CAVIE – Pawang isinugod sa ospital ang anim na katao, kabilang ang dalawang menor de edad at dalawang senior citizen, makaraang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Isinugod sa St. Dominic Hospital si Christopher Theodore Zabala, 58, isang government employee, at driver ng isang Toyota Avanza na may plakang NCQ 9043, at mga sakay nitong sina Imelda Pedernal Dela Cruz, 62; isang 7-anyos na batang babae at 10-anyos na batang lalaki, pawang mga residente ng Estrella Homes 4, Phase 1, Brgy.…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
9 SUGATAN SA SERYE NG MINDANAO BLAST
UMABOT sa siyam na katao ang iniulat na nasugatan sa serye ng mga pagsabog sa dakong Mindanao kaugnay ng halalang ginanap kahapon. Ayon kay Kabacan police chief Lieutenant Colonel John Miridel Calinga, bandang alas 9.35 kahapon ng umaga nang maganap ang isang pagsabog sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan. Wala naman aniyang nasugatan sa naturang insidente. Gayunpaman, nagdulot ng matinding takot sa mga mamamayan at maging sa hanay ng mga miyembro ng board of election inspectors (BEI) ng Kabacan ang naturang pagsabog. Bago pa man ang nasabing insidente, walong…
Read MoreMga guro ‘no show” dahil sa takot 500 PULIS PUMAPEL NA BEIs SA COTABATO
DAHIL sa matinding takot, hindi na nagawa pang siputin ng tinatayang 500 guro ang kanilang pwesto bilang election inspector sa Cotabato City, batay sa ulat na natanggap ng Philippine National Police (PNP). Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, natuloy pa rin naman umano ang halalan makaraang ipalit sa pwesto ng mga lumibang guro ang mga nakatalagang PNP personnel sa nasabing lungsod. Gayunpaman, tinutukan pa rin aniya ng husto ng Commission on Elections (Comelec) ang isinagawang botohan, kasabay ng pagtitiyak na may sapat na kasanayan ang mga pulis na sadyang…
Read MoreUmuwi lang para bumoto 5 PATAY, 14 SUGATAN SA SUMALPOK NA VAN
HINDI na nagawang tumungo sa mga nakatalagang polling precincts ang lima kataong nasawi matapos sumalpok sa poste ang sinasakyang van sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur. Bukod sa limang namatay, 14 pang iba ang sugatan sa naturang aksidente, ayon kay Bicol-PNP chief information officer Major Malou Calubaquib. Kinilala naman ang limang pumanaw na sina Ryan Desuasido, Jedro Polo, Gabby Duhapa, at dalawang hindi pa batid ang pagkakakilanlan. Nagtamo naman ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang 14 na iba pa – kabilang ang dalawang menor de…
Read More4 PATAY SA HOMEMADE DYNAMITE BLAST
APAT katao ang namatay nang biglang sumambulat ang ginagawa nilang homemade dynamite sa sumambulat sa Sitio Ipil, Barangay Buyo, Claveria, Masbate. Sa impormasyong ibinahagi ni PNP-PRO5 Information Officer Police Major Malou Calubaquib, ipinag-utos ni Bicol PNP chief, Police Brig. General Mario A. Reyes na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog ng dinamita at alamin ang source ng kemikal na ginamit sa paglikha ng mga pampasabog. Kinilala ang mga namatay na sina Ryan Maǹapao, 30-anyos; Eddie Maloloy-on Jr., 20; Jonathan Lape, 41, at Roque Mar Guazon, 19, pawang mga mangingisda.…
Read More5 SUGATAN, 24 ARESTADO SA SHOOTOUT SA NUEVA ECIJA
KINAILANGAN magdagdag ng puwersa ang Northern Luzon Command na pinamumunuan ni Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., at local police sa bayan ng General Tinio sa Nueva Ecija kasunod ng nangyaring shootout na ikinasugat ng lima katao. Ayon sa ulat na natanggap ni Lt. Gen. Torres mula kay MGen. Andrew D. Costelo, PA, commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, may 24 na katao ang dinakip kaugnay sa nangyaring shooting incident dakong alas-11:45 ng gabi noong Sabado, Agad nagresponde ang mga tauhan ng 84th Infantry (VICTORIOUS) Battalion at General Tinio Municipal Police Station…
Read MorePHARMALLY WITNESS PATULOY NA NAKATATANGGAP NG PANANAKOT
NAGBIGAY ng kanyang sworn statement ang isa pang dating Pharmally Pharmaceutical Corporation (PPC) warehouse staff na naglalahad ng ginawa umanong panunuhol at pagbabanta sa kanya ng kampo ni Senator Risa Hontiveros sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Jaye Bekema kaugnay ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee. Ayon sa testigong si Mark Clarence Manalo, nagdesisyon siyang magbigay ng sworn statement dahil patuloy siyang nakatatanggap ng pananakot gaya ng nakikitang mga sasakyan at motorsiklo na umaaligid sa kanilang bahay at ilang report ng kanyang mga kapitbahay na may mga…
Read MorePatayan ng magkatunggali 4 PATAY, 8 SUGATAN SA CAGAYAN, ILOCOS
Ni FERNAN ANGELES APAT na katao ang naitalang patay habang walo naman ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na pananambang sa mga lalawigan ng Ilocos Sur at Cagayan, 48 oras bago ang takdang araw ng halalan. Unang pumutok ang sagupaan sa pagitan ng mga tagasuporta ng mga magkakatunggaling kandidato nito lamang nakaraang Sabado sa bayan ng Masingal sa Ilocos Sur, kung saan napaslang ang mga biktimang kinilalang sina Lerry Pol Torda, Recto Bagani at dalawa pang kalalakihang hindi pa tinukoy ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan. May apat ding nasugatan sa…
Read MoreTULAK PUMALAG SA BUY-BUST, TODAS
LAGUNA – Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos na umano’y makipagbarilan sa mga pulis sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Luisiana sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang napatay na si Michael Lalusin Asis na umano’y isang kilalang tulak ng shabu sa nasabing bayan. Batay sa report ng Luisiana Police, ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay San Jose kung saan nakabili ang poseur buyer ng sachet ng shabu mula sa suspek. Subalit nang aarestuhin na, bigla nagbunot ng baril ang suspek at tinangkang iputok sa…
Read More