SA hangaring pwersahin ang pagpapabakuna laban sa nakamamatay na COVID-19, nakatakda na ring maglabas ng kani-kanilang executive orders kaugnay ng polisiyang “no vax, no ride” sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila. Sa isang kalatas, hayagang kinatigan ni Quirino Gov. Dakila Cua na tumatayong pangulo ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), ang rekomendasyon ng Department of Transportation batay sa resolusyong ipinasa ng mga alkaldeng kasapi ng Metro Manila Council para sa pagbabawal sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan ng mga hindi pa bakunado. “Maraming lokal na…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
UTAK SA ALEOSAN BUS BOMBING, 3 PA NAPATAY
NAPATAY ng mga tauhan ng Philippine Army 6th Infantry Division ang mastermind sa Aleosan, North Cotabato bus bombing, at tatlong tauhan nito matapos silang matunton ng tumutugis na military matapos ang pambobomba na kumitil ng 5-anyos na bata at ikinasugat ng anim na iba pa. Ayon kay Major General Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, limang araw matapos ang malagim na pagpapasabog sa Mindanao Star bus sa national highway ng Aleosan, ay kanilang naneyutralisa ang utak sa pambobomba kasama ang tatlo pang ekstremista sa kasagsagan…
Read MoreKLASE SUSPENDIDO NA RIN SA BULACAN
IPINAG-UTOS na rin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang academic ease o “academic health break” para sa mga guro at estudyante sa lalawigan ng Bulacan. Sa pamamagitan ng memorandum, paiiralin ang 14-day suspension of classes and academic activities sa Bulacan bunsod ng pagtaas ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases. Sa Division Memorandum No. 14s. 2022 na inilabas nitong Huwebes ng DepEd Region III-Central Luzon para sa mga School Division sa Bulacan kabilang ang Division Chief; Education Program Supervisors; Public Schools District Supervisors at Public and Private Kto12 School Heads, inaprubahan…
Read MorePNP-NUP HULI SA CAMSUR BUY-BUST
NAKAKULONG na ang isang non-uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP) matapos madakip sa isinagawang anti-narcotics operation sa Barangay San Miguel, sa bayan ng Calabanga sa Camarines Sur. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang PNP-NUP na hindi muna pinangalanan dahil sa isinasagawang follow-up operation, ang hinuli sa ikinasang buy-bust operation ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group, Batay sa paunang ulat mula kay Police Lt. Mary Jean Cuevas ng PNP-IMEG, isang alyas Obet na nakatalaga sa Magarao Municipal Police Station, ang…
Read MorePAGLABAS NG ‘DI BAKUNADO SA LAGUNA, LIMITADO NA
BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19, nagpalabas ng kautusan at ordinansa ang pitong bayan sa lalawigan ng Laguna hinggil sa regulasyon na ipatutupad sa mga indibidwal na wala pang bakuna. Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) 4-A, kabilang ang Biñan, Los Baños, Kalayaan, Mabitac, Magdalena, Pagsanjan at Pila sa naglabas ng mga panuntunan hinggil sa paglilimita sa paglabas ng mga hindi pa bakunado upang maiwasan ang nakahahawang sakit. Samantala, nagpalabas naman ng anunsiyo ang Department of Education (DepEd) hinggil sa pagsuspinde…
Read MoreKANDIDATONG RADIO COMMENTATOR, ITINUMBA
PATAY ang isang hard hitting radio commentator makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. New Carmen sa Lambayong, Sultan Kudarat. Si Jaynard Angeles, 36-anyos, ng Barangay Matiompong, Lambayong, Sultan Kudarat, dating station manager ng Radyo ni Juan FM station, ay kumakandidato para sa isang local position sa bayan ng Lambayong. Ayon sa ulat ng Soccsksargen Police Regional Office, si Angeles ay binaril nang malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Park Sampaguita sa Brgy. New Carmen sa gitna ng pinaiiral na total gun ban ng Commission on Elections.…
Read More4 MUNISIPYO SA BULACAN NAKA-LOCKDOWN
ISINAILALIM sa halos isang linggong lockdown ang apat na munisipyo sa lalawigan ng Bulacan bunsod ng pagkakaroon ng sintomas at kalaunan ay pagpopositibo sa COVID-19 ng mga empleyado rito simula nitong Enero 13 hanggang 19. Isasara pansamantala ang buong gusali ng munisipyo ng Angat, San Rafael, Balagtas at Bocaue upang bigyan-daan ang disinfection sa bawat departamento. Ang mga nabanggit na munisipyo ay magiging paralisado simula sa mga petsang nabanggit dahil na-expose, nagkaroon ng sintomas at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19 ang mga kawani o LGU personnel mula sa mga tanggapan…
Read MoreGIRAY DRUG GROUP MEMBER, LAGLAG SA PNP-PRO5
ARESTADO ang isang baguhang miyembro ng Giray drug group sa inilunsad na anti-narcotics operation ng PNP-Police Regional Office 5 kahapon sa Brgy. Bolo, Matnog, Sorsogon. Ayon sa isinumiteng report ng Sorsogon Police Provincial Office kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang suspek na si Freddie Garel Givero, 49, may asawa at residente ng Brgy. Culasi, Matnog, Sorsogon. Bukod sa pagiging miyembro ng nabanggit na drug group, ang suspek ay kabilang sa Regional Recalibrated Database on Illegal Drugs sa Bicol. Nakumpiska mula kay Givero ang dalawang pakete ng selyadong…
Read MoreTalaan pinasusumite ng DILG MGA ‘DI BAKUNADO SA BARANGAY SUSUYURIN
INATASAN ng Department of Interior and Local Government ang nasa 42,000 barangay units para sa agarang pagsusumite ng kumpletong talaan ng mga residenteng hindi pa bakunado. Giit ni Undersecretary Jonathan Malaya na tumatayong tagapagsalita ng DILG na pakay ng pamahalaang tukuyin kung sino lamang ang dapat panatilihin sa kani-kanilang mga tahanan kung saan umano planong puntahan ng vaccination team para turukan ng bakuna kontra COVID-19. “Nagpalabas po si Secretary Año ng memorandum circular para magsagawa ang lahat ng mga barangay sa buong bansa para malaman ‘yung hindi pa nagpapabakuna sa…
Read More