ASUNTO KONTRA MAY-ARI NG SHABU LAB KASADO NA

SA pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot, tiniyak ng mga otoridad na mananagot ang may-ari ng sinalakay na shabu laboratory sa lungsod ng Caloocan nito lamang nakaraang Biyernes. Bukod sa may-ari ng bahay sa panulukan ng A. Mabini St. at C-3, sakop ng Maypajo, sasampahan din ng paglabag ng Section 8, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa nagmamantine ng nasabing pasilidad. Bitbit ang isang mission order mula sa tanggapan ni PDEA director-general Wilkins Villanueva at letter…

Read More

P65-M TINAMAAN SA LOTTO NG FISH VENDOR

ALBAY – Tumataginting na P65 milyon ang tinamaan ng isang tindero ng isda sa lalawigang ito. Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office, tinamaan ang Grand Lotto 6/55 noong Enero 15, 2022. Tinayaan ng masuwerteng mananaya ang mga numerong 39-29-09-21-19-20 na may katumbas na halagang premyo na P65,991,571. Nang kunin ng grand winner ang kanyang premyo sa PCSO Main Office, sinabi nitong uunahin niyang bumili ng house and lot para sa kanyang anim na anak dahil nangungupahan lamang sila sa kanilang tinitirahan Samantala, jackpot din sa Mega Lotto 6/45 draw noong Marso 2, 2022 ang isang taga-Cavite. Nasa P8,910,000…

Read More

WANTED NAKORNER SA CHECKPOINT

NAKORNER ng mga miyembro ng Talisay MPS, Camarines Norte Police Provincial Office ang isang lalaking may patung-patong na kaso, sa Joint PNP-COMELEC Checkpoint sa Purok 1, Brgy. Poblacion, Talisay, Camarines Kinilala ang suspek na si Joselito Barayuga y Rosales, residente ng Talisay, Camarines Norte. Batay sa report, pinara ng mga operatiba ang naturang indibidwal kaugnay ng ipinatutupad na checkpoint sa lugar ngunit natuklasang wanted ito sa iba’t ibang mga kaso. Nabatid na ang suspek ay may warrant of arrest sa kasong 5 counts ng acts of lasciviousness, mula sa RTC…

Read More

Pinangunahan ng PNP Bicol ‘FUN BIKE PARA SA LIGTAS NA HALALAN’ PUMADYAK

SA nalalabing dalawang buwan bago ang halalan sa darating na Mayo 9, 2022, ang PNP Bicol sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, ay puspusan na ang paghahanda upang matiyak na ligtas at payapa ang eleksyon. Kaugnay nito, naglunsad ng simultaneous fun bike ang PNP Bicol sa tulong ng Cignal TV Inc., bilang pangunahing sponsor noong Marso 10, 2022 na dinaluhan ng 1,170 indibidwal sa buong rehiyon mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Kabilang dito ang Commission on Election (COMELEC); Department of the Interior and Local Government (DILG);…

Read More

11 TIKLO SA 2 DRUG DEN, P200K SHABU NASAMSAM

CAVITE – Tinatayang mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam at arestado ang 11 katao sa isinagawang magkasunod na buy-bust operation sa dalawang drug den sa Bacoor City. Kinilala ang mga suspek na sina Maila Vasquez y Pagtakhan (co-maintainer ng drug den) 28; Jonathan Francisco y Ecle, 27; Ariel Madrelejos y Batalia, 43; Ismael Sanman, 38; Ramil Malinao y Paglinawan, 19; Rommel Depano y Anbrad, 45; Jayson Lopez y Montanez, 31; Ruel Bertudez y Abliter, 39; Jeffrey Supil Matarong, 34; Alejandro Estrada y Maninang, 24, at Denver Paquingan y Velez, 31, habang pinaghahanap…

Read More

BOMB MAKER NG TERORISTA, 2 KASABWAT TIKLO

NADAKIP ng pinagsanib pwersa ng 1001st Infantry “Pag-asa” Brigade at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) XI sa ikinasang joint law enforcement operation ang umano’y notorious bombmaker ng Communist Terrorist Group (CTG) at dalawang kasamahan nito sa Tagum City noong Marso 9, 2022. Kinilala ni BGen. Jesus P. Durante III, commander ng 1001st Brigade ang nadakip na bomb expert na si Victor P. Rollon, alyas Rico Rollon, bomb maker ng Komisyong Mindanao (KOMMID) at Southern Mindanao Regional Committee (SMRC). Habang arestado rin ang dalawang kasama nito na sina Christine Joy Adorza…

Read More

QUEZON, NAKAPAGTALA LAMANG NG 1 COVID CASE

QUEZON – Isang kaso lamang ng COVID-19 ang naitala ng lalawigang ito sa nakalipas na maghapon noong Huwebes. Batay sa tala ng Quezon Integrated Provincial Health Office (IPHO), bandang alas-5:00 noong Huwebes ng hapon, isa lamang ang naitalang nagpositibo sa nakahahawang sakit na nagmula sa lungsod ng Lucena. Umabot na lamang sa 44 ang aktibong kaso sa buong Lalawigan. Pinakamarami na may aktibong kaso ang Tayabas na may bilang na 9; Lucena, 8; Sariaya, 7, at San Antonio na may 4 na kaso. Nakapagtala rin ang IPHO ng dalawang bagong nakarekober sa…

Read More

2 SENIOR, 38 IBA PA NALAMBAT SA DROGA

CAVITE – Kabilang ang isang lola at lolo sa 40 hinihinalang tulak umano ng ilegal na droga na nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa lalawigang ito, noong Miyerkoles hanggang nitong Huwebes. Kinilala ang dalawang senior citizen na sina Maria Luisa Ronquillo y Loren, 60, at Segundo De Leon y Camañag, 61-anyos. Si Lola Maria Luisa ay inaresto dakong alas-8:34 noong Miyerkoles ng gabi matapos na magbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer sa Brgy. 42-C, Cavite. Hindi naman inakala ni Lolo Segundo na pulis ang kanyang…

Read More

4 KATAO NATABUNAN SA GUMUHONG TUNNEL

PINANGANGAMBAHANG namatay na ang apat na minerong natabunan sa pagguho ng tunnel sa Diat Palo, Pantukan, Davao de Oro bunsod ng walang tigil na pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa maraming lugar sa Mindanao. Ito ay makarang ma-recover ang isa sa apat kataong natabunan ng pag-collapse ng tunnel ngunit bangkay na ito. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bago nangyari ang pagguho sa nasabing tunnel, ilang araw na nakaranas ng pag-ulan ang lugar na naging dahilan ng paglambot ng lupa. Puspusan ang paghahanap sa tatlo pang nawawalang mga…

Read More