BATANGAS – Tinangay ng hindi kilalang mga hijacker ang isang tanker truck habang nakaparada sa isang gasoline station sa Batangas City at nang matunton noong Bagong Taon ay nawawala na ang P900,000 halaga ng karga nitong petrolyo. Batay sa report ng Batangas City police, ipinarada ng driver ng Isuzu Lorry Tanker truck na si Francis Epis, ang sasakyan sa parking lot ng Maxifuel Gasoline Station sa Diversion Road, Brgy. Bolbok, Batangas City noong Disyembre 31 ng hapon. Kargado ito ng 20,000 litro ng petrolyo na isusuplay sa nasabing gasolinahan. Ngunit kinagabihan, nadiskubre ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MENOR DE EDAD,3 PA BINITBIT SA TUPADA
CAVITE – Binitbit ng mga tauhan ng Cavite Police ang isang 16-anyos na menor de edad at tatlong iba pa habang nagsasagawa ng tupada sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina alyas JR, 16-anyos; Sofronio Guardiano, 48; Renato Escarlan, 49, at Kint Ramos, 56, pawang mga residente ng Balsahan, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Ronald Abalos ng Naic Police, ala-1:30 ng hapon nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga operatiba ng Naic MPS sa Sitio Ilaya, Brgy.…
Read More1 PATAY, 3 SUGATAN SA KOTSE VS 2 MOTOR
BATANGAS – Isa ang patay habang tatlo ang sugatan matapos salpukin ng kotseng minamaneho ng lasing ang kasalubong na motorsiklo na tumama naman sa isa pang motorsiklo sa national highway, sa Barangay Pinagtung-ulan, bayan ng San Jose, Linggo ng gabi. Batay sa report ng San Jose Police, nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang kotseng Honda Civic na minamaneho ng lasing na si Mark Kenneth Adami, 26-anyos, kaya nahagip nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ng 31-anyos na si Michael Fabellon, construction worker. Sa lakas ng pagkakabangga, nawala sa kontrol ang motorsiklo…
Read MoreSumuko sa PNP-PRO5, Phil. Army 8 KASAPI TUMALIKOD SA NPA SA CAMNORTE
WALONG miyembro ng NPA sa probinsya ng Camarines Norte ang namulat sa katotohanan at piniling sumuko sa mga awtoridad noong Disyembre 26, 2021, saktong araw ng ika-53 anibersaryo ng New People’s Army (NPA). Nababanaag sa “former rebels” ang saya at pag-asa mula sa paglaya sa marahas na kamay ng mga NPA. Kabilang sa mga sumuko si Ka Albert, 29; Noe, 32-anyos; Ka Romy; Ka Dante; Ka Jeffrey, 35; Ka Raul, 30; Ka Boy, 46, at Ka Remsy, 41-anyos. Isinuko sa mga awtoridad ng nabanggit na mga indibidwal na pawang mga…
Read MoreMIYEMBRO NG MOJICA CRIME GROUP, ARESTADO
CAVITE – Arestado ng Cavite Police ang isang miyembro ng Mojica crime group at kasama nito sa isinagawang buy-bust operation sa Gen. Trias City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Reynaldo Banaag, 28, miyembro ng Mojica crime group at Jamil Junior y Ammad, alyas “Muslim”, 33. Ayon sa ulat ni Corporal Marck Teves ng Gen. Trias City Police, alas-12:20 ng madaling araw nang magsagawa ng OPLAN Sacleo sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod kung saan target ang mga suspek at nagresulta sa pagkakaaresto…
Read MoreLOLA, DALAGITA NATUSTA SA UKAY-UKAY
BULACAN – Patay ang 60-anyos na senior citizen at ang kasambahay nitong 17-anyos makaraang makulong sa nasusunog na ukay-ukay store sa Barangay Poblacion, City of Meycauayan sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Milagros Glorioso, may-ari ng nasunog na ukay-ukay stall at Jackie Arevalo, kapwa ng Barangay Pandayan ng nasabing lungsod. Base sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang lamunin ng apoy ang tindahan ng biktima na Irene Ukay-ukay sa People’s Market na 2-story commercial building sa Barangay Poblacion. Nabatid na isang tawag…
Read More5-EKTARYANG LUPANG GOBYERNO IPINAMAHAGI SA MGA RESIDENTE
TAYTAY, Rizal – Higit pa sa asam na regalong karaniwang natatanggap sa panahon ng Kapaskuhan, ang magkatuwang na iginawad ng lokal na pamahalaan at mga ahensyang may mandatong kaugnay ng palupa at pabahay, ang pagpapamahagi ng lupang kinatitirikan ng mga kabahayan sa Sitio Tapayan, Barangay Sta. Ana. Sa isang kalatas, binigyang pagkilala ng mga residente ng Samahang Masigasig ng Sitio Tapayan Homeowners Association (SAMATHOA) sina Taytay Mayor Joric Gacula, Undersecretary Benny Antiporda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Presidential Commission on Urban Poor (PCUP) Chairman Alvin Feliciano,…
Read MoreP16K DROGA NAKUMPISKA NG PNP-PRO5 SA CAMSUR
TINATAYANG 1.91 gramo ng umano’y shabu na P16,000 ang halaga ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng PNP-PRO5 noong Disyambre 27, 2021 sa Zone-4, Brgy. Baras, Canaman, Camarines Sur. Ang suspek ay kinilalang si Rogelio Rodriguez Basbas Jr. alyas “Jojo Basbas”, 52-anyos, may asawa, at residente ng Zone 1, ng nabanggit na lugar. Ang nasabing indibidwal ay nadakip sa inilunsad na buy-bust operation ng PNP-PRO5 na pinangunahan ng Canaman MPS. Kasalukuyang nasa kustodiya ng nabanggit na istasyon ang suspek at nahaharap sa kasong…
Read More6 TODAS, 9 SUGATAN SA MINI BUS SA PAMPANGA
MASUSING iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring pagsalpok ng minibus sa isang tricycle at kolong-kolong bago tinamaan ang isang waiting shed at poste ng kuryente na naging sanhi ng kamatayan ng anim katao at pagkasugat ng siyam na iba pa noong Linggo ng hapon sa Lubao, Pampanga. Ayon sa inisyal na report, bandang alas-4:30 ng hapon nang biglang salpukin ng rumaragasang Oster Line minibus ang tricycle at isang kolong-kolong (motor na may side car) at nakaladkad ang mga ito. Nabatid mula kay Police Lt. Col. Julius Javier, hepe ng Lubao Police,…
Read More