DALAWANG dahilan ang nakikita ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo na nagsisilbing balakid para maabot ang mataas sanang vaccination rate sa rehiyon. Ang paliwanag ni Minister Sinarimbo, isa na rito ang layo-layong island municipalities kagaya ng nasa Tawi-Tawi, Sulu at Basilan. Lubhang mahirap aniyang abutin ang mga tao sa nabanggit na komunidad na nangangailangang sadyain sa pamamagitan ng pagbiyahe gamit ang bangka. “Una po ay medyo mababa naman iyong rate noong infection dito sa atin ng Covid. Ang total cases lang…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
40 KABAHAYAN NATUPOK SA KANDILA
ANTIPOLO CITY – Umabot sa 40 kabahayan ang tinupok ng apoy nang maiwan ng isang residente ang nakasinding kandila noong Lunes ng gabi sa lungsod na ito. Ayon sa ulat ng Antipolo Fire Department at Marikina Filipino Fire Brigade, umabot sa ikatlong alarma ang sunog dakong ika-9:30 ng gabi na nagsimula dakong 8:30 ng gabi noong Nobyembre 1, sa Sitio Dalisay C, Lawis Extension, Brgy. San Isidro sa lungsod. Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang kumpirmasyon ang Antipolo Fire Department kung may sugatan o casualty at kung magkano ang…
Read MoreTAYTAY LGU WAGI SA PANDEMIC RESPONSE
TAYTAY, Rizal — Dinaig ng Garments Capital of the Philippines ang 1,497 pang munisipalidad sa pagpapatupad ng pandemic response, batay sa resultang inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa pinag-isang kalatas na inilabas ng DILG, Department of Information and Communications Technology (DICT) at National ICT Confederation of the Philippines (NICP), iginawad sa nasabing munisipalidad ang parangal bilang “Best on COVID-19 Pandemic Response” batay sa inilatag na panuntunan kaugnay ng mga programang isinagawa sa gitna ng national health emergency. Kinilala ang Taytay sa epektibong paggamit ng digital apps…
Read More71-anyos pinag-eksperimentuhan? BAKUNAHAN SA ANTIPOLO INIREKLAMO
ANTIPOLO CITY – Nangangamba ang isang 71-anyos na lolo na tila umano ginawang experiment dahil sa magkaibang COVID-19 vaccines na itinurok sa kanya sa lungsod na ito. Sa FB post, sinabi ni Anatalio Aregada, una siyang tinurukan ng Moderna noong Agosto at nitong nakalipas na buwan ay nakatanggap siya ng 2nd dose ng Sinovac CoronaVac vaccine. Ani Aregada, natakot siya sa magkaibang brand ng vaccine kaya siya nagtanong sa vaccinator. “May tinawagan, lumapit sa akin ang doctor, parang pinalakas ang loob ko, sinabing ‘Okay lang ‘yan, sa ibang bansa nagamit…
Read More2 PANG NPA NAPATAY SA MT. PROVINCE
MATAPOS na maneyutralisa ng Philippine Army si Jorge “Ka Oris” Madlos, communist New People’s Army top honcho, ay dalawa pang NPA red fighters ang napatay ng pinagsanib na puwersa ng Army 7th Infantry Division at PNP sa Besao, Mountain Province Ayon kay Army Public Affairs chief, Col. Xerxes Trinidad, nasabat ng mga tauhan ng 69th Infantry Battalion at Mountain Province Police ang isang pangkat ng mga armadong NPA na nauwi sa ilang minutong sagupaan. Sa isinagawang clearing operation sa encounter site ay nakumpirmang mga kasapi ng Komiteng Larangang Guerilla – Abra,…
Read MoreIbinida ng PNP-PRO5 ANAK NG PRESO PINABINYAGAN NG MGA PULIS
IBINIDA ng PNP-Police Regional Office 5 ang naging aksyon ng mga tauhan ng PNP Catanduanes 2nd Provincial Mobile Force Company na pabinyagan ang anak ng isang preso at sinagot ang handa para sa binyag. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director P/Brig. General Jonnel C. Estomo, lubhang nabagbag ang damdamin ng mga tauhan ng Catanduanes 2nd PMFC sa kalagayan ng isa nilang preso at live-in partner nito. Naantig umano ang puso ng mga pulis nang matanggap ng liham mula sa isang detainee ng Bagamanoc. Inihayag ni PNP-PRO5 spokesperson, P/Major Maria Luisa Calubaquib,…
Read More“BLOODY SUNDAY” SEARCH WARRANT WALANG BISA – KORTE
IPINAWALANG bisa ng korte sa Batangas ang search warrant na ginamit ng mga pulis sa isa sa serye ng mga raid laban sa mga aktibista na tinaguriang “Bloody Sunday” operations na nagresulta sa pagkamatay ng siyam na unyonista noong Marso 7. Sa inilabas na order noong Oktubre 25, at ini-release sa media nitong Lunes, pinawalang bisa ng Tanauan City Regional Trial Court Branch 6 ang search warrant laban kay Erlindo “Lino” Baez, spokesperson ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Batangas chapter. Dinismis din ng korte ang kasong illegal possession of firearms and explosives laban kay Baez.…
Read MorePNP NAGBABALA KONTRA LOVE SCAM
NAGPALABAS ng babala ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng isang isang modus na bumibiktima sa mga naghahanap ng banyagang karelasyon sa iba’t ibang social media platforms, kasunod ng pagkakadakip sa dalawang Nigerians na pinaniniwalaang sangkot sa tinatawag na “love scam.” Partikular na pinag-iingat ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar ang mga “loveless” sa aniya’y modus kung saan karaniwang nakikipag-relasyon ang mga suspek sa mga Pinay na kalaunan ay nahuhuthutan ng libo-libong salapi sa paraan ng pamba-blackmail. Aniya, ang pagkakadakip kina Felix Aondowase at Emmanuel Abia sa entrapment operation ay…
Read MoreMODEL LUMIYAB DAHIL SA COSTUME
ISANG dalagita ang muntik nang lamunin ng apoy nang biglang magliyab ang suot nitong costume kaugnay sa modeling show sa isang youth activity sa Estancia, Iloilo. Dumanas ng first degree burns sa katawan ang 17-anyos na dalagita matapos magliyab ang kanyang costume habang naghahanda sa aktibidad ang grupo ng mga kabataan. Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Estancia Municipal Police Station chief, Police Lt. Joebert Amado, sinabi nito na may culminating activity ang Pag-Asa Youth Association of the Philippines na ginanap sa plaza sa nasabing bayan. Kasalukuyang umanong naghahanda ng kanilang costume…
Read More