GINANG PINATAY NG LIVE-IN PARTNER

BATANGAS – Patay ang isang babae matapos barilin sa ulo ng kanyang live-in partner sa Brgy. Lalayat, sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito. Kinilala ng San Jose Municipal Police Station ang suspek na si Bin Nazzer Aguila y Enriquez, 30, habang ang biktimang ay si Rona May Corañez y Alpires, 33, kapwa residente ng nasabing lugar. Ayon sa imbestigasyon, alas-4:20 ng umaga noong Agosto 14, 2022 nang mangyari ang insidente matapos na magtalo ang dalawa na nagresulta sa pagbaril ng suspek sa ulo ng biktima gamit ang hindi…

Read More

OBRERO NAPURUHAN SA SUNTOK, TIGOK

CAVITE – Namatay ang isang 52-anyos na construction worker nang mapuruhan sa suntok ng kanyang kabaro matapos magtalo sa kalagitnaan ng kanilang inuman sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Isinugod sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Benjamin Campanero Jr. y Rafael subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Albero Rada y Capalac, 47, isa ring construction worker. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police, alas-6:00 ng gabi nang mangyari…

Read More

P19.6-M SHABU NASAMSAM SA CEBU

TINATAYANG umabot sa P19.6 million ang street value ng ilegal na droga na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police sa serye ng anti-narcotics operations na ikinasa sa Cebu noong Linggo. Ayon kay Central Visayas Police Director Roque Vega, pinalakas nila ang kanilang kampanya kontra droga sa kanilang nasasakupan partikular sa lalawigan ng Cebu. Sa report na ibinahagi ni Police Brig. General Vega, unang nadakip ang isang dating waiter sa Barangay Luz, Cebu City, kung saan nakuha ang mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga. Isang buy-bust operation naman ang…

Read More

ADU-PTA NAGSAGAWA NG OUTREACH MISSION SA MORONG, BATAAN

INIABOT ng Pangulo ng ADU-PTA na si Mer Layson ang isang sako ng bigas kay Chairwoman Evangeline De Leon. NAGSAGAWA ng Outreach mission sa dalampasigan sa Morong, Bataan ang mga opisyal ng Adamson University, Parent Teacher Association (ADU-PTA) nitong Sabado ng umaga. Ang misyon ay pinasimulan dakong alas-10:00 ng umaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng meryenda at lootbags na puno ng candies sa 80 bata na dumating at sinundan ng pagbibigay ng bigas at groceries sa 25 mahihirap na pamilya ng mangingisda sa Barangay Poblacion, sa nasabing bayan. Pinangunahan ng…

Read More

Mga rebelde nangikil ng pagkain MILITAR, NPA NAGKABAKBAKAN SA NORZAGARAY

BULACAN – Nagkabakbakan ang militar at limang miyembro ng New People’s Army o NPA nang abutang nangingikil ng pagkain ang mga rebelde noong Sabado ng umaga sa Sitio Sapang Munti, Brgy. San Mateo, sa bayan ng Norzagaray sa lalawigang ito. Nakasagupa ng pwersa ng 80IB ng militar ang limang miyembro ng CTG (communist terrorist group) na kabilang sa Platun 1 (Sentro De Grabidad), Komiteng Larangan Gerilya Narciso, Sub-Regional Military Area 4A, ng Southern Tagalog Regional Party Committee (Platun-1 SDG, KLG Narciso, SRMA 4A, STRPC). Ayon kay ni Lt. Col. Erwin…

Read More

LOLA NALIGO SA CREEK, NALUNOD

CAVITE – Pinaniniwalaang nalunod ang 73-anyos na lola nang naligo sa isang creek sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Kilala ang biktima na si Luz Santos Espano, ng Silang, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Menervin Castillo ng Silang Police Station, dakong alas-3:40 ng hapon noong Sabado, habang namimitas ng mga gulay si Arwin Maximo Ambrosio nang napansin ang bangkay ng biktima sa tabi ng isang malaking bato sa creek sa Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite. Agad niyang ipinagbigay-alam ito sa naka-duty na security guard…

Read More

Apektado ng sulfur mula sa Mt. Taal DONASYONG N95 MASKS PANAWAGAN PARA SA LIPA RESIDENTS

NANAWAGAN ng donasyon ng N95 masks ang Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) sa Batangas upang ipamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) mula sa Bulkang Taal. Ayon sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), maaaring magbigay ng donasyon ng N95 mask sa LASAC’s headquarters sa St. Francis de Sales Major Seminary compound sa Lipa City. Ang N95 masks ay magbibigay ng mainam na proteksyon at pansala sa particles na lubhang makasasama sa kalusugan ng mga tao. Matatandang noong nakaraang Huwebes, nagbuga ng…

Read More

17 PATAY SA DENGUE SA BULACAN

UMABOT na sa 17 katao ang namatay sa sakit na dengue sa lalawigan ng Bulacan mula Enero ng taong kasalukuyan. Ayon sa ulat na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) noong Biyernes, patuloy pa rin ang naitatalang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa nabanggit na probinsiya. Tinatayang nasa kabuuang bilang na 10,945 ang suspected dengue cases sa lalawigan na 349% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taong 2021 na nasa 2,435 kaso lamang. Sa datos na ito ay mayroon nang naitalang 17 dengue-related deaths…

Read More

2K RESIDENTE NG BATANGAS APEKTADO NG SMOG MULA SA MT. TAAL

taal

PINAG-IINGAT ang mga residenteng malapit sa Bulkang Taal makaraang mahigit 2,000 residente ang naapektuhan ng smog na may kasamang sulfur, ayon sa Agoncillo Municipal Health Office sa Batangas. Kabilang ang isang taong gulang na bata na taga-Brgy. Banyaga sa Agoncillo ang kalalabas pa lamang ng ospital matapos ang apat na araw na pagpapagamot dahil sa nalanghap na volcanic smog na nagresulta sa pneumonia. Patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan na isarang mabuti ang mga bintana ng bahay na malapit sa bulkan upang hindi masinghot ang mga abo na nagiging…

Read More