2 MOST WANTED SA RAPE, NADAKIP NG PNP-PRO5

NAGDAGDAG ang pamosong PRO5 Regional Director ng accomplishments sa kanyang ledger sa pagkakaaresto sa dalawang rape suspect sa dalawang magkahiwalay na lugar Unang nadakip ng mga tauhan ni Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo si Rizaldy B. De Guzman, 54, residente ng Sitio Imacoto, Brgy. Cagmanaba, Oas, Albay at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion, San Ildefonso, Bulacan. Ayon sa ulat, sinalakay ng PNP-PRO5 Albay, Oas Municipal Police Station kasama ang 3rd Maneuver Platoon at 2nd Bulacan Police Mobile Force Company, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Arnold Santiago, Provincial Director ng…

Read More

ARAW-ARAW NA CHRISTMAS PARADE NILARGA SA SAN JOSE DEL MONTE

SA pagnanais mabigyang kasiyahan ang mga residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan, inilunsad ng pamahalaang lokal ng lungsod ang “Christmas Parade” nitong Martes na ang mga kalahok ay hango mula sa Disney characters. Ito na ang ikalawang taon ng Christmas Parade na pinangunahan ni SJDM Rep. Florida “Rida” P. Robes na inilunsad sa Savano Park sa lungsod kung saan ilang mga timbulan o floats ang pumarada, sakay ang mga lumahok na hango sa Disney characters. May kasama ring mga mananayaw o street dancers ang mga timbulan habang pumaparada…

Read More

CALABARZON NANGUNA SA 1ST DAY NG NATIONAL VACCINATION DAY

LAGUNA – Sa unang araw ng 3-day National Vaccination ng pamahalaan, nangunguna ang rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) sa buong bansa na nakapagtala ng pinakamaraming indibidwal na nabakunahan. Mula sa datos ng Department of Health 4-A, umabot sa 216,357 ang nabakunahan noong araw ng Lunes, Nobyembre 29. Sa inilabas na quick counts ng DOH4-A hanggang 3pm ng hapon, ang lalawigan ng Batangas ang may pinakamaraming nabigyan ng bakuna kung saan mayroong 60,68; sumunod ang Cavite, 48,636; Laguna, 47,068; Rizal, 35,855, at Quezon, 24,117. Ayon kay DOH 4-A Regional…

Read More

3 NPA SUMUKO SA LAGUNA

LAGUNA – Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang tatlo kataong tagasuporta ng mga rebeldeng komunistang New People’s Army, sa pamamagitan ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng General Nakar. Nagbalik-loob sa gobyerno si alyas “Leah” at dalawang kasama dala ang kanilang mga armas at pampasabog tulad ng M14 rifle, shotgun, apat na Anti-Personnel Mines (APM), 4 granada at mga bala. Ayon kay Colonel Cerilo C. Balaoro Jr., commander ng 202nd (Unifier) Brigade, naging dahilan ng pagsuko ng mga rebelde ang magkaroon ng mapayapang pamumuhay at mapasali rin sa mga…

Read More

1 RIDER PATAY, 1 KRITIKAL SA SELF-ROAD ACCIDENT

LAGUNA – Isang motorcycle rider ang patay habang comatose ang isa pa dahil sa ‘self-road accident’ sa San Pablo City, Laguna at Rosario, Batangas noong Lunes ng gabi at Martes ng madaling araw. Sa San Pablo City, agaw-buhay sa ICU ng Laguna SPC General Hospital ang hindi pa kilalang rider matapos na ito maaksidente sa Maharlika highway, sakop ng Brgy. San Ignacio dakong alas-8:40 ng gabi. Ayon sa fruit vendor na nakasaksi sa pangyayari, mabilis ang takbo ng biktimang sakay ng itim na motorsiklong Skygo Wizard 125 MC nang bigla na lamang…

Read More

2 TODAS, 1 KRITIKAL SA PAMAMARIL SA BATANGAS

BATANGAS – Dalawang lalaki ang namatay habang isa ang sugatan sa tatlong insidente ng pamamaril sa loob ng walong oras sa lalawigang ito, noong Lunes. Unang namatay ang 49-anyos na construction worker na si Randy dela Peña na pinagbabaril ng riding in tandem habang nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Bayorbor, sa bayan ng Mataas na kahoy dakong alas-1:10 ng hapon. Dead on the spot ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek. Sa Lungsod ng Sto. Tomas, patay ang 50-anyos na si Mario Cielo…

Read More

2 RAPE SUSPECTS NASUKOL NG PNP BICOL

DALAWANG suspek sa panggagahasa ang nadakip ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Aurora at Masbate. Kinilala ni P/BGen Estomo ang nadakip sa Aurora Province na si Jovinal Ugale Molina, 61, tinaguriang no. 5 most wanted person sa Viga Municipal Police Station. Si Molina ay suspek sa panggagahasa sa isang dalaga sa bayan ng Viga. Pagkaraan ay nagtago ang suspek ng halos 16 taon hanggang sa madakip sa Sitio Kipit, Purok 6, Brgy. Dinadiawan, Dipaculao, Aurora Province. Samantala,…

Read More

MURDER SUSPECT NATUNTON NG PNP-PRO5 SA NOVALICHES

“WE cannot give in to pressure or else it will control us.” Ito ang naging pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na matunton ng kanyang mga tauhan ang tinaguriang Camarines Norte most wanted person sa Novaliches Quezon City. Ikinonsidera ni P/BGen. Estomo na close case na ang murder case makaraang madakip sa manhunt operation makalipas ang 12 taong pagtatago, ang suspek na si Jose Jalimao Napao, construction worker, residente ng Purok 4, Sitio Canalmacan, Anameam, Labo, Camarines Norte. Si Napao ay trinabaho ng pinagsanib na puwersa…

Read More

Isasampa ng 9 bokal PLUNDER VS GOV. SUAREZ, ET AL.

MAGSASAMPA ng kasong plunder o pandarambong ang siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon laban sa mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng kanilang gobernador sakaling ituloy ng mga ito ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 Annual Budget ng probinsya. Ayon sa siyam na miyembro ng Sanggunian sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa hukuman laban kina Gov. Danilo Suarez at mga department heads ng Kapitolyo sa oras na gamitin ng mga ito ang annual budget kahit hindi pa nareresolba…

Read More