapos na parehong pumailalim sa truck. Kinilala ang mga biktimang sina Paolo Miguel Aquino, 20, nagmamaneho, at John Paul Noche, 27-anyos, kapwa nagtatrabaho bilang barista at waiter sa isang restaurant. Batay sa report ng Batangas City Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magkasalpukan ang dalawang sasakyan sa kurbadang bahagi ng highway sa Sitio Curva. Nasakop umano…
Read MoreMGA ILOG SA MALOLOS AT HAGONOY SUMAILALIM SA SIMULTANEOUS DREDGING OPERATION
(ELOISA SILVERIO) NAGSAGAWA ng sabayang dredging operation ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Engineering Office (PEO) sa mga ilog at creek sa lungsod ng Malolos at bayan ng Hagonoy nitong Sabado, Agosto 3, 2022. Sa kasagsagan ng mga pag-ulan ay personal na binisita ni Governor Daniel Fernando ang mga lokasyon ng dredging operation kasama sina Congressman Danny Domingo ng Unang Distrito at Vice Governor Alexis Castro at mga PEO personnel sa pangunguna ni Engr. Glenn Reyes. Unang tinungo ni Fernando ang creek sa tabi ng Malolos Marine…
Read MoreRET. NAVY ARESTADO SA PAMAMARIL
CAVITE – Inaresto ang isang retiradong miyembro ng Philippine Navy (PN) dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang naaresto na si Benito Gomez y Enguanzo, 58, isang retiradong miyembro ng PN at residente ng Brgy. Kabulusan, Magallanes, Cavite. Sa ulat ng Magallanes Police, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa umano’y pagpapaputok ng baril ni Gomez dahilan upang magresponde ang mga awtoridad at naaktuhan itong hawak ang isang kalibre .45 na baril na nagresulta sa pagkakadakip nito.…
Read MoreMOST WANTED SA SORSOGON NALAMBAT SA CAVITE
CAVITE – Natunton sa bayan ng Naic sa lalawigang ito ang no. 1 most wanted person (MWP) sa Magallanes, Sorsogon sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad. Si Eduardo Espedillion y Gojo, 36, isang construction worker, ay itinuturing na MWP rank no. 1 municipal level sa Magallanes, Sorsogon. Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan ang Magallanes Police Station at Sorsogon Provincial Police Office (PPO) sa Intelligence and Warrant Operatives ng Naic MPS nang nakatanggap ng ulat na si Espedillon ay nagtatrabaho bilang isang construction worker sa Naic, Cavite. Dahil dito, agad na nagsagawa ng…
Read MoreSENIOR PATAY SA MAGNANAKAW
QUEZON – Hinihinalang pinasok at pinagnakawan saka pinatay ng hindi kilalang akyat-bahay ang isang senior citizen na nadiskubreng naaagnas na sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Malusak sa bayan ng Atimonan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Batay sa report ng Atimonan Police, nasa early stage of decomposition na nang makita ang bangkay ng 76-anyos na biktimang si Venancio Erne Fajardo sa sahig ng kanyang bahay at natatakpan ng foam pasado alas-10:00 ng umaga. Nadiskubre ito nang magreklamo ang mga kapitbahay dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa bahay ng biktima. Sa…
Read MoreSANGGOL NALAGLAG SA TRIKE, NASAGASAAN NG JEEP, PATAY
RIZAL – Patay ang isang taong gulang na babaeng sanggol nang mahulog mula sa sinasakyang tricycle matapos mabitiwan ng kanyang kapatid sa J. Sumulong Avenue, Barangay Bagumbayan, sa bayan ng Teresa sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Lumalabas sa imbestigasyon ng Teresa Police, dakong alas-10:30 ng umaga, sakay ng kanilang tricycle na minamaneho ng padre de pamilya na si Joseph Ramirez, ang mag-anak at tinatahak ang highway nang biglang nahulog ang sanggol mula sa nasabing sasakyan. Ayon sa Teresa Police, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa at ang magkakapatid na tatlong bata ang nasa loob…
Read More