Live-in partner sumama sa iba LEEG IKINADENA NG MANGINGISDA

LUCENA CITY – Nagbigti sa kadena ang isang mangingisda sa kanyang bahay matapos mabatid na sumama sa ibang lalaki ang kanyang live-in partner. Bandang alas-4:20 noong Martes ng hapon nang madiskubre ng pamangkin na nakabigti ang biktimang kinilalang si Rossel Perez, 34-anyos, sa bahay nito sa Barangay Barra. Gumamit ang biktima ng kadena ng aso na ikinabit sa kanyang leeg at itinali sa kisame ng bahay. Batay sa report, bandang tanghali ay nakipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan at kaanak at pagkaraan ay nagpaalam para umuwi upang aniya ay…

Read More

RAPE SUSPECT SA MIMAROPA NATUNTON SA CAVITE

SA Cavite natunton ang isang 37-anyos na lalaking tinaguriang most wanted person, ranked 20 regional level sa Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (MIMAROPA) at naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) ng lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Paul Jerico Lopez y Moran, isang helper sa bakery sa GMA, Cavite. Ayon sa ulat ng GMA Police Station, nakipag-ugnayan ang Regional Intelligence Unit, PRO4B, Cajidiocan MPS, Romblon sa Cavite PIU at GMA Police Station nang nakatanggap ng ulat na ang…

Read More

Kaya suportado ng mga negosyante at residente ng BoracayMAY PAG-ASA SA MARCOS PRESIDENCY

boracay

BORACAY ISLAND, Aklan — Nakakita ng pag-asa kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga negosyante at residente ng kilalang tourist destination na ito na matinding naapektuhan ng pandemya. Kaya naman nananawagan sila kay Marcos Jr. na pagtuunan ng pansin ang muling pagbangon ng turismo sa kanilang lugar kapag nanalo ito sa darating na halalan sa Mayo 2022. Kilala sa pino at mala-gatas na buhangin at kulay asul na tubig, ang Boracay ang itinuturing na nangungunang tourist spot sa bansa at kilala ring malaki ang ambag sa ekonomiya. Bago…

Read More

BANKO NILOOBAN, P700K NATANGAY

pera

LAGUNA – Tinatayang mahigit P700,000 cash ang natangay ng lima kataong nanloob sa isang banko sa bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, Martes ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng Rural Bank of Lumban Incorporated – Pagsanjan branch ang nasabing pagnanakaw. Base sa kuha ng CCTV, limang suspek, kabilang ang dalawang babae, ang nakitang nagnakaw sa banko dakong alas-11:25 noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga ito na sina Esperanza Abe Aaliwin, Maris Dorado Castillo, Jules Kristoffer Javan Lopecillo, Warren Martinez Macale, at isa pang…

Read More

NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA PNP-PRO5, PHIL. ARMY

DETERMINADONG ipanalo ang kampanya laban sa insurhensya, ang buong pulisya ng PNP Bicol ay patuloy sa paglulunsad ng combat operation upang tugisin ang miyembro ng rebeldeng grupo at buwagin ang walang kabuluhang communist terrorist group. Noong Pebrero 8,2021, dakong alas-5:30 ng umaga, isang kasapi ng CPP-NPA ang napaslang sa Brgy. Magsaysay, Esperanza, Masbate, kasunod ng ikinasang joint operation ng PNP-PRO5 at AFP Southern Luzon Command. Ayon sa report mula, sa Masbate Police Provincial Office, habang nasa kalagitnaan ng operasyon ay nakasagupa ng mga pulis ang ‘di pa malamang bilang ng armadong…

Read More

NO. 9 MOST WANTED SA BICOL, TIMBOG SA QC

ISANG rape suspect na itinuturing na no. 9 most wanted person sa Camarines Norte sa Bicol, ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Police Office 5, sa SM North EDSA, Quezon City, ayon sa isinumiteng ulat kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang nasakoteng suspek na si John Philip Pado Compuesto, 31, electrician, ng Brgy. Bagong Bayan, Jose Panganiban, Camarines Norte, nakatala bilang no.9 provincial MWP sa PRO5. Sa pangunguna ng PRO5 Regional Special Operation Unit 5 (lead unit), katuwang ang PIT Camarines Norte Regional Intelligence…

Read More

MURDER SUSPECT LAGLAG SA PNP-PRO5 RSOU5

LABAS man sa kanilang hurisdiksyon, sinalakay ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director P/BGen. Jonnel C Estomo ang pinagtataguan ng isang murder suspect sa Biñan City, Laguna. “Can’t do, it is only for those who lacks vision,” ani P/BGen. Estomo nang madakip nila ang suspek na si Jose Ely Prongoso Guevarra, 67, residente ng Brgy. Timbao, Biñan City. Ayon sa ulat, bitbit ang mandamiento de aresto na inilabas ni Judge Winston S. Racoma, ng RTC Branch 39, 5th Judicial Region, Daet, Camarines Norte, sa kasong murder na walang nirekomendang piyansa, sinalakay ng mga…

Read More

DAANG-DAANG BALA NAREKOBER NG PNP BICOL

PATULOY sa paglalatag ng iba’t ibang police operations ang PNP Bicol na nagresulta sa pagkakadiskubre sa daan-daang mga bala para sa iba’t ibang kalibre ng baril at mga kagamitan sa lalawigan ng Masbate. Ayon sa ulat na isinumite kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa mga mga tauhan ng Dimasalang MPS habang nagsasagawa ng mobile patrol. Nabatid sa concerned citizen, isa umanong kahinahinalang itim na abandonadong bag at helmet ang kanyang nakita sa gilid ng kalsada sa Brgy. G. Alino, Dimasalang,…

Read More

VAN SWAK SA ILOG 4 PATAY, 8 SUGATAN

APAT ang patay habang walo ang sugatan makaraang mahulog sa ilog ang isang van sa Butuan City. Ayon sa inisyal na ulat ng Butuan City Police Office, nahulog ang isang passenger van sa pampang ng isang ilog sa nasabing siyudad nitong Martes. Nabatid sa imbestigasyon, tinatahak ng puting passenger van na lulan ang 12 katao, ang kahabaan ng national highway nang biglang nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver nito. Bunsod nito, sumalpok ang van sa steel barrier saka nahulog sa pampang ng ilog na ikinamatay ng apat na pasahero…

Read More