4 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA OCC. MINDORO

APAT na miyembro ng communist New People’s Army ang napaslang sa magkahiwalay na military operation sa Occidental Mindoro at lalawigan ng Masbate.

Sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Andres Bonifacio, Taguig, Metro Manila, dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang  ng Army’s 68th Infantry Battalion, at Philippine National Police Special Action Force sa Brgy. Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro.

Unang napatay sa labanan ang isang babaeng kadre na nabawian ng isang M16 rifle at ikinasugat ng isang sundalo.

Tumakas ang mga kasamahan nito subalit naabutan ang mga rebeldeng komunista ng tumutugis na tropa mula 4th Infantry Battalion, 76th Infantry Battalion, at 68IB, na ikinamatay ng isa pang NPA at nabawi ang dalawa pang baril.

Samantala, sa ulat na ibinahagi ni Southern Luzon Command chief, Lt. Gen. Bartolome Bacarro, Philippine Army, may dalawang NPA rin ang napatay ng mga tauhan ng Army’s 2nd Infantry Battalion, nang masabat nila ang may 20 CTGs habang nagsasagawa ng  security operations sa area ng Brgy. Miabas, Palanas, Masbate.

Nakuha sa encounter site ang isang M16 rifle, anti-personnel mine, at bandolier matapos na tumakas ang mga rebelde.

Una rito, inihayag ni  Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro, commander ng Southern Luzon Command, ang pagsuko ng tatlong NPA sa Milagros Masbate, habang libo-libong bala at mga baril naman ang nakumpiska ng kanyang mga tauhan sa Bulan, Sorsogon. (JESSE KABEL)

120

Related posts

Leave a Comment