BUONG suporta ang ibibigay ng probinsiya ng Abra sa kandidatura ni presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at kanyang running mate na si vice presidential candidate Inday Sara Duterte sa darating na halalan. Ayon kay Abra Governor Ma. Jocelyn Valero Bernos, ang kanilang suporta ay nagmula sa kanilang paniniwala sa panawagang pagkakaisa ng UniTeam. “First, maganda yung call for unity kasi yun ang importante for governance. Kasi kahit sino hindi makaka-act as a leader (efficiently) kung walang unity,” sabi ni Bernos. “‘Yun ang the best reason why kami dito sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
3 TIMBOG SA ‘PAIHI, ILEGAL NA BARIL
LUCENA CITY – Tatlong kalalakihan ang naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa “paihi” at mga illegal na baril sa pagsalakay ng mga awtoridaad sa lungsod na ito, noong Marso 7 ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Pena, 38; Ian Toezel Custodio, 28, at Randy Marcelino, 42-anyos. Ayon sa report, nadakip ang mga suspek sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Quezon, Lucena Police at 405th RMFB 4A sa Purok Bagong Buhay, Barangay Ibang-Ibang Talim, Lucena City. Nakumpiska sa mga suspek ang…
Read More41 PAMILYA SA TAYTAY, HINDI NA ISKWATER
MATAPOS ang 30 taon, ganap nang naisalin sa pangalan ng 41 sa tinatayang 300 pamilyang benepisyaryo ang mga titulong patunay na kanila na ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay sa loob ng mahabang panahon. Sa isang kalatas, pormal nang ipinamahagi ang unang batch ng titulong sadyang nakalaan sa mga aktuwal na residente batay sa census na ginamit na batayan ng Taytay local government, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Laguna Lake Development Authority (LLDA), Presidential Commission on the Urban Poor (PCUP), Department of Social Welfare and Development…
Read MoreEROPLANO SUMADSAD SA NAIA
ISANG eroplanong naglululan ng 42 pasahero mula sa Naga City ang sumadsad ilang saglit makaraan ang “touchdown” sa run ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal III sa lungsod ng Pasay. Gayunpaman, walang naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing insidente, ayon sa pamunuan ng paliparan. Sa isang kalatas, inamin ng Cebu Pacific na sumadsad ang kanila CebGo flight DG 6112 Naga-Manila bandang tanghali kahapon –“All 42 passengers and four crew deplaned normally and are safe with no reported injuries,” saad ng pahayag ng Cebu Pacific. Agad naman anilang na-tow…
Read MoreUNITEAM MAINIT NA SINALUBONG NG MGA BULAKENYO
MAINIT ang naging pagtanggap ng libu-libong Bulakenyo sa tandem nina Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Bongbong Marcos at Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa nalalapit na 2022 national at local elections sa isinagawang whole-day campaign sortie ng BBM-Sara UniTeam kahapon, Marso 8 sa lalawigan ng Bulacan. Unang bumaba ang BBM-Sara UniTeam sa bayan ng Guiguinto kung saan halos nasa 25,000 ang dumagsa sa Municipal Oval dito at sila ay mainit na sinalubong ng mga opisyal na kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas…
Read MoreRIDER PATAY SA NAHULOG NA CONTAINER VAN
BATANGAS – Patay ang isang rider na minamalas na mabagsakan ng nalaglag na container van mula sa kinalululanan nitong trailer truck sa Batangas City noong Lunes ng madaling araw. Hindi umabot nang buhay sa ospital ang 44-anyos na biktimang si Franklin Masilungan, residente ng Brgy. Pook ni Banal, sa bayan ng San Pascual, matapos na mabagsakan ng container van habang lulan ng kanyang motorsiklo. Batay sa report ng Batangas City Police, nakahinto ang motorsiklo ng biktima sa shoulder ng M. Pastor Avenue sakop ng Barangay Pallocan West nang masapol ng…
Read MoreP6.8-M NASAMSAM NG PNP-PRO5 SA 2 DRUG DISTRIBUTORS
“DRUGS is like a rat in a maze. It aims for a common hole, hoping for a quick relief but it’s actually a trap,” pahayag ni Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang dalawang umano’y illegal drug distributors sa C5 Road, Zone 6, Barangay Mabolo, Naga City. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/BGen. Estomo, PNP-PRO5 director, kinilala ang mga nadakip na sina Hiroji Clarion Tesoro, 39, ng Santiago 3 Street, Brgy. Peñafrancia, Naga City, at Froilan Tud Teves, 41, ng Brgy.…
Read MoreCOVID-19 cases mababa na, pero.. QUEZON ALERT LEVEL 2 PA RIN
LUCENA CITY – Sa patuloy na pagbaba ng bilang ng active COVID-19 cases sa Quezon ay kasabay namang nagtataka ang mga residente kung bakit hindi nasakop ng Alert Level 1 ang buong lalawigan. “Dapat ibinaba na ng IATF (Inter Agency Task Force) ang Quezon sa Alert Level 1 noon pagpasok ng Marso. Pero bakit hindi ito nangyari?” ang nagtatakang pahayag ni Romeo Cadiente, retiradong empleyado ng pamahalaan. Maging ang college student na si Marissa Ortiz, 19, ay may katulad ding pagtatanong. “Halos wala na ngang mga bagong nagkakasakit ng COVID-19. Pero…
Read More5 KILONG SHABU NASABAT SA NEGROS
NEGROS OCCIDENTAL – Umabot sa limang kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang joint anti-narcotics operation sa Escalante City sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, naglatag ng buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA 6 – NOCPO, PDEA SIU-NOCPO, PDEA 7, Escalante City Police Station, PCG-Escalante, Police Drug Enforcement Unit at Regional Drug Enforcement Unit. Nagresulta ito sa pagkakadakip sa isang high value drug personality na pakay ng anti-drug operation na kinilalang…
Read More