6 BAYAN SA QUEZON ELECTION HOTSPOTS

LUCENA CITY – Anim na bayan sa lalawigan ng Quezon ang itinuturing na “hotspots” ngayong halalan. Ayon kay Colonel Joel Villanueva, Quezon Police chief, ang bayan ng Infanta at Mulanay, ay nasa ilalim ng kategoryang “yellow” dahil sa napatalang insidente ng mga karahasan kaugnay sa eleksyon. Si Infanta Mayor Filipina Grace America ay pinaulanan ng bala ng isang lalaking armado ng kalibre .45 na baril habang lulan ang alkalde sa sasakyan sa kabayanan noong Pebrero 27. Mabilis na tumakas ang lalaki pagkatapos ng pamamaril. Himalang nakaligtas si America sa tangkang…

Read More

BULAKENYO NAGKAISA PARA SA TAPAT NA PAMAMAHALA

MAINIT ang pagsalubong ng libu-libong Bulakenyo na sumusuporta sa Ang Laban Ng Indiginong Filipino (ALIF) Party-List gayundin sa vice-gubernatorial candidate na si Salvador “Bogs” Violago sa proclamation rally na ginanap sa Malolos City hall ground nitong Sabado. Sa nasabing proclamation rally ay nagsanib puwersa ang ALIF-Party-list at si Violago kung saan ay mahigit sa 6,000 mga taga suportang Bulakenyo ang dumalo at nakiisa para sa isinusulong nitong tapat na pamamahala kung maluklok sa darating na May 9, 2022 national and local elections. Ang mga nakiisa sa ALIF Party-list sa pangunguna…

Read More

PAGKABAON SA UTANG MALAKING HAMON SA MAYNILA

MALAKING hamon sa susunod na uupong alkalde ng lungsod ng Maynila ang pagkabaon sa utang ng lungsod. Isa ito sa mga nais tugunan ni Kabaka Chairman at mayoralty bet Amado Bagatsing sakaling palarin siya sa Mayo. Sa kanyang grand proclamation rally sa Dagonoy Public Market, Onyx Street, District 5 noong Biyernes, March 25, hindi nagpatinag ang tinaguriang ‘Daddy A’ ng pamilya Kabaka sa mga pakulo at aktibidad na ginagawa ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas sa Maynila. Gaya ni Atty. Alex Lopez na manok ni presidential frontrunner Bongbong Marcos…

Read More

ROLLOUT NG P500 AYUDA MALABO PA

HINDI pa nakapagtatakda ang mga ahensiya ng pamahalaan kung kailan magsisimula ang distribusyon ng P500 monthly cash aid sa mahihirap na pamilya dahil hindi pa naisasapinal ang guidelines para rito. Inaasahan naman na maipalalabas ang isang joint memorandum circular mula sa Department of Finance, Department of Budget and Management, DSWD, at iba pang ahensiya na nagdedetalye ng distribusyon ng financial support, na tatagal ng tatlong buwan. “Sa kasalukuyan, tayo ay bumubuo, bumabalangkas ng panuntunan diyan. Yesterday (Friday) tayo ay nakipagpulong sa ating economic managers para ma-identify ‘yung institutional arrangements, eligible…

Read More

BULKANG TAAL ALERT LEVEL 3 NA

ITINAAS ng Phivolcs ang alert status ng Taal Volcano mula sa Alert Level 2 patungo sa Alert Level 3 nitong Sabado ng umaga. Ito ay matapos magkaroon ng aktibidad ang bulkan na nagsimula sa short-lived phreatomagmatic burst. Ngunit ayon sa Phivolcs, sinundan pa ito ng patuloy na phreatomagmatic activity kung saan naglabas ito ng makakapal na usok mula sa main crater na umabot sa 1,500 na metrong taas. Nakapagtala rin ito dakong umaga ng sunod-sunod na pagyanig o volcanic earthquake at nagdulot ng infrasound signals. Ayon sa Phivolcs, may magmatic…

Read More

Ibinenta ng ina sa Facebook SANGGOL NASAGIP NG NBI SA LAGUNA

NASAGIP sa follow-up operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ang isang sanggol na ibinenta ng kanyang ina sa halagang P45,000 sa isang babae at nobyo nitong Nigerian national na nakilala umano nito sa Facebook, sa Sta. Cruz, Laguna, iniulat ng NBI. Kinilala ni NBI OIC-Director Eric B. Distor ang mga nadakip na sina Imelda Mabiliran at live-in partner nitong si Maxwell Ifeanyi Bright Okoro. Base sa ulat ng NBI, nakilala ng ina ng biktima ang mga suspek sa isang Facebook group na may pangalang “Bahay Ampunan” kung saan nag-umpisa…

Read More

BARIL IPINAGYABANG, 2 SWAK SA KARSEL

CAVITE – Dalawang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Cavite Police dahil sa pagdadala ng baril sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang mga inaresto na sina Eddie Cali y Orlanda alyas “Eddie,” 61, residente ng Brgy. Talon Uno, Las Piñas City, at Teofilo Baybay y Manintim, 57, tricycle driver, at residente ng Brgy. Mag-asawang Ilat, Tagaytay City. Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Cavite), dakong ala-1:55 ng umaga noong Huwebes nang nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen…

Read More

DSWD AYUDA FORMS SA CAVITE, MAY TATAK NG POLITIKO

KINUWESTYON ng netizens kung bakit nakalagay ang pangalan ng ilang politiko sa Ayuda form ng DSWD. Base sa mga Facebook post ng ilang residente ng mga lungsod at bayan na kabilang sa Unang Distrito ng Cavite, nagtaka sila sa mga diumano’y nakakabit na forms sa mga application para sa ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa mga report, sinasabi na ang mga opisyal na papeles para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD ay may tatak ng logo ng isang Party-list Group…

Read More

ALIF- BOGS SANIB PWERSA SA BULACAN

NAGSANIB PWERSA ang ALIF party-list at Bulacan vice-governatorial candidate Salvador ‘Bogs’ Violago para isulong ang tapat na pamamahala makaraang isagawa ang proclamation rally sa Malolos City hall ground nitong Sabado. Ang naturang rally ay dinaluhan ng tinatayang 10,000 lider na nagmula sa 21 munisipyo at 3 lungsod ng Bulacan. Nanumpa sila na puspusang ikakampanya ang tambalang ALIF – Bogs. Ayon kay ALIF first nominee Rogelio Villangca, ang pagsasanib nila ng grupo ni Bogs Violago ay tinatayang makabubuo ng mas malapad na makinarya at malakas na kampanya para itaguyod ang mga…

Read More