BATANGAS – Patay ang isang lasing na motorcycle rider matapos na sumalpok sa konkretong poste sa national highway, Brgy. Manghinao Uno, sa bayan ng Bauan sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Bauan PNP ang biktimang si Edgar Añonuevo, residente ng Brgy. Mataas na Lupa, San Pascual. Batay sa report, dakong alas-9:15 ng gabi, pauwi na sa kanilang bahay ang biktima galing sa pakikipag-inuman ngunit pagsapit sa tapat ng sementeryo ay mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumangga sa konkretong poste sa gilid ng highway. Grabeng napinsala ang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Arms cache nadiskubre ng militar DAVAO OCCIDENTAL, NPA FREE NA
NATUKOY ng pinagsanib na pwersa ng military at pulis ang imbakan ng mga armas ng communist terrorist group sa Barangay San Isidro, Lupon, Davao Oriental. Sa report na ibinahagi ng 10th Infantry Division, nagsagawa ng search and recovery operation sa pangunguna ng 701st Infantry Brigade, kasama ang 66th Infantry Battalion, 48th Infantry Battalion, Philippine National Police (PNP) at iba pang intelligence units sa nasabing barangay. Ito ay matapos matukoy ang kinaroroonan ng pinagtataguan ng mga sandata ng NPA base na rin sa impormasyon ng mga dating lider ng Guerilla Front 18 na…
Read More2 DELIVERY RIDERS NATAGPUANG PATAY SA QUEZON
NATAGPUANG patay sa bayan ng Tiaong sa lalawigan ng Quezon ang isang delivery rider na dalawang araw nang nawawala sa Bulacan. Batay sa report ng Tiaong Police, dakong alas-7:00 ng umaga noong Martes nang madiskubre ng mga residente ang bangkay ng biktimang si Melvin Bedania, isang Lalamove rider, at residente ng San Jose del Monte, Bulacan. Ayon sa Tiaong PNP, nakahandusay ito sa gilid ng Tiaong By-Pass Road sa Barangay Lumingon nang makita ng nagdaraang mga residente. Ayon sa imbestigasyon ng Tiaong PNP, wala itong ano mang sugat sa katawan at…
Read MoreEpekto ng usok ng Bulkang Taal PANANIM SA BATANGAS, 2 PANG PROBINSYA NANUNUYO
NASIRA ang ilang pananim sa mga probinsya ng Batangas, Cavite at Laguna na malapit sa Bulkang Taal dahil sa nakalalasong sulfur dioxide dulot ng volcanic smog o vog. Nanuyo ang mga pananim na palay sa Laurel, Batangas na matatagpuan may 11 kilometro sa Kanluran ng Bulkang Taal. Habang nasira at nanuyo rin ang mga pananim na palay sa karatig bayan ng Nasugbu, Batangas na 35 kilometro sa Kanluran ang layo sa Bulkang Taal. Maging ang bayan ng Lian sa Batangas ay natuyuan din ng mga pananim na palay. Pati mga…
Read MoreCHOPPER CRASH SA PAMPANGA, 1 PATAY
NASAWI ang piloto habang sugatan ang dalawang aircraft mechanic ng bumagsak na helicopter sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga, iniulat ng pulisya at local disaster risk reduction office kahapon. Kinilala ang piloto na si Diosdado Lumandan habang ang mga sugatan ay sina Ivan Abiong na isang mekaniko at Rodney Esogon. Base sa imbestigasyon ng Clark Development Corporations public safety, sumailalim sa pagkukumpuni ang 1973 model MD369HS helicopter. Pagkaraan ay naaprubahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang test flight bandang alas-10:30 ng umaga kaya pinalipad ni Lumandan,…
Read MoreMAKULIT NA LASING, PATAY SA BOGA NI UTOL
LAGUNA – Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng kanyang nakatatandang kapatid sa Brgy. Bagong Pook, sa bayan ng Santa Maria sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Dennis Pujanes habang sugatan ang isang bystander na aksidenteng tinamaan ng bala matapos na sunod-sunod na magpaputok ang suspek. Lumalabas sa imbestigasyon ng Sta. Maria Police, nakainom ang biktima nang komprontahin nito ang nakatatandang kapatid na si Mario Pujanes. Nauwi sa pagtatalo ang usapan ng magkapatid hanggang sa magbunot ng baril ang suspek. Hindi…
Read More4 ESTUDYANTE PATAY SA VAN VS TRUCK
TAYABAS CITY – Apat na estudyante ang patay matapos na ang kanilang sinasakyang van ay sumalpok sa likuran ng truck sa Maharlika highway sa lalawigang ito dakong alas -3:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles. Kinilala ng Tayabas City Police ang mga namatay na sina Juan Carlos Alvarez, 22; Enrique Garcia, 20; Marga Elayne Ramirez, 18, at Michaela Jeuel Solomon, 23, pawang mga estudyante at residente ng Candelaria, Quezon. Lumabas sa imbestigasyon ng Tayabas City Police, mabilis ang takbo ng Toyota Innova van na sinasakyan ng mga biktima nang sumalpok ito sa sinusundang forward truck…
Read MoreP25.4-M DROGA, 251 LOOSE FIREARMS NASAMSAM SA CENTRAL VISAYAS
NASAMSAM ng PNP ang P25.4 milyong halaga ng ilegal na droga at 251 loose firearms habang 700 katao ang naaresto sa 24-oras na operasyon ng Central Visayas PNP. Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., narekober ang mga nabanggit sa 24-oras na Synchronized Enhanced Managing Police Operations (SEMPO) sa nabanggit na lalawigan. Dagdag pa nito, ang SEMPO ay malawakang koordinasyon at serye ng mga operasyon laban sa mga kriminal, para matiyak ang ligtas na kapaligiran sa mamamayan. Iniulat din ni Gen. Azurin, ang SEMPO ay isinagawa mula ika-12:01 ng…
Read MoreCRIME GROUP MEMBER, 4 PA TIKLO SA DROGA
RIZAL – Nadakip ang isang miyembro ng Randy Domingo crime group at apat na mga kasama nito sa ikinasang buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang mga nadakip na sina Reden delas Armas y Ocampo, umano’y miyembro ng Randy Domingo crime group; Catherine Niegas y Perez, Benjie Poliquit y Paule, Armin Diaz y Aban, at Bernie Doria y Pasigna. Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madakip ang mga…
Read More