2 TODAS SA PAMAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawang lalaki ang namatay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Martes. Batay sa report ng Batangas Police Provincial Office, unang namatay sa pamamaril sa bayan ng Nasugbu ang biktimang si Marco Ibañez, 45, residente ng Sitio Tala, Barangay Munting Indang. Ayon sa imbestigasyon ng Nasugbu Police, dakong alas-7:00 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang ito ay harangin ng isang puting kotse na may sakay na dalawang hindi nakilalang lalaki at pinagbabaril ng mga ito si Ibañez saka mabilis na tumakas. Samantala, patay rin…

Read More

LAYSON NANAWAGAN NG “GREEN REVOLUTION”

NANAWAGAN ng “Green Revolution” ang Magsasakang Reporter na si Mer Layson. Isa sa mga guest at resource speaker si Layson sa ginanap na Bagong Balita Media Forum sa Quezon City kahapon. Bukod kay Layson, guest din sa forum sina Department of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan at BFAR Director Eduardo Gongona. Ang batikang TV at Radio personality na si Gani Oro ang siyang moderator at host ng Forum na ginanap dakong alas-9 hanggang alas 12:00 ng tanghali sa Max’s Restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City. Ibinahagi ni Layson ang kanyang…

Read More

Sa Candelaria Bypass Road, Quezon LGU PINAAAKSYON SA PAMBABATO SA MGA MOTORISTA

INIREREKLAMO ng mga motorista ang nangyayaring pambabato sa dumaraang mga sasakyan sa bahagi ng national highway  sa bayan ng Candelaria, sa lalawigan ng Quezon. Ayon sa reklamo ng mga motorista, perwisyo ang kanilang inaabot sa mga nambabato na nangyayari kapag bumabagtas ng gabi sa Candelaria Bypass Road partikular sa bahagi ng Barangay Mangilag Sur. Nito lamang Hunyo 30, nabiktima ang isang Arnaldo Fermo habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Narinig na lamang niya ang malakas na kalabog at sinundan ng pagkabasag ng salamin sa tagiliran ng kanyang kotse. Ayon pa sa mga motorista, walang…

Read More

PEKENG LTFRB EMPLOYEE TIKLO CIDG

BATANGAS – Timbog ang isang pekeng empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nangingikil sa mga operator ng mga pampasaherong sasakyan sa Purok 4, Brgy. Lodlod, sa bayan ng Lipa sa lalawigang ito. Tinukoy ni P/Col. Marlon Santos, Regional chief ng CIDG RFU 4A, ang suspek na si Virgilio Franco alyas “Toto”. Base sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga operatiba ng  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG ) 4-A si Franco sa bisa ng search warrant na ibinaba ni Judge Leo-Jon Ramos ng Regional Trial Court, Branch 85 ng Lipa City, Batangas. Inireklamo si Franco…

Read More

EX-VICE GOV NG BATANGAS ARESTADO SA ARMAS

ARESTADO si Richard “Ricky” Recto, dating vice governor ng Batangas, dahil sa iba’t ibang uri ng armas na hindi lisensyado na nakumpiska ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group at Eastern Police District (EPD) sa lungsod ng Pasig. Batay sa ulat ni PNP-ACG OIC P/BGen. Bowenn Joey Masauding, si Recto ay nahuli sa implementasyon ng warrant to search, seize, and examine computer data (WSSECD) nang ireklamo ito ng dating nobya dulot ng umano’y paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act. Sa…

Read More

7 SUNDALO SUGATAN SA LANDMINE

NORTHERN SAMAR – Pitong mga tauhan ng Philippine Army ang nasugatan, dalawa sa kanila ang nasa kritikal na kalagayan nang biglang sumambulat ang hinihinalang roadside bomb na itinanim ng mga communist terrorist sa bayan ng Mapanas sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na ibinahagi ng Army 8 Infantry Division, isang anti-personnel mine ang pinasabog ng mga NPA habang nagsasagawa ng road clearing operation ang mga sundalo sa Barangay Magsaysay bandang alas-6:15 kahapon ng umaga. Kabilang sa mga sugatan ang isang sergeant, apat na privates first class, isang corporal, at isang private…

Read More

RAPE SUSPECT NABUSLO SA CIDG

ARESTADO ng mga operatiba ng CIDG Manila DFU (lead unit) kasama ng mga tauhan ng MPD PS-9, sa bisa ng warrant of arrest, ang isang suspek sa kasong rape sa Sampaloc, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang suspek na si Herminigildo Delpozo y Samaniego, no. 11 most wanted person, district level. Inaresto ang suspek sa CIDG Flagship Project Oplan Pagtugis at Oplan Salikop, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalio G. Dela Rosa ng RTC Branch 28 National Capital Judicial Region. Ang arestado ay miyembro…

Read More

Lider ng gun for hire, holdup group MURDER SUSPECT NABINGWIT NG CIDG

ANTIPOLO CITY – Swak sa kulungan ang 38-anyos na wanted sa kasong murder at umano’y lider ng gun for hire at robbery hold-up group, makaraang masakote ng magkasanib na puwersa ng pulisya sa lungsod na ito. Kinilala ang naaresto na si Jed Patrick Real, binata, nakatira sa Brgy. Mambugan sa lungsod. Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga noong Hulyo 2, inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rey Rangco Lor, ng Fourth Judicial Region, RTC Branch-138 Antipolo City, ang suspek sa kasong murder at walang…

Read More

Anak nadamay OBRERO PINATAY SA LOOB NG BAHAY

patay

QUEZON – Patay ang isang construction worker habang sugatan ang menor de edad na anak nito matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Abril De Luna Buenavista, 34-anyos, dahil sa mga tama ng bala sa likod. Base sa report ng Candelaria Police, dakong alas-9:00 ng gabi, nasa loob ng kanyang bahay sa Barangay Pahinga Norte ang biktima kasama ang anak na si Khizalhayn, nang puwersahang pasukin ng suspek na…

Read More