RIZAL – Mahigit P27 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba Rizal Drug Enforcement Unit (RDEU) sa isang dating security guard at dalawang kasabwat nito sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Ayon ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay PRO4A-Regional Director P/BGen. Antonio C. Yarra, kinilala ang umano’y mga bigtime tulak na sina Aries Apeleña y Eburlas alyas “Axel”, residente ng Malabon City, umano’y dating guwardiya ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO); Dennis Delo Santos y Morallos, at Mariz Sedaya y Dela Cruz…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Idinemanda ng mga sariling kaalyado TAYTAY MAYORAL BET NO-SHOW SA PISKALYA
HINDI sinipot ng isang mayoralty bet ang patawag ng piskalya kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga sariling kaalyado kaugnay ng P104-milyong pondo ng pinakamayamang barangay sa bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal. Sa kasong inihain ng lima sa walong miyembro ng Sangguniang Barangay ng Dolores, Taytay laban kay Kapitan Allan de Leon na tumatakbo sa posisyon ng alkalde ng naturang lokalidad, pinaratangan ng iregularidad ang umano’y pagpapasa ng 2022 operating budget nang walang naganap na sesyon sa hanay ng mga kagawad ng nasabing pamayanan. Kabilang sa mga nagsampa ng…
Read More4 BINITBIT SA P61K SA CAVITE
CAVITE – Binitbit ng Cavite Police ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at nasamsam ang tinatayang P61,200 halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Angelica Torrecampo y Pojas, Christopher Florantes y Apolinar, Victor Algabe y Arcilla, at Mary Jhane Garcia y Florido, pawang nasa hustong gulang. Nabatid sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw nang magsagawa ng…
Read MoreSarhento ng Phil. Army sugatan ARMADO NAPATAY SA CHECKPOINT
LAGUNA- Isang sarhento ng Philippine Army ang nasugatan at napatay ang suspek na nakipagbarilan sa mga awtoridad sa isang checkpoint ng Commission on Election (COMELEC) noong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigang Ito. Ayon sa ulat ng Laguna Police Provincial Office (LPPO), ang biktima ay si Staff Sergeant Joel Rellosa na nakatalaga sa Parang ng Buho Army Detachment sa naturang bayan. Samantalang ang suspek ay si Rolando Villegas Lopez, residente ng Barangay Namunga, Mabitac, Laguna. Ayon sa ulat, dakong alas-8:05 ng umaga, ang biktima kasama ang…
Read MoreFOCUS UMALMA SA SUMBONG NA VOTE BUYING SA BULACAN
INALMAHAN ng grupong Filipinos Opposed to Corruption and Unjust System (FOCUS), isang anti-corruption watchdog ang napaulat na pamimili ng boto ng ilang kandidato sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Jun Braga, tagapagsalita ng grupo, nakarating sa kanilang tanggapan ang umano’y pamimili ng boto ng kampo ni Bulacan 4th District Board Member Allan Ray Baluyot gamit ang Short Message Service (SMS) o text message. Bukod kay Baluyot, napaulat na nasangkot din sa parehong alegasyon sina San Jose Del Monte (SJDM) vice mayoral candidate Irene Del Rosario, congressional bet Ray San Pedro…
Read More5 BATA NALUNOD SA LAWA
BATANGAS – Humantong sa trahedya ang masaya sanang outing ng isang magkakapamilya nang malunod ang limang batang kasama nila sa paliligo sa Taal lake sa Brgy. Sala sa bayan ng Balete sa lalawigang ito, noong Martes ng tanghali. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 noong Martes ng hapon nang marekober ang dalawa sa mga biktima na sina Sherin Ashtrid at Jacutan Ashtrid. Patuloy naman ang iba’t ibang rescue teams sa search and rescue operations sa tatlo pang nawawala. Ayon sa Balete PNP, una na silang nag-abiso na bawal maligo sa bahagi…
Read MorePinutol na bakawan ginawang bakod QUEZON COUNCILOR KAKASUHAN NG DENR
KAKASUHAN ng Department of Environment and Natural Resources ang isang incumbent municipal councilor sa bayan ng Tagkawayan, Quezon na miyembro pa naman ng Committee on Environment, matapos nitong ipaputol ang ilang bakawan o mangrove sa Barangay Sabang, Tagkawayan upang gawing bakod sa kanilang bahay. Ayon kay Barangay Captain Melinda Branagan ng Barangay Sabang, Abril 21, 2022 noong malaman niya na mayroong pumutol ng mga bakawan sa kanilang lugar dahil na rin sa sumbong ng ilang concerned citizen. Laking gulat daw ni Kapitan nang makita na ibinakod sa bahay ni Councilor…
Read MoreMatapos ireklamo ng masahista DATING KASO NG BATANGAS VM NAUNGKAT
NAUNGKAT ang dati nang kasong rape na isinampa laban kay Mataas na Kahoy, Batangas Vice-Mayor Jay Manalo Ilagan matapos itong ireklamo kamakailan dahil sa pananakot at pangmomolestiya umano sa isang masahista sa nasabing bayan. Ayon sa impormasyon na inilabas ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), hindi na iba ang kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan laban sa bise alkalde dahil dati na itong kinasuhan ng panggagahasa sa isang 19-taong gulang na babae sa isang pension house sa Ormoc City noong 2013. Gayunman, pinawalang sala ang bise alkalde ni…
Read MoreMAG-ASAWANG CONTRACTOR ARESTADO SA CIDG
CATANAUAN, Quezon – Inaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang mag-asawang negosyante dahil sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions. Kinilala ni PNP-CIDG Director Maj. Gen. Eliseo Cruz, ang mag-asawang suspek na sina Meil Yu Tan, 35, at Jacqueline Tan Tan, 38, kapwa contractor, at may-ari ng MJIEL Constructions. Base sa ulat, isinilbi ang search warrant laban sa dalawa ng mga ahente ng CIDG-Quezon sa pamumuno ni Lt. Col. Ariel Huesca, PNP Regional Mobile Force Battalion, at Catanauan Police sa kanilang bahay sa MJIEL…
Read More