CAVITE – Tinatayang mahigit P3 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa isang subdibisyon sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Marvin Espiritu, alyas “Barron”, 30, negosyante; John Paul Reyes, alyas “Kuya”, 26, delivery rider, at Christine Bautista Alvaran, alyas “Nanay”, 25-anyos. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Robertson Vallejo ng Bacoor City Police, dakong alas-3:10 ng hapon noong Huwebes nang ikasa ng Bacoor City Police at PDEA NCR ang buy-bust…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MASON TINODAS SA BATANGAS
BATANGAS – Patay ang isang construction mason matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek habang papasok sa kanyang trabaho sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Walang buhay na bumulagta sa damuhan sa gilid ng kalsada ang biktimang kinilalang si Ramonito Roxas, 59, residente ng Sitio Batulao, Brgy. Kaylaway, Nasugbu dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Batay sa report ng pulisya, bandang alas-6:45 ng umaga, kasama ang kanyang kapatid at apo, naglalakad ang biktima patungo sa kanyang trabaho sa isang construction site ng Masgro Builders…
Read MoreSEKYU SUMAKLOLO SA KALUGAR PINATAY
CAVITE – Patay ang isang 25-anyos na security guard nang tagain ng mga suspek gamit ang karit matapos nitong tulungan ang dalawang menor de edad na humingi ng saklolo sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Isinugod sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si John Marlo Rollon ng Purok 4, Alfonso, Cavite ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas dahil sa sugat sa ulo. Arestado naman ang mga suspek na sina Jeffre Brigania, 33, at John Fernan Brigania y Rodriguez, binata, kapwa construction worker at residente ng…
Read MoreP15-M SHABU MULA MALAYSIA, NASABAT SA NAIA
TINATAYANG P15,640,000 halaga ng illegal drugs ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-IADITG PDEA sa FedEx warehouse sa International Cargo sa NAIA, na laman ng dalawang parcel mula sa Malaysia. Unang nasabat ng mga operatiba ang isang parcel na idineklarang mga damit mula sa nagngangalang Alam Persiaran Dato Menteri, ng Sec. 14, Shah Alam, Malaysia, na ang consignee ay isang Edmar Blay ng SJV, Blk. 10, Lot. 22, Brgy. Langgam, San Pedro, Laguna. Habang ang pangalawang parcel naman ay mula sa kaparehong sender na ang consignee naman ay si Janete Acapulco…
Read MoreTULAK KUMASA SA PNP-PRO5, PATAY
DEAD on the spot ang isang notorious drug pusher nang mauwi sa engkwentro ang ikinasang anti-narcotics operation ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5, na nasa pamumuno ni P/Brig. General Jonnel C. Estomo, sa Naga City. Ayon sa ulat na isinumite kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, napatay sa armed confrontation ang pakay ng anti-drug operation na kinilalang si Marvin Valenzuela y Estrella, nasa hustong gulang, walang trabaho at residente ng Zone 1, Brgy. Mabolo sa nasabing siyudad. Ayon kay PNP-PRO5 Public Information Office chief, P/Major Malou Calubaquib, bandang…
Read More33 TULAK LAGLAG SA CAVITE POLICE
CAVITE – Umabot sa 33 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip ng Cavite Police sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation noong Martes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-6:00 Lunes ng umaga hanggang alas-2:30 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation sa limang lungsod at limang bayan sa lalawigan ng Cavite. Nanguna sa pinakamaraming bilang ng mga tulak na naaresto ang Lungsod ng Dasmariñas sa bilang na pito; sumunod ang Cavite City na anim; tig-lima naman ang Gen. Trias…
Read MoreDumaan sa hinukay na lupa CONVENIENCE STORE SA CAVITE, NILOOBAN
CAVITE – Mula sa isang creek, dumaan sa drainage saka naghukay patungo sa loob ng kilalang convenience store ang mga kawatan saka tinangay ang mahigit P260,000 cash, alak at cellphone sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga. Ayon sa ulat ni Corporal Ramil Legaspi ng Silang Police Station, dakong alas-5:05 ng umaga nang natuklasan ni Lexander Nazareno, 24, store crew, ang panloloob sa Alfamart Buho Branch sa Brgy. Buho, Silang, Cavite. Salaysay ni Nazareno, napansin nito na maputik ang loob ng tindahan at bukas din ang…
Read MoreSEKYU ITINUMBA SA DUTY
BATANGAS – Dead on the spot ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek dakong alas-3:30 ng madaling araw nitong Lunes sa Lipa City. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Arnold dela Cruz y Ebora makaraang pagbabarilin ng mga suspek habang naka-duty sa Villa Sto. Niño Townhomes, Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas. Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Sinusuri na ng mga awtoridad ang footages ng mga CCTV sa lugar upang mabatid kung nahagip ang insidente. (CYRILL…
Read MoreMAG-UTOL NA MURDER SUSPECTS, UTAS SA PULIS
CAVITE – Patay ang magkapatid na suspek sa pagpatay sa isang fruit vendor, makaraang manlaban umano sa mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation sa Tagaytay City noong Linggo ng umaga. Kinilala ang mga napatay na sina Denmark Consumo at Ariel Consumo, kapwa nasa hustong edad at mga residente ng Brgy. Halang, Naic, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Braiann Balani ng Tagaytay City Police Station, dakong alas-11:00 ng umaga noong Linggo, nagsagawa ng hot pursuit operation ang pinagsamang puwersa ng Naic Police Station, Force Commander at Tagaytay CPS sa…
Read More