TATLONG bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur ang kailangan magdaos ng isang special election bunsod ng mga karahasang naganap sa mismong araw ng halalan. Sa rekomendasyong inihain ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Deputy Director for Operations Teopisto Elnas, kinatigan ng Commission on Elections (Comelec) ang panawagang ideklara ang “failure of election” sa mga bayan ng Tubaran, Binidayan at Butig kung saan hinarang umano ng mga politiko ang pagpasok ng mga balota patungo sa itinakdang polling places. Naitala rin ang insidente ng pagwasak ng vote counting machines…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
BANGKA LUMUBOG, 7 PASAHERO NASAGIP
TAWI-TAWI – ‘Timing’ ang pagkakaligtas ng mga kagawad ng 2nd Marine Brigade ng Joint Task Force Tawi-tawi na naatasang maghatid at mag-escort ng Board of Election Inspectors (BEIs), sa pitong pasahero ng tumaob na bangka sa karagatan ng Bongao sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat na nakarating kay Philippine Marines commandant, MGen. Nestor C. Herico, ang kanyang mga tauhan ay naatasang sumundo at mag-escort sa Board of Election Inspectors at vote counting machines mula sa Lato-Lato Elementary School, nang mapuna nila ang tumaob na bangka sa bisinidad…
Read More1 PATAY SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO
CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang 48-anyos na rider nang makasalpukan nito ang motorsiklo ng isa pang rider sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rommel Añunuevo y Andaleon, may asawa, ng Brgy. Taywanak Ibaba, Alfonso, na idineklarang dead on arrival habang ang driver ng isa pang motorsiklo ay kinilalang si Orland Rollon y Cruzada, binata, nasa hustong edad, ng Brgy. Taywanak Ibaba, Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Deverson De Vera Salinas ng Alfonso Police Station, minamaneho…
Read MoreBUNGO NG KAGAWAD PINASABOG
QUEZON – Patay ang isang barangay kagawad matapos na barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Apolinario Rivarez, 66, residente at incumbent barangay kagawad ng Brgy. Bignay 2. Batay sa report ng Sariaya Police, dakong alas-8:25 ng gabi, nakaupo sa loob ng kanyang bahay ang biktima at umiinom ng lambanog nang malapitang barilin ito sa ulo ng suspek gamit ang isang maiksing baril. Agad itong ikinamatay ng biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek. Palaisipan…
Read More3 SUGATAN SA SUNOG SA MAYNILA
TATLO katao ang sugatan sa sunog na tumupok sa 25 kabahayan habang 75 pamilya ang nawalan ng tirahan sa LRC Compound sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Manila nitong Martes ng madaling araw. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire under control dakong alas-6:00 ng umaga. Ayon sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, dahil sa masisikip sa daan, nahirapan ang mga pamatay-sunog na maapula agad ang apoy. Wala namang iniulat na namatay sa insidente maliban sa tatlong nasugatan. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson…
Read MorePAGKUMPISKA NG BOC SA BARGE, KINATIGAN NG SC
KINATIGAN ng Korte Suprema ang pagkumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang barge na naglalaman ng ilegal na ‘used oil’ sa Port of Surigao noong 2012. Ayon sa BOC, pinagtibay ng SC ang kanilang desisyon noong Disyembre 20, 2012 at resolusyon ng Department of Finance noong Hunyo 17, 2013, na kumpiskahin ang barge na “Cheryl Ann” sa kabila ng apela ng may-ari nitong Gold Mark Sea Carriers Inc. Sa 11-pahinang desisyon ng SC, ang paggamit ng naturang barge na naglalaman ng ipinagbabawal na cargo na ‘used oil’, at walang kaukulang…
Read More2022 NLE relatively peaceful pero.. AFP NANANATILING NAKAALERTO
“TO those performing election duties – walang tulugan (remain alert) until told to stand down.” Ito ang tagubilin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga sundalo at pulis bagamat masasabi umanong naging mapayapa, maayos at malinis ang ginanap na halalan noong Lunes Mayo 9, 2022. “Kung titingnan natin naman relatively peaceful ang naganap na eleksyon, orderly and peaceful and we can say honest kasi na-prevent naman natin ang mga attempt ng mga ibang grupo na gumawa ng atrocities, takutin ‘yung mga boboto,” pahayag naman ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año. Nabatid…
Read MorePANGGUGULO NG CTG SA ALBAY, NAPIGILAN
CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur – Nasawata ng Philippine Army 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion ang tangkang panggugulo ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) kasunod ng sagupaan sa Sitio Lilibdon, Barangay Maogog, Jovellar, Albay bago magbukas ang botohan kamakalawa ng umaga. Kaugnay ito ng mas pinalawig na seguridad ng gobyerno para sa idinaos na national and local elections 2022. Ayon sa report, ikinasa ng 49IB sa tulong ng Philippine National Police (PNP), ang isang operasyon matapos magbigay ng impormasyon ang nagngangalit na mga residente, ukol sa presensya ng…
Read MoreBintana sa Binangonan jail winasak 9 PRESO TUMAKAS, 3 BALIK-SELDA
RIZAL – Balik-selda ang tatlo sa siyam na presong pumuga matapos wasakin ang bintana ng Binangonan PNP jail noong Sabado, Mayo 7, sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na tinanggap ni P/Lt. Col. Rodolfo Santiago II, hepe ng pulisya, kinilala ang tatlo sa nadakip na mga pugante sina Bryan Poras, 35; Joseph Picadizo, 22, at Rolly Anas, 38, pawang nahuli sa hot pursuit operation. Target naman ng manhunt operation ang anim pang pugante na sina Edward Borja, Jason Francisco, Noel Guilardo, Jonel Prudenciado, Jefferson Santuyo at Alex Anorico, 27-anyos. Ayon…
Read More