BULAKAN, Bulacan–Gugunitain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ngayong Martes, (Agosto 30) ang 172nd Birth Anniversary ni Gat Marcelo H. Del Pilar. Idineklara ang araw na ito bilang non-working holiday sa probinsiya at kasabay na ipagdiriwang ang kauna-unahang National Press Freedom Day. Dahil sa patuloy na pag-iral ng COVID-19 pandemic na nagsimula pa noong 2020, ang taunang selebrasyon ng Marcelo Day na mayroong civic parade and program sa dambana ni Del Pilar sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas na dinadaluhan ng mahigit 1,000 multi-sectoral groups ay kanselado pa rin. Ayon kay…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Tumakas sa anak para umuwi sa probinsya LOLO NAHULOG SA DRAINAGE, PATAY
CAVITE – Hindi na nakabalik nang buhay sa probinsya ang 78-anyos na lalaki nang mahulog sa walang takip na drainage sa loob ng subdibisyon sa Gen. Trias City sa lalawigang ito. Naisugod pa sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Danilo Montierde subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police, naglalakad ang biktima sa loob ng South Square Village sa Brgy. Pasong Kawayan, Gen. Trias City dakong alas-11:00 noong Sabado ng gabi upang umuwi sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija. Ngunit pagsapit sa isang…
Read More6 ARESTADO SA ‘PAIHI’ SA QUEZON
QUEZON – Anim na katao na sangkot umano sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo o “paihi”, ang naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon Provincial Field Unit, Quezon PNP at mga tauhan ng Tiaong Municipal Police Station, sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa report ng CIDG-Quezon, huli sa akto ang mga driver ng petroleum tanker trucks at ang kanilang mga kasabwat na buyer habang nagbibilihan sa kahabaan ng Tiaong Bypass Road sa Barangay Lumingon mag-aalas-9:00 ng gabi. Modus ng mga ito na iparada ang…
Read MoreP100K PABUYA SA MAGTUTURO SA NAMARIL SA TRAFFIC ENFORCER SA CAVITE
NAGLAAN ng P100,00 pabuya sina Congressman Pidi Barzaga at Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga sa sinomang makapagtuturo o magbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril sa isang traffic enforcer, ayon sa Facebook account ng kongresista. Patuloy ang hot pursuit at dragnet operation ng Cavite police sa mga kalapit lungsod at bayan laban sa suspek na bumaril sa traffic enforcer sa Dasmarinas City, Cavite, Sabado ng hapon. Naka-confine ngayon sa DLSU Medical Center ang biktimang si Edgard Quiroga, 60, dahil sa tama ng bala sa katawan. Inilarawan nito ang…
Read More‘MANGKUKULAM’ GINILITAN NG MAGKAPATID
BATANGAS – Sugatan ang isang 54-anyos na tindera matapos na pagtulungang bugbugin at gilitan sa leeg ng magkapatid dahil sa bintang na isa itong mangkukulam sa bayan ng San Luis sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Batay sa report ng San Luis Police, nasa labas ng kanyang bahay sa Barangay Muzon ang biktimang si Aling Lina nang dumating ang nakatatandang suspek na si Roderick De Chavez na isang OFW, at sinakal ang ginang. Habang nagpupumiglas ang biktima, dumating ang nakababatang kapatid ng suspek na si Arnold De Chavez na armado ng…
Read More6 PATAY SA ROAD MISHAP SA ISABELA
ISABELA – Dead on the spot ang tumilapong sanggol at limang iba pang sakay ng tricycle at motorsiklo matapos na suyurin ng kasalubong na trailer truck sa bayan ng Tumauini sa lalawigang ito noong Sabado. Lumitaw sa pagsisiyasat ng Tumauini Police, tinatahak ng tricycle at motorsiklo ang national highway sakop ng Barangay Balug nang bigla silang salpukin ng kasalubong na trailer truck na biglang sumakabilang lane. Total wrecked ang tricycle na nanggaling sa isang kasalan at motorsiklo na minamaneho ng isang Indian national matapos silang salpukin ng trailer truck. Nabatid…
Read More1 PATAY SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN SA QUEZON
QUEZON – Patay ang isang bicycle rider sa aksidenteng kinasangkutan ng 5 sasakyan sa Maharlika highway sa Barangay Talipan, sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Batay sa report ng Pagbilao Police, inararo ng isang truck na nawalan ng preno ang isang biseklita, isang tricycle at isang pampasaherong jeep. Galing pang Masbate ang six wheeler truck na kargado ng mga baka, at patungo sa Candelaria Quezon, nang araruhin nito ang 3 sasakyan kabilang ang mountain bike na sinasakyan ng namatay na biktimang si Ronelito Parga, 48-anyos. Sumunod na nasalpok ng truck ang…
Read MoreBARKO NAGLIYAB SA PORT OF BATANGAS
NAGLIYAB ang isang barko pasado alas-5:00 ng hapon noong Biyernes malapit sa Batangas Port. Ayon sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard, mahigit 80 katao ang lulan ng barko kabilang ang 48 pasahero at 34 crew o staff. Ang mga pasahero ng barko ay nailigtas na agad dinala sa pagamutan. Mayroon ding 16 sasakyan ang lulan ng nasabing barko. Sinabi ng Batangas Port manager, galing ang barko sa Calapan Oriental Mindoro at padaong sa Batangas Port. Sa kasalukuyan ay nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad sa nasabing pangyayari. (CYRILL QUILO) 294
Read MoreIna nakakulong sa droga 13-ANYOS SEX SLAVE NG STEPFATHER
LUCENA CITY – Isang 13-anyos na dalagita ang ginawang sex slave ng kanyang 33-anyos na stepfather sa loob ng anim na taon sa kanilang bahay sa lungsod na ito. Ayon sa pahayag ng biktima sa Lucena Police, nagsimula ang kanyang kalbaryo noon pang 2016 nang unang siyang gahasain ng kanyang stepfather nang makaraang makulong ang kanyang ina sa kasong illegal drugs Magmula noon, ay paulit-ulit na siyang pinagsasamantalahan ng suspek lalo na kapag ito ay nakainom. Natakot aniya siyang magsumbong at sinarili na lang ang pangyayari dahil sa takot at…
Read More