NASAWING GURO NAG-SUICIDE HINDI MINARDER – BATANGAS PPO

BATANGAS – Nagpakamatay ang gurong natagpuang walang buhay at nakabitin sa bintana ng kanyang tinutuluyang apartment sa bayan ng Taal sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ito ang paglilinaw ng Batangas Provincial Police Office matapos ang masusing imbestigasyon ng Taal PNP at mga taga SOCO  sa pagkamatay ng guro na si Meriel Magsino, 29-anyos. Si Magsino ay natagpuang walang buhay at nakabigti sa grills ng kanyang apartment sa Barangay Mahabang Ludlod, Taal dakong alas-9:00 ng umaga noong Hunyo 29. Dalawang co-teacher ng dalaga ang nakadiskubre sa pangyayari. Ayon sa inisyal na imbestigasyon…

Read More

RADIO BROADCASTER NA POLITICAL LEADER NILIKIDA

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cagayan de Oro City PNP hinggil sa radio broadcaster na nilikida ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Kinilala ang biktimang si Federico “Ding” Gempesaw, isang radio broadcaster, driver ng taxi, at isa ring political leader. Lumitaw sa pagsisiyasat, pumarada ang biktima sakay ng kanyang minamanehong taxi sa harap ng kanyang bahay nang dikitan ng hindi pa kilalang mga suspek at siya ay ilang ulit na pinaputukan. Agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sakay ng isang motorsiklo. (JESSE KABEL) 274

Read More

HEPE NG LIAN PNP PATAY SA AKSIDENTE

BATANGAS – Patay ang hepe ng pulisya ng bayan ng Lian matapos na ang minamaneho nitong SUV ay sumalpok sa isang ten wheeler truck sa national highway sa Barangay Tulo, sa bayan ng Taal noong Martes ng madaling araw. Ayon sa Taal Police, idineklarang dead on arrival sa Batangas Provincial Hospital sa bayan ng Lemery si P/Maj. Amiel Bernardo Sanhi, residente ng Barangay Calicanto,  Batangas City, dahil sa grabeng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng ulo at katawan. Batay sa report, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang mangyari ang insidente, tinangka…

Read More

3 PATAY SA FLUVIAL PARADE SA PAMPANGA

PAMPANGA – Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng “Libad Ilog” o fluvial parade sa pista ng Patron “Apu Iro” sa bayan ng Apalit sa lalawigang ito, nang makuryente ang mga deboto na ikinamatay ng dalawa katao at apat ang nasugatan noong Martes ng hapon. Ayon sa report ni Pampanga Police Acting Director Col. Alvin Ruby Consolacion, kabilang sa mga namatay na si Nyote Ponsenes, 40-anyos, at isang ‘di pa nakikilalang lalaki na edad 25-30-anyos. Habang kinilala ang mga sugatan na sina Maria Christina Javier-Torres, 58; Mia Franz Simbulan, 11; Dwayne Cortez, 11, at Elizabeth Figueras…

Read More

PAMILYA NILOOBAN NG GAPOS GANG

QUEZON – Pinasok ng dalawang hindi kilalang suspek ang isang bahay sa bayan ng Calauag at iginapos ang limang nakatira kabilang ang dalawang kasambahay, noong Lunes ng umaga. Batay sa report ng Calauag Police, dakong alas-6:00 ng umaga, biglang pumasok ang dalawang armado ng baril sa bahay ng 52-anyos na negosyanteng si Bienvenida Rosas sa Brgy. Poblacion 4. Iginapos ng mga suspek ang ginang at ang dalawang anak nito gayundin ang dumating na mga kasambahay na sina Jenalyn Agapay, 34, at Jackielyn Ardevela, 25. Kinulimbat ng mga suspek ang mga alahas na P600,000 ang halaga, P7,000…

Read More

RIDER NAGULUNGAN NG HI-ACE VAN, PATAY

CAVITE – Patay ang 24-anyos na rider nang magulungan ng isang Toyota Hi-Ace van makaraang tumilapon ang katawan nito matapos na mabangga ang isang nagbibisekleta sa bayan ng Silang noong Lunes ng umaga. Kapwa isinugod sa Estrella Hospital sina Jose Villanueva, isang factory worker at Jaime Austria, 49, ng  Brgy. San Jose, Tagaytay, subalit idineklarang dead on arrival ang una dahil sa pinsala sa katawan. Arestado naman ang driver ng Toyota Hi-ace van na may plakang DAZ-8682 na si Abubacar Pangulamen Camar, 32, ng Bauan, Batangas. Ayon sa ulat ni Corporal Ralph…

Read More

LGU SINISISI SA FISH KILL SA BATANGAS

BATANGAS – Tinamaan na naman ng fish kill ang ilog sa bayan ng Lian sa lalawigang ito, at nagsipaglutangan sa tubig ang iba’t ibang klase ng mga patay na isda. Base sa Facebook post ng Lian LGU, nangyari ang fish kill noong Linggo ng tanghali sa nasabing ilog na nasa boundary ng Lian at bayan ng Nasugbu. Agad ding nag-imbestiga ang lokal na pamahalaan at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at kumuha ng sample ng tubig para malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda. Pansamantala…

Read More

BIYAHENG SAN PABLO-LUCENA NG PNR BALIK-OPERASYON

BINUKSAN muli ng Philippine National Railways (PNR) ang ruta nitong San Pablo -Lucena matapos ang isang dekadang pagtigil. Ito ay bahagi ng proyekto ng PNR na mapalawak ang kanilang serbisyo sa mamamayan sa probinsya ng apat na munisipalidad at dalawang lungsod sa Laguna at Quezon. Mula sa dating isang oras na biyahe magiging 30 minuto na lamang ang lalakbayin sa pamamagitan ng muling operasyon ng nasabing ruta. May habang 44 kilometro at dalawang main station at apat na flag stops mula sa San Pablo City, Laguna hanggang Lucena City sa…

Read More

2 DAYUHAN, NASAWI SA BATANGAS

MAGKASUNOD na pumanaw ang dalawang dayuhan sa lalawigan ng Batangas nitong Sabado. Unang nasawi ang American Citizen na si Jeffrey Wagner, 60-anyos, pansamantalang naninirahan sa Barangay Bagtas, Tanza, Cavite, habang ito ay sakay sa isang fishing banca na naglalayag mula sa General Santos City patungo sa Calatagan, Batangas. Ayon sa report ng pulisya, bandang alas-8:00 ng umaga, nasa karagatan sa bayan ng Lemery, Batangas ang vessel nang makaramdam umano ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga ang biktima at humingi ng inuming tubig. Pero ayon sa bayaw ng biktima,…

Read More