LAGUNA – Nasakote ng mga awtoridad ang hinihinalang lider ng crime group sa isinagawang manhunt operation ng Biñan CPS noong Miyerkoles. Ang suspek ay kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO, na si Gerald Cerdeña, 40-anyos, lider umano ng criminal group na nag-ooperate sa lalawigang ito at karatig na mga lugar sa Cavite. Nahaharap ang suspek sa 2 counts ng robbery na isinampa noong Agosto 22, 2022 na may inirekomendang piyansa na P100,000 bawat bilang. Samantala, arestado rin ang rank no.5 most wanted person na isang 71-anyos na lolo sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
SUSPEK SA KIDNAPPING SA CAVITE, SUMUKO
CAVITE – Kasama ng mga kamag-anak, sumuko sa mga awtoridad ang isang 56-anyos na lalaki na may kasong kidnapping at serious illegal detention sa Imus City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Si Alvin Miranda y Dumaliang ng Bacoor City, ay sinamahan ng kanyang mga kamag-anak sa pagsuko sa Camp Pantaleon Garcia, Imus City. Ayon sa ulat ni Corporal Mamol Cunanan ng Imus City Police Station, matapos malaman ng mga kamag-anak ni Miranda na may nakabinbin itong kaso ng kidnapping at serious illegal detention, agad nilang kinumbinsi ang suspek…
Read More5 GURO SA BACOOR NA INIREKLAMO NG SEXUAL HARASSMENT KINASUHAN NA
CAVITE – Pormal nang sinampahan ng kaso ng Department of Education ang lima sa pitong high school teachers na inakusahang ng sexual harassment sa Bacoor City. Ayon kay DepEd spokesman, Attorney Michael Poa , ang limang guro ng Bacoor National High School ay nahaharap sa mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service, at violation of DepEd Order 40, Series of 2012. Sinabi rin ni Poa na suspendido na ng 90-days ang hindi pa pinangalanang mga akusado. Ipinatutupad ang zero-tolerance policy sa lahat ng pang-aabusong ginagawa sa mga paaralan lalo…
Read MoreBINATILYO NABITAG SA P.5-M SHABU
CAVITE – Tinatayang mahigit sa P500,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos na maaresto ang isang 18-anyos na binatilyo sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Huwebes ng gabi. Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kinahaharap ng suspek na si Jam Balanon ng Brgy. San Antonio De Padua 2, Dasmarinas City, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilson Candaba ng Dasmariñas City Police Station, alas-9:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU) Cavite Police Office…
Read More3 PATAY SA MOTOR NA SUMALPOK SA TRUCK
BATANGAS – Tatlong magkakaibigan na sakay ng motorsiklo ang namatay matapos na ang kanilang sasakyan ay sumalpok sa likuran ng truck na nakaparada sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Jenny Lyn Alvarez, 29; Daniella Tracy Alava, 21, at ang nagmamaneho ng motorsiklo na si Billy Joe Aquino, 27-anyos. Ayon sa pulisya, tinatahak ng mga ito ang highway nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa hulihan ng truck na nakatigil at nasiraan sa Diversion Road sa Barangay Latag. Grabeng napinsala ang ulo at…
Read MoreAkala ay kanyang mister GINANG MUNTIK MA-RAPE NG TIYUHIN
QUEZON – Isang 26-anyos na ginang ang muntik nang magahasa ng kanyang tiyuhin habang natutulog sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Barangay Rizal, sa bayan ng Panukulan sa lalawigang ito. Nahaharap sa kasong attempted rape ng suspek na si Amado Venida matapos na ipagharap ng sumbong ng biktima sa Panukulan Police Station noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa biktima, nangyari ang insidente noong nakaraang buwan. Habang natutulog aniya siya sa kwarto nang maramdamang may humihipo at yumayakap sa kanya at kalaunan ay pumatong sa kanyang katawan. Sa pag-aakalang ang kanyang mister…
Read More5 EKTARYANG ILLEGAL QUARRY NADISKUBRE SA BULACAN
HINDI makapaniwala si Gob. Daniel Fernando (gitna) sa natuklasang illegal quarry ng high grade escombro na hinukay mula sa halos limang ektaryang farmland na ino-operate nang walang permit sa loob ng nakalipas na 30 taon. Ang illegal quarry ay natuklasan ng mga tauhan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) Sa pamumuno ni Atty. Juvic Degala at CIDG-Bulacan operatives sa pangunguna ni PMaj. Bante Tabigo-on sa Sitio Alimasag, Barangay Camangyanan, Sta. Maria, Bulacan noong Setyembre 2, 2022. (Kuha ni ELOISA SILVERIO) NAMANGHA si Bulacan Governor Daniel Fernando sa natuklasan…
Read MoreOriental Mindoro mayors ginigipit? GOBERNADOR KALADKAD SA PERYAHAN NG BAYAN
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TALIWAS sa posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patuloy ang pamamayagpag ng iligal na pasugalan – partikular yaong tinatawag na Peryahan ng Bayan, sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Batay sa impormasyong nakalap ng pahayagang SAKSI NGAYON, lumalabas na laganap na ang operasyon ng Peryahan ng Bayan (PNB) sa 15 lokalidad ng naturang lalawigan bunsod ng di umano’y pamumwersa ng isang mataas na opisyal na nanggigipit sa mga alkalde para bigyan ng pahintulot ang operasyon ng iligal na palaro ng Globaltech Mobile Online Corp. na nasa ilalim…
Read More9 ARESTADO SA MGA BARIL SA ANGONO
RIZAL – Arestado ang siyam katao sa reklamong panggugulo at masamsam sa mga ito ang iba’t ibang klase ng armas sa Purok-2, Lower Sakura, Brgy. Mahabang Parang sa bayan ng Angono sa lalawigang ito Ayon sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay Calabarzon-4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Marvin Manlonongan Perez, Jerry Manlonongan, Reneboy Regala, Russel Gamilde, Reynaldo Regala, Randy Delfina, Noel Salan , Allan Pagdanganan at Ramon Silvestre. Napag-alaman, dakong alas-9:00 ng gabi noong Setyembre 4, inireklamo…
Read More