3 CRIME GROUP MEMBERS, NALAMBAT NG CIDG

TATLO katao ang nadakip nang salakayin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group – Calabarzon ang hide-out ng umano’y criminal group na nagtatago ng sari-saring armas at pampasabog sa Barangay Anastacia, Tiaong, Quezon noong Huwebes ng umaga. Sa bisa ng search warrant hinggil sa paglabag sa RA 10591 (The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na inisyu ni Executive Judge Dennis Galahad Orendain ng Regional Trial Court, Lucena City, Quezon, nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Ritzelda Herrera, 50; John Gilbert Herrera, 30, at Von Vincent Herrera,…

Read More

PUGANTE NAPATAY NG MGA PULIS

patay

LAGUNA – Patay ang isang tumakas na preso sa Cavite makaraang maka-engkwentro ang mga pulis sa Sta. Cruz, Laguna. Sinabi ni Laguna Police director, Col Cecilio Ison Jr., ang nakatakas  na suspek ay si Jeffrey Ochoa, nasabat ng mga awtoridad sa Sitio Bougainvilla, Barangay Bubukal, Sta. Cruz, Laguna. Nasukol ito ng mga awtoridad sa naturang lugar ngunit sa halip na sumuko ay bigla itong bumunot ng baril at nakipagbarilan. Base sa ulat, kasong theft lamang ang kinahaharap ng suspek. Nakatakas ito sa kanyang bantay na gwardiyang si John Michael Ferrera matapos paluin nito…

Read More

P3.4-M SHABU NASABAT NG PDEA SA COTABATO CITY

TINATAYANG nasa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang crystal meth (shabu) ang nasabat sa inilunsad na anti-narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bubong Road, Tamontaka 1, Cotabato City noong Miyerkoles ng madaling araw. Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa isang  high value target na kinilalang si Buhare Tutin Abusupian alyas “Warex Guinno Abusupian” at alyas Tutin/alias Misuari”, 22, may asawa, at residente ng Barangay Damablac, Talayan, Maguindanao. Si Abusupian ay siyang responsable umano sa pagpapalaganap ng illegal drugs sa kalapit na mga bayan sa Maguindanao at Cotabato City. Ayon…

Read More

Kasunod ng 7.3 magnitude quake ILANG KALSADA SA CAR, ILOCOS REGION BUKAS NA

MAAARI nang daanan ng mga motorista ang ilan sa pangunahing mga kalsada matapos na linisin ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) makaraang naapektuhan ng 7.3 magnitude quake ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region noong Miyerkoles ng umaga. Bandang alas-6 :00 ng umaga nitong Huwebes ay puwede nang madadaanan ang ilang mga kalsada, ayon na rin sa ulat mula kay DPWH Bureau of Maintenance at DPWH Secretary Manuel Bonoan. Kabilang sa maaari nang madaanan ang Abra – Kalinga Road, Abra – Ilocos Norte Road, at Abra – Cervantes…

Read More

7 PANG BANGKAY NAREKOBER SA GUMUHONG TULAY

CAVITE – Bangkay na nang maiahon ang pito pang mga biktima ng pagguho ng tulay na bakal sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi makaraang marekober ang mga ito noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang pito na sina Jasper Uy y Mangoang, 15; Angeline Villanueva y Perez, 17; Wally Reneda y Perez, 17; John Lester Wee y Sumayod, 15; Haslen Vinas y Mirabel, 15; Jericho Batin Nepomuceno; 13, at Cyrus Lagrimas y Tolentino, 15; pawang residente ng Sitio Talisayan, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite. Ang mga biktima ay pawang…

Read More

2 HVTs TIKLO SA P.7-M DROGA SA TAYTAY

RIZAL – TIKLO sa dalawang high value target ang 109 gramo ng umano’y shabu at dalawang motorsiklo sa anti-drug operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay P/BGen. Antonio Yarra, PRO4A-Regional director, kinilala ang dalawang nadakip na sina Danilo Policarpio y Valenzuela alyas “Boyo” at Errol Fadri y dela, Cruz alyas “Mickey”, kapwa high value target at nakatira sa bayan ng Taytay. Napag-alaman, dakong alas-5:20 ng hapon noong Hulyo 26, nadakip sa buy-bust…

Read More

LALAKI PATAY SA SUMABOG NA TAKURI

RIZAL – Patay ang isang lalaki nang sumabog ang takuri na pinakuluan ng tubig para magtimpla ng kape noong Martes ng madaling araw sa lungsod ng Antipolo. Sa naantalang ulat ng Antipolo PNP, kinilala ang biktima sa pangalang Fernandez, nasa hustong gulang, ng Sitio Binayoyo, Brgy. Calawis, Antipolo City. Ayon sa record ng pulisya, nasa pagitan ng ika-4:00 hanggang ika-5:00 ng umaga nang mangyari ang trahedya sa Sitio Binayoyo. Kararating lang ng biktima sa bahay ng kanyang bayaw at maghahanda ito ng almusal at magtitimpla ng kape ngunit nang kunin…

Read More

1 PATAY, 7 MISSING, 5 SUGATAN SA GUMUHONG TULAY

CAVITE – Isa ang kumpirmadong namatay, lima ang sugatan habang pito pang mga kabataan ang pinaghahanap makaraang mahulog sa ilog mula sa gumuhong tulay sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Pagamutan ng Dasmariñas City si John Michael Beltran y Pamel, 17, sugatan naman ang limang biktimang sina Jeralden Pacia y Apas, 16; Lester Neri y Ramirez, 16; Generos Pacia y Zena, 16; Danica Uy y Mangaoang, 12, at Lyka Briones y Armentano, 18, habang pito pang kabataan ang patuloy na pinaghahanap.…

Read More

4 PATAY SA LUZON MAGNITUDE 7 QUAKE

APAT na ang kumpirmadong namatay sa magnitude 7 earthquake sa Luzon at ang sentro ay tumama sa lalawigan ng Abra nitong Miyerkoles ng umaga habang umabot sa 60 ang mga sugatan, ayon sa ulat ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. Kabilang sa namatay ang isang construction worker nang mahagip ng nagbagsakang mga debris sa La Trinidad, Benguet, ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal. Agad na pinakilos ni AFP Northern Luzon Command chief Ernesto Torres Jr. ang kanyang mga area commander…

Read More