QUEZON – Patay ang driver at ang negosyanteng binata na may-ari ng isang cargo truck matapos na ang sasakyan ay bumulusok sa bangin sa Brgy. Tanauan, sa bayan ng Real, sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Kapwa wala nang buhay nang mahugot mula sa nawasak na sasakyan ang mga biktimang sina Alfonso Castro, 43, taga Baliwag, Bulacan, driver, at Danielle Josh De Leon Cruz, 23, binata, taga Candaba, Pampanga. Batay sa report ng Real Police, dakong alas-8:45 ng umaga, tinatahak ng Hino Aluminum wing van na sinasakyan ng dalawa ang pababang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
231 GRAMO NG KUSH NASABAT NG PDEA, BOC
TINATAYANG nasa 231 gramo ng kush o high grade marijuana ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang kargamento na naglalaman ng kontrabando na nagmula sa Spain. Tinatayang nagkakahalaga ng P392,700 ang mga parcel na naglalaman ng ilegal na droga. Unang idineklara na naglalaman ang mga kargamento ng “city comfort bufanda mujer invierno”. Subalit nang isalang sa masusing pagsusuri ay nadiskubre ang dalawang plastic pouches na naglalaman ng dried leaves, buds, at stem sa kargamento mula sa Madrid.…
Read MoreMasahista pumalag sa ‘extra service’ VICE MAYOR SA BATANGAS INIREKLAMO SA DOJ
NAGHAIN ng pormal na reklamo sa Department of Justice (DoJ) ang isang masahista laban kay Mataas na Kahoy, Batangas Vice-Mayor Jay Manalo dahil sa kahalayan umano habang nagpapamasahe ang opisyal sa kanyang bahay sa nasabing bayan. Sa tulong ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang biktimang itinago sa pangalang Marites ay nagharap ng kasong ‘Act of Lasciviousness’ at ‘Grave Threat’ laban kay Manalo. Isinampa ang kaso nitong nakalipas na Martes, April 26, sa National Prosecution Service (NPS) ng DOJ at ipinadala na…
Read MoreP1-M NATANGAY SA NILOOBANG HARDWARE
LAGUNA – Tinangay ng mga kawatan ang P1 milyong halaga ng mga kagamitan at salapi sa mula sa niloobang hardware sa bayan ng Pila sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, nilooban ng hindi kilalang mga suspek ang Lucky 178 Hardware Store na pagmamay-ari ni Andy Co, 54, sa Purok 2, Brgy. San Antonio ng naturang bayan. Nadiskubre ang insidente nang magising si Co bandang alas-12:30 ng madaling araw noong Huwebes. Nang tingnan ang CCTV footage, dalawang ‘di kilalang lalaki na nakatakip ng t-shirt ang mukha…
Read MoreMIYEMBRO NG CRIME GROUP HULI SA CIDG-OPLAN PAGLALANSAG
ARESTADO ang isang miyembro ng Ozamis criminal group na responsable sa bentahan ng mga baril at nagpanggap na kasapi ng Philippine National Police (PNP), sa isinagawang Oplan Paglalansag sa Bacoor City, Cavite noong Biyernes ng gabi. Ayon sa ulat kay PNP-CIDG Director P/MGen. Eliseo DC Cruz, kinilala ang suspek na si Alvin Romero y Quimbo, 50, isang matchmaker, ng Martin Compound, San Nicolas 1, Bacoor City, Cavite Nabatid sa ulat, dakong alas-6:00 noong Sabado ng gabi nang magsagawa ng Oplan Paglalansag ang mga operatiba ng CIDG SMMDFU (lead unit) , Cavite PFU at Philippine…
Read MoreONLINE APPLICATION NG VOTERS SA RIZAL, ‘DI NAAPRUBAHAN
MALAMANG na hindi makaboto ngayong May 9, 2022 national and local elections ang ilang botante sa lalawigan ng Rizal makaraang hindi maproseso ng lokal na Commission on Elections (Comelec) ang kanilang online application na isa sa dahilan ay ang kawalan ng ‘internet signal’ ng mga opisina ng komisyon. Noong Marso 2022, nagpadala ng liham ang Provincial Election Supervisor ng Rizal sa Comelec en banc na humihingi ng rekomendasyon kung ano ang gagawin sa mga hindi naaprubahang online application. Dito ay pinagpaliwanag ng en banc ang PES ng Rizal kung bakit hindi naproseso…
Read MoreMagtiyuhin nilikida sa Abra BAYAN NG PILAR INILAGAY SA COMELEC CONTROL
ISINAILALIM ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang kontrol ang bayan ng Pilar sa lalawigan ng Abra matapos na ikonsidera itong nasa red category at ma-validate ang incident report na natanggap Ito ay bunsod ng shooting incident sa nasabing bayan na ikinamatay ng bodyguard ni Pilar Vice Mayor Jaja Josefina Somera Disono. Nagkaroon muna ng stand-off sa pagitan ng mga pulis at mga tauhan ng alkalde bago tuluyang napayapa ito. Inihayag ni Comelec Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) Commissioner Aimee Ferolino, isang sensitibong usapin ang…
Read More5 KASAPI NG CRIME GROUP, PATAY SA ENGKWENTRO
LIMANG mga kasapi umano ng isang organized crime syndicate na kumikilos sa apat na rehiyon sa Luzon, ang napatay matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Tabuk City, Kalinga, ayon sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng PNP sa Quezon City. Sa report ni Police Major Garry Gayamos ng Kalinga Police Provincial Office, sangkot ang mga napaslang sa carnapping at robbery holdup operation. Dead on the spot ang dalawang suspek habang ang tatlong kasamahan nila ay sinubukang pang mailigtas kaya’t itinakbo sa pagamutan subalit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng…
Read MoreNakapatay ng 7-anyos na anak AMA NAG-SUICIDE SA SELDA
RIZAL – Nagpatiwakal umano sa selda sa pamamagitan ng pag-untog ng kanyang ulo ang isang lalaking naghataw ng kanyang 7-anyos na anak sa pader na ikinamatay ng bata noong Huwebes sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Ayon kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, humingi ng saklolo ang ilang preso nang matuklasan nila na inuuntog ng suspek na si Eraño Veraces y Salioman, 26, ang ulo nito sa pader sa bahagi ng banyo sa Municipal detention cell nitong Abril 29, pasado ala-una ng madaling araw. Agad na isinugod sa…
Read More