DAVAO REGION NIYANIG NG MAGNITUDE 6.1 LINDOL

NIYANIG ng magnitude 6.1 earthquake ang ilang bahagi ng Davao Region kahapon ng umaga, ayon sa ulat na natanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Sa ibinahaging report ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), kanilang narehistro ang sentro ng pagyanig sa silangang bahagi ng Sarangani Island (Municipality of Sarangani) sa Davao Occidental bandang alas-7:48 ng umaga kahapon, Unang iniulat na magnitude 6.5 ang naramdamang pagyanig subalit agad din itong ibinaba ng PHIVOLCS. May layo ito na 285 kilometro, lalim na 156 kilometers at “tectonic” ang sinasabing pinagmulan nito.…

Read More

10 ARESTADO SA P2-M DROGA SA CAINTA

RIZAL – Arestado ang 10 katao nang makumpiskahan ng P2 milyong halaga ng ilegal na droga ng magkasanib na puwersa ng PNP-DEG at Cainta PNP kahapon ng umaga sa bayan ng Cainta sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, kinilala ang mga arestado na sina Marco Angelo Zarate, 46; Twixx Leyson, 30, call center agent; Angelo Reyes, Dennis Reyes, Christian Evangelista, Victor Dax Jose, 49; Roderick Rendal, Janeth Salasibar, 41; Mary Lou Cruz, at Allan Garol, 51, pawang mga residente ng Rizal. Dakong 6:00 ng umaga noong Disyembre 4 nang madakip…

Read More

ARMS CACHE NG TERROR GROUP NATUNTON

SARI-SARING baril at bala ang nadiskubre ng mga tauhan ng 7th Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Force Central nang matunton nila ang taguan ng mga armas ng hinihinalang lawless elements o terrorist groups sa Sultan Kudarat nitong nakalipas na linggo. Ayon kay Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., commander ng Western Mindanao Command, nahukay ng kanyang mga tauhan ang mga sandata na ibinaon sa Sitio Kanalan, Barangay Marquez, Esperanza, matapos na ituro ng concerned residents. Sinabi ni Lt. Gen. Rosario Jr., ang cache ay binubuo ng 34 na 12-gauge shotgun, isang…

Read More

DRUG GROUP LEADER NASUKOL SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang hinihinalang lider ng Papagayo drug group at kasamang babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa Sta. Rosa City. Ayon sa ulat kay Calabarzon Regional Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ni Laguna Provincial Director P/Col. Rogart Campo, kinilala ang mga suspek na sina Alfredo Papagayo alyas “Pendong”, 45, ng Purok 5, Brgy. Caingin, Sta. Rosa City, at Celine Rivera Ebron, 24, residente ng #1328 Langka St., San Antonio, Biñan City. Napag-alaman, hatinggabi noong Sabado nang magsagawa ng anti-illegal drug operation ang pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement…

Read More

TERORISTANG LIDER, 4 PA PATAY SA SAGUPAAN

LIMA katao, kabilang ang pinaniniwalaang bagong talagang lider ng Daulah Islamiyah, ang patay matapos makasagupa ang Joint Task Force Central sa Barangay Dabenayan sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao. Kinilala ang napaslang na teroristang lider na si Asim Karinda alyas “Abu Azim” na umano’y isang dalubhasa sa paggawa ng mga pampasabog na karaniwang gamit sa grupong Daulah Islamiyah sa paghahasik ng gulo sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa datos na ibinahagi ng militar, lumalabas na si Karinda ang itinalagang kapalit ni Salahudin Hasan na napatay naman sa…

Read More

LTO EMPLOYEE TIMBOG SA ‘LICENSE FOR SALE’

LUCENA CITY – Arestado sa entrapment operation ng mga pulis ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) matapos ireklamo ng dalawang biktima na hiningian nito ng pera kapalit ng pekeng lisensya. Natimbog ng mga tauhan ng Candelaria Police ang suspek na si Jose Manalo Campos Jr., 67-anyos, residente ng Brgy. Isabang, Tayabas, at liaison officer ng LTO-Lucena City District Office, sa entrapment operation sa Barangay Bukal Sur, sa naturang bayan noong Miyerkoles ng gabi. Si Campos ay inireklamo ng mga biktimang sina Rannie Samonte Penuela at Noel Arellano Resurreccion,…

Read More

8 WANTED, GINANG NA DRUG SUSPECT TIMBOG SA PNP-PRO5

WALONG wanted persons na may kinahaharap na iba’t ibang kaso, ang naaresto ng mga kawani ng PNP Bicol sa isinagawang manhunt operation nitong nagdaang araw Sa probinsya ng Camarines Sur, ang mga nahuli ay sina Alfredo Pilapil y Cortezano, 56, may kasong paglabag sa Special Protection of Children against Child Abuse-Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) na may piyansang P80,000; Edwin Borac y Mangubat, 50, nahaharap sa kasong robbery na may piyansang P100,000, at Victor Del Socorro Jr. y Boto, 25, may nakabinbin namang kasong frustrated murder na may…

Read More

Naunahan ng mga sundalo 8 NPA PATAY SA ILOILO RAID

NAGAWANG pasukin ng mga tauhan ng Philippine Army ang pinagtataguan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nauwi sa bakbakan at ikinasawi ng walo sa mga rebelde kahapon ng umaga sa lalawigan ng Iloilo. Dahil sa pagkalagas ng walong rebelde, pinaniniwalaang napigilan ng militar ang bantang pag-atake ng NPA para patampukin ang Communist Terror Group’s (CTG) founding anniversary. Sinasabing target ng CPP-NPA ang military patrol base sa Miag-ao, Iloilo subalit may mga sibilyan na agad nagsumbong hinggil sa presensiya ng mga armadong rebelde na natukoy na kasapi…

Read More

2 PATAY SA BLIND CURVE

PATAY ang dalawang lalaki sa salpukan ng isang pick-up truck at wing van truck sa bayan ng San Isidro sa Northern Samar, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Idineklarang dead on arrival sa pagamutan sina Lando Lance Dolino, 51-anyos at Jake Gatilla, 20-anyos, kapwa kasama sa walong sakay ng pick-up. Dinala rin sa pagamutan para masuri ang iba pang mga pasahero ng nasabing pick-up truck. Ayon sa paunang imbestigasyon na isinumite ng Northern Samar PNP sa Police Regional Office 8, nangyari ang insidente bandang alas-1:40 ng hapon sa kahabaan ng…

Read More