RIZAL – Nagpatiwakal umano sa selda sa pamamagitan ng pag-untog ng kanyang ulo ang isang lalaking naghataw ng kanyang 7-anyos na anak sa pader na ikinamatay ng bata noong Huwebes sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Ayon kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, humingi ng saklolo ang ilang preso nang matuklasan nila na inuuntog ng suspek na si Eraño Veraces y Salioman, 26, ang ulo nito sa pader sa bahagi ng banyo sa Municipal detention cell nitong Abril 29, pasado ala-una ng madaling araw. Agad na isinugod sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
VENDOR PATAY, ANAK SUGATAN SA AMBUSH
QUEZON – Patay ng isang 38-anyos na vendor habang sugan ang 4-anyos nitong anak makaraang tambangan habang pauwi ng kanilang bahay lulan ng tricycle sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito. Agarang namatay ang biktimang si Edmar Samarita dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isinugod naman sa ospital sa Lucena City at nilalapatan ng lunas ang anak nito na si Nicko na tinamaan din ng bala sa walang habas na pagpapaputok ng hindi kilalang suspek. Batay sa report ng Sariaya Police, bandang alas-7:40 noong Huwebes…
Read MoreAma sinaniban ng demonyo? ANAK HINATAW SA PADER, PATAY
RIZAL – Nalagutan ng hininga ang isang 7-anyos na batang lalaki makaraang ihataw sa pader ng kanyang amang tila sinaniban ng demonyo, habang nilalapatan ng lunas sa Ynares Center sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito, nitong Huwebes. Kinilala ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, ang suspek na nadakip at ginulpi ng taong bayan na si Eraño Veraces y Salioman, 26, habang ang biktimang anak nito ay si Erron Veraces, 7-anyos. Ayon sa reklamo ng inang si Rodalyn, 25, sa mga awtoridad, dakong alas-9:00 ng umaga noong…
Read MorePEKENG DENTISTA, KASABWAT NADAKMA SA ENTRAP OPS
QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang isang babaeng umano’y nagpapanggap na dentista sa isinagawang entrapment operation sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Miyerkoles, Abril 27. Ikinasa ang operasyon sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon katuwang ang Sariaya Municipal Police Station, 405th Regional Mobile Force Battalion at Philippine Dental Association (PDA) Quezon Chapter. Ayon sa Sariaya Police, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa ‘illegal practice of dentistry’ ni Pacita Diano, 58-anyos, residente ng Dolores, Quezon. Wala umanong maipakitang permit at lisensya ang suspek na…
Read MoreTOP 1 AT TOP 6 MOST WANTED SA CAVITE TIMBOG
CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang lalaking itinuturing na top 1 at top 6 most wanted persons, provincial at regional level, dahil sa kasong rape, nang madakip sa isinagawang “Oplan Pagtutugis” sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga suspek na sina Daniel Angelo Malubay y Cortes, 19, ng Tanza, Cavite, at Jericho Canuto, 22, ng Bacoor City, Cavite. Si Malubay ay inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dakong alas-4:55 ng hapon sa Brgy. Punta Uno, Tanza sa bisa ng warrant of…
Read More4 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA OCC. MINDORO
APAT na miyembro ng communist New People’s Army ang napaslang sa magkahiwalay na military operation sa Occidental Mindoro at lalawigan ng Masbate. Sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Andres Bonifacio, Taguig, Metro Manila, dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang ng Army’s 68th Infantry Battalion, at Philippine National Police Special Action Force sa Brgy. Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro. Unang napatay sa labanan ang isang babaeng kadre na nabawian ng isang M16 rifle at ikinasugat ng isang sundalo. Tumakas ang mga kasamahan nito subalit naabutan…
Read MoreP/BGEN. ESTOMO INILIPAT NG PWESTO
INILIPAT ng pwesto ang PNP Police Regional Office 5 director at dalawa pang star rank police officer sa muling pagpapatupad ng balasahan ni PNP chief, Gen. Dionardo Carlos. Kamakalawa, nagsimula nang manungkulan sa kani-kanilang mga bagong posisyon sina dating Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo na itinalaga bilang bagong Deputy Director for PNP Logistics. Si Estomo ay hinalinhan ni P/BGen. Mario Reyes na dating director ng Logistics Support Services (LSS), bilang bagong Bicol PNP chief. Habang si dating Logistics Deputy Director P/BGen. Lorenzo Detran Jr. naman ang itinalaga…
Read MoreP136-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Umabot sa P136 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Isaac Gabriel Ambulo y Paydon, 29; Roman Hosias Ambulo y Paydon, 25, tricycle driver, at Abdurrahim Ambulo y Disomimba, 41, habang pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Saddam Hadji Gaffor at Nabil…
Read MoreAFP, PNP inatasang tumugis sa suspek RIVALRY SINISILIP SA MAGUINDANAO BUS BOMBING
PUSPUSAN ang ginagawang pagkilos ngayon ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police para madakip sa lalong madaling panahon ang suspek sa Rural Transit Bus bombing sa Parang, Maguindanao, bunsod ng utos mula sa Malacañang. Inatasan ni PNP chief, P/Gen. Dionardo Carlos si Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director P/BGen. Arthur R. Cabalona na gamitin ang lahat ng “available resources” para sa ikadarakip ng responsable sa nangyaring pagpapasabog sa passenger bus na ikinasugat ng anim katao. Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng PNP-BARMM ng artist’s…
Read More