BOC KUMITA NG P555-M SA PUBLIC AUCTIONS

IBINIDA ng Bureau of Customs (BoC) na kumita sila ng P555 milyon mula sa ikinasang pampublikong subasta ng higit 2,000 containers sa buong taon ng 2021.May kabuuang 2,407 ‘overstaying container vans’ na hindi na tinubos ng may-ari at idineklarang ‘condemned’ na ng BoC, ang isinailalim sa subasta. Matagumpay na naisubasta ang 1,257 containers na naglalaman ng bigas, galvanized steel, at iba pa na lumikha ng P555,443,841.75 halaga ng kita. Ang natirang 1,150 containers na naglalaman ng ‘used clothing’, nabubulok na mga pagkain, langis, gamit nang furnitures, at iba pang walang halagang…

Read More

STALKER SA US HULI SA PINAS

NADAKIP ng mga tauhan ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BI-FSU) ang isang American national na wanted sa US federal authorities dahil sa kasong “stalking.” Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang nasabing dayuhan na ang 49-anyos na si Joe Miller Grubb III, naaresto noong Martes sa Jorge Bocobo Street, Malate, Manila ng mga operatiba mula sa BI-FSU. Ayon kay Morente, si Grubb ay nakatakdang ipa-deport bilang undesirable alien at ibabalik sa kanyang bansang US sa sandaling mailabas ang summary deportation order mula sa BI commissioners. “He will then…

Read More

NO. 1 MOST WANTED CPP-NPA-NDF LEADER SA MINDANAO, NAPATAY

INIHAYAG ito ni Lt. Gen. Ernesto “Jun” Torres, commander ng Army 10th Infantry Division, matapos na maneyutralisa ng kanyang mga tauhan mula sa 1001st Infantry Brigade, Philippine Army, ang sinasabing founder ng New People’s Army sa Mindanao. Ayon sa ulat na ibinahagi ni MGen. Jun Torres, kinilala ang napatay na ang veteran NPA fighter na si Menandro Villanueva alyas “BOK,” ang longest-serving secretary ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), kasalukuyang secretary ng Komisyong Mindanao (KOMMID), Commanding Officer ng NPA’s National Operations Command (NOC), at kasapi ng makapangyarihang POLITBURO ng Central Committee ng Communist…

Read More

JOINT SECURITY PLAN SA 2022 POLLS Inilatag ng Comelec, AFP, PNP Bicol

LUMAGDA ang bagong talagang Philippine Army 9th Infantry Division commander at Philippine National Police-Bicol PNP chief sa binalangkas na Joint Security Plan for a Secure 2022 Polls napinangungunahan ng Commission on Election (Comelec). Ayon kay PNP-Police Regional Police Office 5 director, P/BGen. Jonnel C. Estomo at bagong 9th ID commander, Maj. General Alex Luna, opisyal nang inaktibo ang Regional Joint Security Control Center (RJSCC) sa Bicol bilang paghahanda sa nalalapit na 2022 national and local Elections. Sa pangunguna ng Comelec, tinalakay sa kauna-unahang coordinating conference ng RJSCC ang hinggil sa kahaharaping…

Read More

COVID-19 CASES, SUMIPA SA LAGUNA

LAGUNA – Sumipa pataas ang mga kaso ng COVID-19 sa lalawigang ito, ayon sa datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office noong Martes, Enero 4. Mula sa 25 aktibong kaso ng corona virus noong Disyembre 29 ay tumaas ito sa 273 nitong Enero 4 dahil sa karagdagang mga kaso ng nasabing sakit sa ilang mga lungsod at bayan sa lalawigan, Naitala ang pagtaas ng mga bagong kaso sa Santa Rosa City, Calamba City, San Pablo City, at Los Baños. Samantala, umabot na sa 100,542 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa…

Read More

3 RAPE SUSPECTS HULI SA PNP-PRO5

“I just want a clean slate record for persons at large,” I would say the manhunt started again,” pahayag PNP- PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na madakip ang ilang wanted suspect sa kasong panggagahasa, sa pangunguna ng no.1 most wanted person sa Casiguran, Sorsogon na may kasong two counts ng statutory rape. Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, nadakip sa ikinasang law enforcement operation ng Sorsogon-Casiguran MPS si Fernando Pancho Lacaste, 73-anyos na magsasaka ng Sitio Kagdagat, Brgy. Boton, Casiguran, Sorsogon. Nabatid sa report ni P/Col. Arturo Brual…

Read More

RIDER BUMANGGA SA MOTOR, DEDBOL

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang motorcycle rider makaraang bumangga sa motorsiklo na kanyang kasalubong noong Lunes ng gabi sa Imus City. Naisugod pa sa Medical Center Imus Hospital ang biktimang si Orlanda Ordonez (lalaki), 42, tricycle driver, subalit idineklarang dead-on-arrival. Kinilala naman ang driver ng motorsiklong Jiangmen Haojue na nakabanggaan nito na si Johnyfer Adante, 34, isa ring tricycle driver. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Mark Joseph Jader ng Imus City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang insidente habang kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang…

Read More

PAMILYA SAMA-SAMANG NAMATAY SA SUNOG

SAMA-SAMANG namatay nitong Martes ng madaling araw ang apat na miyembro ng isang pamilya nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Concepcion sa Virac, Catanduanes. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Bicol, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang lamunin ng apoy ang bahay ng pamilya Buentiempo. Ayon sa ulat na ipinarating kay PNP Regional Police Office 5 Director Jonnel C. Estomo, kinilala ang mga biktimang sina Rosemarie Buentiempo, 28; ang kanyang live-in partner na si Jzar Estacio, 25; Klyne Buentiempo, 7-anyos at Mix Buentiempo, 3-anyos. Habang isa ang sugatan…

Read More

Buking din sa baril MENSAHERO SUKOL SA PANANAKSAK

LAGUNA – Huli ang isang empleyado ng banko makaraang manaksak at makumpiskahan ng baril sa Sta. Rosa City noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, Col. Rogarth Campo kay CALABARZON Regional Director, P/BGen. Eliseo Cruz, kinilala ang suspek na si Iluminado Breton, 40, mensahero, ng Brgy. Sto. Domingo, Binan City. Habang ang biktima ay kinilalang si Santiago Canon ng Rosewood 1 Subdivision, Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City. Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-8:30 ng gabi noong Lunes nang bigla na lamang…

Read More