2 CPP-NPA KADRE NAPATAY SA SAGUPAAN

DALAWANG hinihinalang kadre ng komunistang New People’s Army ang napatay sa sagupaan nitong Miyerkoles ng madaling araw sa bayan ng Jiabong, sa lalawigan ng Samar. Ayon sa Samar Police Provincial Office, nagresponde ang mga sundalo at pulis hinggil sa natanggap na sumbong kaugnay sa anim na armadong kalalakihan na namataan sa Barangay Alejandria bandang alas-2:00 ng madaling araw. Agad na tinungo ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army at PNP ang area subalit agad silang sinalubong ng sunod-sunod na putok ng ng baril mga armado kaya gumanti ang mga ito. Napatay…

Read More

7 ESTUDYANTE, NADAKMA SA BUY-BUST SA CAVITE

CAVITE – Pitong estudyante, dalawa sa kanila ay kumukuha ng kursong Criminology, ang binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang arestadong mga estudyante na sina Niñonel T. Lubuguin, 24; Jhon Kevin A. Samonte, 20; Ryan C. Sarmiento, 20; John Patrick O. Gonzales, 22; Micko Timpoc, 21; Jun Carlo Nablo, 22; at Mico C. Sustal, 21-anyos. Ayon sa ulat ng Tanza Police, alas-6:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng PNP-DEG SOU 4A at…

Read More

P98-M LOTTO JACKPOT NADALE NG TAGA-NEGROS OCCIDENTAL

TUMATAGINTING na P98,551,582 jackpot sa Grand Lotto 6/55 ang napanalunan ng isang mananaya sa Negros Occidental sa draw noong Lunes ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng lucky winner ang kombinasyong numerong 09-17-45-39-35-15 sa ticket na binili sa La Carlota City, Negros Occidental. Maaaring kubrahin ito ng nanalo sa PCSO main office sa Mandaluyong City, dalhin lamang ang ticket at dalawang identification cards. (CYRILL QUILO) 187

Read More

5 HPG, 3 PA NA DAWIT SA KIDNAP-SLAY KINASUHAN

KINASUHAN na sa Calamba City Prosecutor’s Office ang limang miyembro ng Highway Patrol Group 4-A at tatlong sibilyan na itinuturong dumukot at pumatay sa isang negosyante at car salesman noong nakaraang Disyembre. Ang mga biktima ay kinilalang sina Jaime Faramil, isang trader, at Rodrigo Due-a, car salesman sa Camarines Sur. Ayon kay Jaimie, kapatid ni Jaime, hindi na inilabas ang pangalan ng mga suspek para sa kanilang seguridad. Sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention, kidnapping with homicide at paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Law ang…

Read More

BATANGAS PASOK SA ALERT LEVEL 1

BATANGAS CITY – Pasado na at hihintayin na lamang ang pormal na deklarasyon na kabilang na ang Batangas sa hanay ng Alert Level 1 status ng COVID-19 sa buong bansa. Ito ay matapos na maabot ng Batangas ang mga pamantayan upang maibaba na sa Alert Level 1 status ang buong lalawigan base sa tinuran ng isang lokal na mambabatas sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan. Kinumpirma ito ni 2nd District BM Arlene Magboo bilang chairman ng Committee on Health, kasabay ng kanyang pagbati sa pamunuan ng Provincial Health Office. Sa hiwalay…

Read More

Ramdam din sa NCR OCCIDENTAL MINDORO NIYUGYOG NG LINDOL

NIYANIG ng isang magnitude 6.4 na lindol ang Occidental Mindoro. Wala namang iniulat ng namatay o nasaktan sa pagyanig ng lupang naramdaman sa kabisera at iba pang lalawigan. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-5:00 ng umaga nang yanigin ng lindol ang nasabing lalawigan, ang Metro Manila at Batangas. Sa paunang ulat ng PHIVOLCS, ang sentro ng tectonic earthquake ay natunton sa Manila Trench sa layong 14.05°N, 119.12°E – 110 km N 79° W ng Lubang. May lalim ang nasabing lindol na 29 kilometers. Habang isinusulat…

Read More

DOH GOLDEN JAB AWARD HAGIP NG BINANGONAN

BINIGYANG pagkilala ng Center for Health Development ng Department of Health regional office ang pamahalaang bayan ng Binangonan, Rizal sa patuloy na sigasig sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa kabila ng pagsasailalim ng nasabing lokalidad sa Alert Level 1. Giit ni Binangonan municipal administrator Russel Callanta Ynares, hindi angkop ang pagtamlay sa programang pagbabakuna ng pamahalaan ang pagluluwag na restriksyong batay sa direktiba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases. Katunayan aniya, target mabakunahan ng Binangonan LGU ang nalalabing 29% hindi pa nabibigyan ng karampatang proteksyon laban sa…

Read More

‘Walang bus’, 70k raliyista ‘di totoo MISINFORMATION SA NEGROS SORTIE NI LENI BINUKING

PINASINUNGALINGAN ng Vallacar Transit Inc. ang naunang pahayag ng mga tagasuporta ni Leni Robredo na dahil sa kawalan na ng masasakyang pampasaherong bus kaya’t naglakad nang malayo ang mga ito para dumalo sa rally sa Bacolod City nitong nakalipas na Biyernes. Kasabay nito, kinastigo rin ang kampo ni Robredo sa pagpapakalat ng maling impormasyon na umabot ng 70,000 katao ang dumalo sa kanyang campaign rally sa dalawang ektaryang Paglaum Sports Complex dahil hamak na mas malaki ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na nasa 140 ektarya at may 55,000 capacity…

Read More

PULIS, LGUs SA CAVITE NAGHANDOG NG DUGO

MATAPOS ang halos dalawang taon na lockdown, umariba ang paghahandog ng dugo ng 300 na indibidwal mula sa hanay ng Cavite Police, Cavite Scene of the Crime Operatives (SOCO), Local Government Units, Non-Government Units at volunteers sa isang bloodletting event sa Imus City, Cavite kahapon ng umaga. Ang aktibidad ay inorganisa ng Fraternal Group (Gamma Epsilon 1963 International Fraternity and Sorority Cavite Alumni Association), katuwang ang Philippine Red Cross na matagal nang nangangailangan ng blood donations. Umaasa ang tagapagsalita ng Fraternal Group na makalilikom sila ng 70 bags ng dugo…

Read More