RIZAL – Makaraan ang mahigit isang linggo, natukoy na ng Rizal PNP ang dalawa sa 4 na bangkay na nakita sa loob ng abandonadong kotse sa Sitio Licao-Licao, Barangay Macabud, Rodriguez, Rizal noong Agosto 22. Batay sa pahayag ng Rizal Provincial Office sa kanilang social media account noong Martes. ang dalawa pang bangkay na parehong babae ay sina Vivian Ayala, taga Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, at Riza Miamo, taga Barangay Dulong-Pulo, Bacoor, Cavite. Una nang nakilala ng dalawang lalaking kasama ng mga ito na sina Carl Pabalan, 51, tubong Negros Occidental, at residente ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
16 WANTED PERSONS SA CAVITE NALAMBAT
CAVITE – Umabot sa 16 wanted persons kabilang ang dalawang most wanted persons (MWP), ang dinampot ng Cavite Police sa isinagawang operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang operasyon noong Linggo sa apat na lungsod at pitong bayan sa lalawigan ng Cavite. Tig-dalawang wanted persons ang inaresto sa lungsod ng Dasmariñas at bayan ng Naic, Carmona at Silang, habang tig-isa mula sa Cavite City, Indang, Tanza, Imus City, Gen. Trias City, Amadeo at Ternate. Ang arestadong mga suspek…
Read MorePara makarating sa langit 84-ANYOS NA LOLA SINUNOG NANG BUHAY NG MGA KAANAK
INIHAGIS sa apoy ng kanyang mga kaanak ang walang kalaban-labang 84-anyos na babae upang maalis umano ang mga kasalanan nito at masigurong sa langit siya mapupunta sa sandaling mamatay. Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang labing isa katao na sinasabing mga kamag-anak ng biktimang si Teofila Camungay na agad binawian ng buhay matapos magmistulang alay sa ritwal sa bayan ng Balingasag sa Misamis Oriental. Ayon sa Balingasag Municipal Police Station, mistulang eksena noong unang panahon na sinunog sa talaksan ng nagliliyab na kahoy ang matanda ng mismong mga kamag-anak niya…
Read MoreCANADIAN NAGOYO NG P13-M NG PINAY FB FRIEND
LAGUNA – Nahaharap sa kasong estafa ang isang ginang matapos nitong huthutan ng P13 milyon ang isang Canadian citizen na nakilala nito sa Facebook. Noong Linggo ng hapon ay naaresto sa entrapment operation ng mga tauhan ng Sta. Cruz, Laguna Police ang 33-anyos na suspek na taga Calamba City. Inaresto ang suspek dahil sa reklamo ng 65-anyos na Canadian citizen na si Bruce Thomas Marshall na dumating sa Pilipinas noong Agosto 11. Ayon sa Canadian, nakilala niya sa Facebook ang suspek at sa pamamagitan ng matamis na pananalita nito at nakumbinsi siyang magpadala…
Read MoreAMPATUAN POLICE CHIEF, 1 PA PATAY SA AMBUSH
PATAY ang isang opisyal ng Philippine National Police at isang tauhan nito nang tambangan ng armadong kalalakihan habang nagsasagawa ng law enforcement operation na ikinasugat din ng tatlong pulis kahapon ng umaga sa bayan ng Ampatuan sa lalawigan ng Maguindanao. Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, PNP Regional Police Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, patay sa ambush si Lt. Reynaldo Samson at kanyang security aide/driver na si Corporal Salipudin Endab, habang naglulunsad ng “one time big time” operation sa Ampatuan. Sa ulat na ibinahagi ni Guyguyon, magsisilbi…
Read MoreAUGUST 30, NON-WORKING HOLIDAY SA BULACAN
BULAKAN, Bulacan–Gugunitain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong Martes, (Agosto 30) ang 172nd Birth Anniversary ni Gat Marcelo H. Del Pilar. Idineklara ang araw na ito bilang non-working holiday sa probinsiya at kasabay na ipagdiriwang ang kauna-unahang National Press Freedom Day. Dahil sa patuloy na pag-iral ng COVID-19 pandemic na nagsimula pa noong 2020, ang taunang selebrasyon ng Marcelo Day na mayroong civic parade and program sa dambana ni Del Pilar sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas na dinadaluhan ng mahigit 1,000 multi-sectoral groups ay kanselado pa rin. Ayon kay…
Read MoreTumakas sa anak para umuwi sa probinsya LOLO NAHULOG SA DRAINAGE, PATAY
CAVITE – Hindi na nakabalik nang buhay sa probinsya ang 78-anyos na lalaki nang mahulog sa walang takip na drainage sa loob ng subdibisyon sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Naisugod pa sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Danilo Montierde subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police, naglalakad ang biktima sa loob ng South Square Village sa Brgy. Pasong Kawayan, Gen. Trias City dakong alas-11:00 noong Sabado ng gabi upang umuwi sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija. Ngunit pagsapit sa isang…
Read More6 ARESTADO SA ‘PAIHI’ SA QUEZON
QUEZON – Anim na katao na sangkot umano sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo o “paihi”, ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon Provincial Field Unit, Quezon PNP at mga tauhan ng Tiaong Municipal Police Station, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ng CIDG-Quezon, huli sa akto ang mga driver ng petroleum tanker trucks at ang kanilang mga kasabwat na buyer habang nagbibilihan sa kahabaan ng Tiaong Bypass Road sa Barangay Lumingon mag-aalas-9:00 ng gabi. Modus ng mga ito na iparada ang…
Read MoreP100K PABUYA SA MAGTUTURO SA NAMARIL SA TRAFFIC ENFORCER SA CAVITE
NAGLAAN ng P100,00 pabuya sina Congressman Pidi Barzaga at Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga sa sinomang makapagtuturo o magbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril sa isang traffic enforcer, ayon sa Facebook account ng kongresista. Patuloy ang hot pursuit at dragnet operation ng Cavite police sa mga kalapit lungsod at bayan laban sa suspek na bumaril sa traffic enforcer sa Dasmarinas City, Cavite, Sabado ng hapon. Naka-confine ngayon sa DLSU Medical Center ang biktimang si Edgard Quiroga, 60, dahil sa tama ng bala sa katawan. Inilarawan nito ang…
Read More