CAVITE – Umabot sa 15 sabungero, kabilang ang apat na senior citizens, ang dinakma ng mga tauhan ng Cavite Police habang nagsasagawa ng tupada sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang anti-illegal gambling operation sa Gen. Trias City, Dasmariñas City at Naic sa pagitan ng alas-10:50 noong Linggo ng umaga hanggang hanggang alas-4:30 ng hapon. Sa Gen. Trias City, dakong alas-10:50 ng umaga nang isagawa ang tupada sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod kung saan anim…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
COVID CASES SA CALABARZON PATULOY SA PAGBABA
CALAMBA CITY – Bunga ng nakaraang lockdowns ang patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Sa pinakabagong talaan ng Department of Health 4-A na inilabas noong Oktubre 23, nasa 603 na lamang ang bagong kaso ng mga tinamaan ng sakit kumpara noong mga nakaraang linggo na halos umabot sa limang libong katao ang mga tinamaan ng nasabing sakit. Nasa 17,991 na lamang ang aktibong kaso ng COVID habang 40 ang namatay. Ang lalawigan ng Laguna ay nakapagtala ng 4,295 active cases;…
Read More5 NPA PATAY SA PNP-PRO5 AT AFP SOLCOM JOINT OPS
LIMANG sinasabing mga kasapi ng communist New People’s Army ang napatay sa inilunsad na composite law enforcement operation ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Police Regional Office 5 na pinamumunuan ni Regional Director Jonnel C. Estomo, at ng AFP Southern Luzon Command na nasa ilalim ng pamumuno ni Lt. Gen Bartolome VO Bacarro, sa lalawigan ng Masbate. Ayon kay Maj. Maria Luisa Calubaquib, Bicol Police spokesperson, nauwi sa armed confrontation ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng PNP Bicol, katuwang ang mga tauhan ng AFP-SOLCOM, sa Brgy. Bugtong, Mandaon, Masbate. Target ng…
Read MorePANGINGISDA TAYMPERS MUNA MULA DISYEMBRE
BATANGAS – Inilalatag na ng mga grupong makakalikasan ang anila’y mga panuntunan kaugnay ng taunang tigil-pangingisda sa mga karagatang sakop ng Batangas upang bigyang daan ang paglaki ng mga yamang dagat sa taong 2022. Kasabay ng isang pulong sa pagitan ng Batangas Marine Protected Area at Bantay Dagat Network, inilunsad na rin ang temang “Panandaliang Sakrupisyo, Pangmatagalang Benepisyo” bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa dalawang buwang “closed season” na hudyat ng pansamantalang pagtigil ng anomang pangingisda sa mga anyong tubig sa nasabing lalawigan. Nakatakdang magsimula ang tigil-pangingisda sa unang…
Read MoreDirektiba ng DSWD sa koop P7M KALTAS SA AYUDA IBALIK SA BENEPISYARYO
INATASAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang kooperatibang nangasiwa sa pagpapamahagi ng halos P7 milyong ayuda sa ilalim ng programang Livelihood Assistance Grant (LAG) na agad ibalik ang kinaltas nitong bahagi sa halagang laan para sa mga benepisyo mula sa bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan. Partikular na tinukoy ng DSWD ang Magic 7 Cooperative na umano’y mas malaki pa ang kinaltas na pera kumpara sa aktuwal na natanggap ng mga benepisyaryo. Sa isang virtual press conference, mismong si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) officer-in-charge Atty.…
Read MoreCONTRACTOR, KA-LIVE-IN UTAS SA GUN FOR HIRE
BATANGAS – Patay ang isang contractor at ang live-in partner nito matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Alitagtag sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Allan Hosena, 47, at Veronica Boragay, 61, kapwa residente ng Brgy. Dominador East, Alitagtag. Batay sa report ng Alitagtag Police, nasa labas ng kanyang bahay ang lalaki nang dumating ang mga suspek at malapitan itong pinagbabaril. Nakatakbo pa sa loob ng bahay ang biktima subalit hinabol ito ng suspek at doon muling pinagbabaril. Nakita rin ng suspek…
Read More3 TULAK NALAMBAT SA P3.4-M DROGA
CAVITE – Tinatayang mahigit P3 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa isang subdibisyon sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Marvin Espiritu, alyas “Barron”, 30, negosyante; John Paul Reyes, alyas “Kuya”, 26, delivery rider, at Christine Bautista Alvaran, alyas “Nanay”, 25-anyos. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Robertson Vallejo ng Bacoor City Police, dakong alas-3:10 ng hapon noong Huwebes nang ikasa ng Bacoor City Police at PDEA NCR ang buy-bust…
Read MoreMASON TINODAS SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang isang construction mason matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek habang papasok sa kanyang trabaho sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Walang buhay na bumulagta sa damuhan sa gilid ng kalsada ang biktimang kinilalang si Ramonito Roxas, 59, residente ng Sitio Batulao, Brgy. Kaylaway, Nasugbu dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Batay sa report ng pulisya, bandang alas-6:45 ng umaga, kasama ang kanyang kapatid at apo, naglalakad ang biktima patungo sa kanyang trabaho sa isang construction site ng Masgro Builders…
Read MoreSEKYU SUMAKLOLO SA KALUGAR PINATAY
CAVITE – Patay ang isang 25-anyos na security guard nang tagain ng mga suspek gamit ang karit matapos nitong tulungan ang dalawang menor de edad na humingi ng saklolo sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Isinugod sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si John Marlo Rollon ng Purok 4, Alfonso, Cavite ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas dahil sa sugat sa ulo. Arestado naman ang mga suspek na sina Jeffre Brigania, 33, at John Fernan Brigania y Rodriguez, binata, kapwa construction worker at residente ng…
Read More