BULACAN – Isang 67-anyos na matandang babae ang namatay makaraang ma-trap sa kanyang bahay nang sumiklab ang sunog at mabilis na tumupok sa apat na kabahayan sa Barangay San Marcos, sa bayan ng Calumpit, sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi at naapula nitong Lunes ng madaling araw. Base sa isinumiteng report kay P/Col. Charlie A. Cabradilla, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang biktimang si Leah H. Regala, residente ng Purok 2, Barangay San Marcos, Calumpit, na nadiskubreng patay na matapos ang sunog na tumagal na halos tatlong…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
AMORTIZATION FREEZE GINHAWA SA MAGSASAKA
MALAKING tulong ang amortization freeze sa mga benepisyaryong magsasaka. Kaya naman sinusuportahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Western Visayas ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbigay ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng amortization ng agrarian reform beneficiaries (ARBs). “Hindi lamang nito mapapawi ang pasanin para sa mga benepisyaryong magsasaka, kundi makatutulong din ito sa kanila na ituon ang mga mapagkukunan ng mga input ng sakahan tulad ng mga pataba, buto, materyales sa pagtatanim, at makinarya sa sakahan,” sabi ni DAR Western Visayas Regional Director…
Read MoreRIDER PATAY SA FORTUNER
CAVITE – Patay ang isang 41-anyos na rider nang mabangga ang minamanehong motorsiklo ng isang Toyota Fortuner sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Southern Tagalog Regional Hospital ang biktimang si Wilfredo Maldonado Jr., subalit namatay habang nilalapatan ng lunas. Kinilala naman ang driver ng Toyota Fortuner na may plakang NAA 9455, na si Natasha Mane Candelaria Tan, 38. Ayon sa ulat ni Corporal Fidel Querijero III ng Bacoor City Police, alas-7:50 ng gabi nang mangyari ang insidente. Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas…
Read MoreSa mga biktima ng lindol sa Abra CALAMITY LOAN PALALAWIGIN NG PAG-IBIG FUND
GAGAWING available ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang calamity loan program para sa mga naging biktima ng magnitude 7 na paglindol na tumama sa Northern Luzon, noong Miyerkoles. “The loanable amount is up to 80% of the member’s savings with the lowest interest rate of 5.95%,” anunsyo ng ahensya. Gayunpaman, sinabi ng Pag-IBIG Fund na ang kanilang guidelines ay nangangailangan ng declaration of calamity mula sa local government unit (LGU) bago pa maging available ang loan facility. Sa kalatas ng Pag-IBIG Fund nakasaad na “members can opt…
Read MoreEX-BARANGAY CAPTAIN PATAY SA PAMAMARIL
NASAWI ang isang dating barangay captain matapos barilin ng hindi nakilalang salarin habang nasa kanyang ipinagagawang eatery sa Candelaria, Quezon, Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktima na si Eduardo Raymundo, 62, residente at dating kapitan ng Barangay Pahinga Norte. Batay sa report ng Candelaria police, dakong alas-2:00 ng hapon, nasa loob ang biktima ng ipinagagawang eatery sa Buncayo Subdivision sa kanilang barangay nang dumating ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Pagkababa ng backrider, pinagbabaril nito ang biktima saka muling umangkas sa motorsiklo at tumakas. Idineklarang dead on arrival sa…
Read More17 DRUG SUSPECTS TIKLO SA P1.1-M SHABU
BULACAN – Mahigit P1.1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Marilao Police sa isang security guard at kasabwat na electrician sa buy-bust operation sa Barangay Ibayo, Marilao, Bulacan kahapon ng madaling araw, habang 15 pang drug personalities ang nakorner din sa serye ng drug bust operations sa isang siyudad at limang bayan sa lalawigang ito noong Huwebes ng gabi. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, ang naarestong drug pushers ay kinilalang sina Mark Kamsa, 27-anyos, security guard, ng…
Read MoreDeath toll sa lindol: 6 NAKIPAGLAMAY NABAGSAKAN NG BATO, PATAY
UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga namatay sa Cordillera Region bunsod ng magnitude 7.0 earthquake na tumama sa Hilagang Luzon, matapos itong madagdagan ng isang na lalaki na nabagsakan ng mga bato habang nakikipaglamay. Sa ulat na ipinarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, isang lalaki ang natabunan ng gumuhong lupa at mga bato sa Monamon Sur, Bauko, Mountain Province habang ito ay dumadalo sa lamay noong Huwebes ng umaga. Kinilala itong si Andres Sagayo, 59, mula sa Pactil, Monamon Sur, Bauko, Mt. Province. Pinangunahan ng PNP…
Read MoreTATAY NG SUSPEK SA ATENEO SHOOTING, PATAY SA TANDEM
PATAY sa apat na tama ng punglo ang tatay ni Dr. Chao Tiao Yumol, ang suspek sa Ateneo de Manila University shooting incident, nang pagbabarilin ng riding in tandem gunmen sa harap ng kanilang bahay sa Lamitan City, Basilan nitong Biyernes ng umaga. Dalawang armadong kalalakihan ang sumalakay at bumaril kay Rolando Yumol, 69, isang retiradong military officer, sa harap ng bahay nito sa Rizal St., Barangay Maganda, pagkumpirma ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo. Hinihinalang ridu o s clan war ang nasabing pamamaslang sa ama ni Dr. Yumul, katunayan…
Read MorePAGKAMATAY NG INARESTONG TULAK, INIIMBESTIGAHAN
NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa pagkamatay ng isang 22-anyos na lalaking inaresto dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga, matapos na ideklarang dead on arrival sa ospital sa Dasmariñas City, Cavite noong Huwebes ng gabi. Dead on arrival sa Southern Tagalog Regional Hospital si John Glester Sereneo na naaresto dahil sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ayon sa ulat ni Corporal Fidel Querijero III ng Dasmariñas City Police, pasado alas-9:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust…
Read More