CAVITE – Tila promotor pa ng pagsusugal ang ingat-yaman ng isang barangay nang kabilang ito sa mga dinampot nang maaktuhan habang naglalaro ng tong-its sa kanilang barangay sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) ang kinahaharap nina Nanil Ekit y Dialde, 39; Ana Maria Gonzales y Hernandez, 62, at Jennibeth Limbo y Astorge, 35, barangay treasurer, at pawang residente ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Ricardo Mendoza ng Rosario Police Station, dakong alas-3:30 ng hapon…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
KANONG PEDOPHILE TIKLO SA ZAMBO
NALAMBAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga del Norte ang isang American pedophile na wanted sa United States of America dahil sa kinasasangkutan nitong kasong child molestation. Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Bradley John Moore, 49, naaaresto noong Huwebes sa Dapitan City, kanyang pinagtataguang bahay. Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Sy, si Moore ay ikinokonsidera na isang overstaying alien, at kinakailangan agad na pabalikin sa America upang panagutan ang kanyang pagkakasala sa batas. Ayon pa kay Sy, dumating si Moore sa Manila…
Read MoreVAN TUMALON SA BANGIN, 8 SUGATAN
QUEZON – Walong pasahero ang sugatan nang isang L300 van ang mahulog sa bangin sa Maharlika Highway, Barangay Lungib sa bayan ng Calauag sa lalawigang ito, dakong alas-10:00 nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa report ng MDRRMO Calauag, galing Bicol ang van at pabalik sa Antipolo City nang dumiretso ito sa bangin sa pakurbang bahagi ng highway. Kabilang sa mga sugatan ay mga bata. Mabilis namang silang nasagip. Maswerteng walang dumanas ng grabeng pinsala sa katawan. Ilan sa mga nasugatan ay isinugod sa pagamutan sa bayan ng Calauag. Ayon sa…
Read MoreCOVID-19 SURGE ASAHAN NGAYONG BUWAN
BABALA ng isang infectious disease expert, asahan ang muling paglobo ng kaso ng mga positibo sa nakamamatay na sakit bunsod ng pagdagsa at pagkukumpol-kumpol ng mga tao sa katatapos pa lang na 2022 general elections. Panawagan sa publiko ni Dr. Rontgene Solante, na tumatayong miyembro ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH), maging mapagmatyag lalo pa’t tatlong ulit na mas nakakahawa umano ang mga Omicron sub variants na nakikitang dahilan sa muling paglobo ng bilang ng mga nagpositibo sa Estados Unidos at South Africa. “Sa dami ng superspreader…
Read MorePASAWAY, TINADTAD NG SAKSAK NI TATAY
LUCENA CITY – Sugatan ang isang 22-anyos na binata matapos na tadtarin ng saksak ng kanyang tatay sa kanilang inuman sa Lucena City nitong Huwebes ng tanghali. Kinilala ang biktimang si Jony Abenoja Tamayo, pedicab driver, residente ng Barangay Dalahican. Batay sa report ng Lucena City Police, dakong alas-11:30 ng tanghali, nasa kasagsagan ang inuman sa kanilang bahay dahil sa pagdiriwang ng kaarawan ng biktima nang makasagutan nito ang kanyang tatay na si Eladio Tamayo, 56-anyos, isa ring pedicab driver. Sa tindi ng galit, tuluyang nagwala ang anak, naglabas ng kutsilyo…
Read MoreHirit ng BARMM sa Comelec TAKE 2 SA 3 BAYAN SA LANAO
TATLONG bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur ang kailangan magdaos ng isang special election bunsod ng mga karahasang naganap sa mismong araw ng halalan. Sa rekomendasyong inihain ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kay Deputy Director for Operations Teopisto Elnas, kinatigan ng Commission on Elections (Comelec) ang panawagang ideklara ang “failure of election” sa mga bayan ng Tubaran, Binidayan at Butig kung saan hinarang umano ng mga politiko ang pagpasok ng mga balota patungo sa itinakdang polling places. Naitala rin ang insidente ng pagwasak ng vote counting machines…
Read MoreBANGKA LUMUBOG, 7 PASAHERO NASAGIP
TAWI-TAWI – ‘Timing’ ang pagkakaligtas ng mga kagawad ng 2nd Marine Brigade ng Joint Task Force Tawi-tawi na naatasang maghatid at mag-escort ng Board of Election Inspectors (BEIs), sa pitong pasahero ng tumaob na bangka sa karagatan ng Bongao sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat na nakarating kay Philippine Marines commandant, MGen. Nestor C. Herico, ang kanyang mga tauhan ay naatasang sumundo at mag-escort sa Board of Election Inspectors at vote counting machines mula sa Lato-Lato Elementary School, nang mapuna nila ang tumaob na bangka sa bisinidad…
Read More1 PATAY SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO
CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang 48-anyos na rider nang makasalpukan nito ang motorsiklo ng isa pang rider sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rommel Añunuevo y Andaleon, may asawa, ng Brgy. Taywanak Ibaba, Alfonso, na idineklarang dead on arrival habang ang driver ng isa pang motorsiklo ay kinilalang si Orland Rollon y Cruzada, binata, nasa hustong edad, ng Brgy. Taywanak Ibaba, Alfonso, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Deverson De Vera Salinas ng Alfonso Police Station, minamaneho…
Read MoreBUNGO NG KAGAWAD PINASABOG
QUEZON – Patay ang isang barangay kagawad matapos na barilin sa ulo ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Apolinario Rivarez, 66, residente at incumbent barangay kagawad ng Brgy. Bignay 2. Batay sa report ng Sariaya Police, dakong alas-8:25 ng gabi, nakaupo sa loob ng kanyang bahay ang biktima at umiinom ng lambanog nang malapitang barilin ito sa ulo ng suspek gamit ang isang maiksing baril. Agad itong ikinamatay ng biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek. Palaisipan…
Read More