QUEZON – Patay ang isang rider habang sugatan ang dalawang backrider nito matapos na ang sinasakyang motorsiklo ay sumemplang at sumalpok sa railings ng highway sa bayan ng Catanauan sa lalawigang ito, noong Linggo ng tanghali. Ayon sa report ng Catanauan Police, dead on arrival sa ospital ang biktimang si Phillip Abenilla, 37, dahil sa grabeng pinsala sa ulo. Sugatan naman ang magpinsang backrider nito na sina Jason Organo, 29, at Elmer Caparos, 25, pawang mga residente ng Barangay Bulagsong, Catanauan. Batay sa imbestigasyon, tinatahak ng tatlo ang Lopez-Catanauan national highway sakop ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
Dahil sa kontaminadong tubig VISMIN SAPUL NG EPIDEMYA
BUKOD sa nakaambang panganib bunsod ng pandemya, nahaharap sa matinding pagsubok ang libo-libong pamilya sa mga lalawigang hinagupit ng bagyong Odette may tatlong linggo na ang nakakaraan, ayon mismo sa Department of Health (DOH). Sa tala ng DOH, siyam na katao na ang pumanaw dahil sa dehydration habang nasa 895 naman ang nasa balag ng alanganin bunsod ng diarrhea (pagtatae) na dulot ng kawalan ng ligtas na inuming tubig. Partikular na tinukoy ni Ernesto Pareja na tumatayong tagapagsalita ng DOH Caraga region ang siyam na pumanaw mula sa Dinagat Island…
Read MoreHITMAN SA FISCAL MURDER TIMBOG SA BUY-BUST
HAWAK na ng Cavite Police ang hitman sa pagpatay sa isang assistant city prosecutor sa Cavite matapos na maaresto sa buy-bust operation noong Biyernes ng gabi sa Trece Martires City. Kinilala ang suspek na si Marvin Tagayon Linaban, 44, ng Brgy. H2, Dasmariñas City, na umano’y inamin ang pagbaril at pagpatay kay Fiscal Edilberto Mendoza, 48, may asawa, assistant city prosecutor sa lalawigan at residente ng Elysian Field Subd., Brgy. Cabuco, Trece Martires City, noong Disyembre 31, 2021 dakong alas-7:38 ng umaga. Ayon kay P/SSgt. Rene Bibon ng Trece Martires City, may…
Read MoreSTRICT IMPLEMENTATION NG GUN BAN SA BICOL SINIMULAN NA
INIHAYAG ng Philippine Army at Philippine National Police-Police Regional Office 5 (PNP-PRO5) na sinimulan na nilang mag-deploy ng mga dagdag na mga tauhan bilang suporta ng Joint Task Force (JTF) Bicolandia sa pagpapatupad ng COMELEC checkpoints at gun ban kaugnay sa nalalapit na 2022 national and local elections. Ayon kay MGen. Alex DC Luna, commander ng JTF Bicolandia, pasado alas-12:00 ng hatinggabi ng Enero 9, opisyal nang nagsimula ang election period na magwawakas hanggang Hunyo 8, 2022, kaya pinaalalahanan ang lahat ng mamamayan ng Southern Luzon partikular sa Bicol Region hinggil sa umiiral…
Read More1 PATAY, 7 SUGATAN SA SUMAMBULAT NA WATER TANK
CAMP GEN ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan — Patay ang water pump operator habang pito ang sugatan nang sumabog ang isang water tank facility sa Barangay Bagumbayan, Bulakan noong Sabado ng umaga. Sa report na tinanggap ni PCol Rommel Ochave, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, kinilala ang nasawi na si Paul Ryan Mangio, residente ng Barangay Bambang ng nasabing bayan. Sugatan naman sina Eduardo Carpio, tubero; Ricardo Sulit, isa ring pump operator, mga residente ng Barangay Bambang; Milagros Mila Tionloc at Jennifer Esteban, kapwa client account representatives;…
Read MoreCHECKPOINTS SA BULACAN HINIGPITAN
MAS mahigpit na implementasyon ng checkpoints sa border control points sa lalawigan ng Bulacan ang pinaiiral ngayon para mapigilan ang pagkalat o hawahan ng bagong Omicron variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang lalawigan ng Bulacan kabilang ang mga probinsiya ng Rizal, Cavite at Laguna ay nasa ilalim ng tighter restriction Alert Level 3 mula Enero 3-15 dahil sa patuloy at mabilis na pagtaas ng kaso ng coronavirus. Nitong Huwebes ay isinama na rin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa Alert Level 3 ang 14 pang lungsod…
Read MoreOSPITAL SA CAVITE PUNUAN NA
SIKSIKAN na ang mga pasyente sa mga ospital sa lalawigan ng Cavite pagpasok ng bagong taon na sinabayan ng pagsipa ng kaso ng COVID-19. Kahapon, halos nasa full capacity na ang Pagamutan ng Dasmarinas matapos makapag-admit ng 50 pasyente na tinamaan ng COVID-19. Sa panayam sa Medical Officer na si Dr. Luisa Caguingan, sinabi nito na 90 health workers din nila ang naka-home quarantine matapos magpositibo sa naturang virus. Sinabi naman ni Dr. Edgardo Figueroa ng Ospital ng Imus na limitado na rin ang mga serbisyo sa kanilang pagamutan dahil…
Read MoreCurfew, liquor ban pinairal na rin NO VAX, NO RIDE SA LAGUNA
LAGUNA – Para kaalaman ng mga hindi pa bakunando o ayaw pang magpabakunang indibidwal, ipinatutupad na sa mga bus company sa Laguna na may rutang patungong National Capital Region (NCR), ang no vaccine, no ride policy bilang pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng Metro Manila Council. Maging ang Jac Liner Bus company ay may inisyatibo na kailangang ipakita muna ang vaccination card ng mga pasahero bago sumakay sa pampublikong sasakyan upang makasigurong maprotektahan ang ibang pasahero. Ipinatutupad din ang nasabing polisiya ng kanilang sister bus Company na LLI na may biyaheng Biñan…
Read MoreCALABARZON, NAGTALA NG 4 OMICRON CASES
CALAMBA City – Pinangangambahan ang muling pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease sa rehiyon ng Calabarzon matapos maitala ang apat na kaso ng Omicron variant, base sa ulat ng Department of Health Region 4-A noong Huwebes. Ayon sa ulat ng Philippine Genome Center, natukoy ang dalawang kaso ng Omicron variant sa lalawigan ng Cavite habang tag-isa sa Batangas at Rizal. Inakyat na sa Alert Level 3 status ang lalawigan ng Laguna mula sa Enero 7 hanggang 15 upang mapigilan ang pagdami ng mga magkakasakit. Samantala, bilang proteksyon sa mabagsik na…
Read More