UMAKYAT na sa walong labi ng communist New People’s Army (NPA) rebels na biktima ng hidwaang panloob sa hanay ng CPP-NPA, ang nahukay at binigyan ng disenteng libing ng Philippine Army sa Barangay Canadam sa Maconacon, Isabela. Ito ay matapos na madiskubre ang lima pang bangkay na sinasabing pinatay ng kanilang mga kasamahan bunsod ng namumuong sigalot sa loob ng kilusan, ayon sa mga dating rebelde na sila ring nagturo sa sinasabing killing field ng CPP-NPA Ang mga labi ay kinilalang sina alias “Rigid” at “Mawin,” commanding officer ng Front…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
GINANG PATAY SA LANDSLIDE
PATAY ang isang babae nang matabunan ng rumaragasang putik at bato sa paanan ng bundok kasunod ng landslide sa bahagi ng Sitio Labangan-Hacienda, Barangay Gabon, Abucay, Bataan. Ayon sa datos na nakalap ng Disaster Response Management Division ng DSWD FO 3, isang pamilya ang naitalang naapektuhan ng pagguho ng lupa at isa naman ang naitalang namatay. Kinilala ng Abucay MDRRMO at ng Bataan PNP ang biktimang si Roselyn Dela Cruz, 27, empleyado ng Labangan Resort na sakop ng pinangyarihan ng trahedya. Ayon sa ulat, Sabado ng madaling araw nagsimulang bumuhos…
Read MoreKADETE TUMAKAS SA PNPA?
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police Academy (PNPA) kung tumakas ang isa nilang bagong kadete na nadiskubreng nawawala sa kanilang ‘reveille’ sa Camp Castañeda sa Brgy. Tartaria, sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Si Cadet Rolando Victor Balasabas ay nadiskubreng nawawala nang magsagawa ng bilangan ng mga kadete sa kanilang “reveille” dakong ala-1:00 ng hapon. Ayon sa ulat ni P/MSgt. Johnny Dumangeng ng Silang Police Station, huling nakita ang biktima dakong alas-2:00 noong Sabado ng madaling araw na pumasok sa CR sa…
Read MoreHoldap lang sana ang pakay SUSPEK SA PAGPATAY SA LADY ENGINEER UMAMIN
UMAMIN na ang suspek na si Darwin De Jesus sa pagpaslang nito sa lady engineer na si Princess Dianne Dayor na natagpuang naaagnas sa isang madamong lote noong Hulyo 5. Ayon sa report ni P/Lt. Col. Ferdinand Germino, hepe ng Malolos City Police, kay Bulacan PNP acting director Col. Charlie Cabradilla, noong Sabado ng hapon ay napilitang aminin ng suspek ang krimen. Inamin ng suspek ang krimen sa tumatayong mga abogado nito na sina Atty. Eunice Zulueta, Atty. Mary Jane Sabangan at Atty. Ted Saludo. Ang pagtayo ng mga abogado sa panig…
Read MoreMAGKAPATID NAGLARO NG GRANADA, 1 PATAY
DAVAO DEL SUR – Patay ang isang pitong taong gulang na bata habang malubha namang nasugatan ang kanyang nakababatang kapatid nang sumabog ang isang granada na hinihinalang pinaglaruan ng dalawa sa bayan ng Malalag sa lalawigang ito. Sa ulat ng Malalag Municipal Police Station, noong Huwebes ng umaga nang maganap ang grenade explosion na ikinamatay 7-anyos at Grade 1 pupil na batang lalaki habang sugatan naman ang limang taong gulang na kapatid nito. Lumitaw sa paunang imbestigasyon na isang hand grenade ang napulot ng magkapatid habang naglalaro malapit sa kanilang bahay. Posibleng…
Read MoreSa nagpapatuloy na sama ng panahon 3 LALAWIGAN SAPUL NG BAHA, LANDSLIDE
HINDI bababa sa 1,000 pamilya mula sa ilang lokalidad ng tatlong lalawigan ang apektado sa matinding buhos ng ulan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasabay ng babala ng mas malawak pang pagbaha at posibilidad ng mga pagguho ng lupa kung magpapatuloy pa ang sama ng panahon. Sa mga ulat na nakalap ng NDRRMC, nasa 1,000 pamilya ang apektado sa flashfloods at landslides na naitala sa Banaue (Ifugao Province), Mati City (Davao Oriental) at Cebu City bunsod ng mabigat na buhos na ulan dulot ng Habagat.…
Read MorePUMATAY SA LADY ENGINEER, NABITAG
IPRINESENTA noong Huwebes ng gabi nina Governor Daniel Fernando at Bulacan PNP Acting Director Col. Charlie Cabradilla sa mga mamamahayag ang sinasabing suspek sa pagpaslang sa lady engineer na natagpuang naaagnas na sa madamong lugar sa Barangay Tikay, Malolos noong Martes, Hulyo 5. Ang inarestong person of interest (POI) ay kinilalang si Darwin De Jesus na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Bulacan PNP, Malolos City Police at Guiguinto Police sa isang paupahang bahay malapit sa tirahan ng biktimang si Princess Dianne Dayor, 24-anyos, residente ng Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan.…
Read More4 NPA NALAGAS SA SAGUPAAN
MULING nalagasan ng armadong galamay ang Communist Party of the Philippines nang mapatay ng mga tauhan ng AFP Visayas Command (VISCOM) ang apat na rebeldeng New People’s Army sa engkwentro sa Negros Island. Ayon kay Lieutenant General Robert C. Dauz, commander ng VISCOM, malaking pagkapilay ang dinanas ng nalalabing NPA sa Negros Island bunsod ng mga inilunsad na internal security operations sa Negros Island nitong nakalipas na linggo. Nitong Huwebes, apat na CPP-NPA rebels ang napaslang ng mga tauhan ng 94th Infantry Battalion nang makasagupa nila ang 14 communist terrorist sa…
Read More2 TRAFFIC ENFORCER HULI SA KOTONG
CAVITE – Buking ang pangongotong ng dalawang traffic enforcer nang nagsumbong ang hinuli nilang Dutch national dahil sa traffic violation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Inaresto ang dalawang traffic enforcer na sina Albert Velasquez at Carl Xavier Galang ng Bacoor Traffic Management Department, dahil sa reklamo ni Marek Moens, isang Dutch national. Ayon sa imbestigasyon ni Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police, minamaneho ni Moens ang kanyang motorsiklong Honda TMX at binabagtas ang Aguinaldo Highway ngunit pagsapit sa harapan ng isang mall sa…
Read More