PNP-PRO5 full alert BICOL UNIVERSITY, PINASABUGAN

NANANATILING naka-full alert ang puwersa ng PNP-Police Regional Office 5 matapos yanigin ng dalawang magkasunod na pagsabog ang Bicol University sa Lungsod ng Legazpi noong Linggo ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang mangyari ang dalawang magkasunod na pagsabog sa loob ng unibersidad na ikinagulantang ng karatig na mga establisyemento at police checkpoint. Ang Bicol University ay hindi kalayuan sa Camp Simeon Ola, punong himpilan ng PNP-PRO5 sa lungsod ng Legazpi. Ayon kay PNP Bicol chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon…

Read More

P6.8-M SHABU NASABAT SA TAWI-TAWI

TINATAYANG P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng AFP Western Mindanao Command at Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong drug personalities sa Tawi-Tawi. Ayon kay Maj. Gen. Alfredo Rosario Jr., commander ng Western Mindanao Command, tatlong bigtime drug dealer ang naaresto at nakumpiskahan ng isang kilo ng shabu bukod pa sa narekober na iba’t ibang drug paraphernalia inilunsad na buy-bust operation ng militar at PDEA. Kinilala ni Maj. Gen. Rosario Jr., ang arestadong drug personalities na sina Rodimer…

Read More

Dugo umagos na sa 2022 elections LIDER NG MAYOR INAMBUS, PATAY

LAGUNA – Patay ang isang tumatayong campaign leader ng ilang politiko sa Laguna matapos tambangan ng hindi kilalang mga suspek sa Biñan City noong Sabado ng tanghali. Kinilala ng Biñan City Police ang biktimang si Virgilio “Ver” Dimaranan, 63-anyos, residente ng South City Homes at dating city accountant ng Biñan LGU. Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinambangan ang biktima pasado alas 12:00 ng tanghali pagkatapos nitong dumalo sa pagpupulong ng mga lider pulitika ni Incumbent Biñan City Mayor Arman Dimaguila. Ngunit ayon sa pulisya, bukod sa pagiging campaign leader nito ng mga…

Read More

PNP BICOL UMARANGKADA, 10 WANTED PERSONS TIMBOG

“TO be a criminal is foolish. To be a fugitive is insane,” pahayag ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang sampung most wanted persons sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon sa pinaigting na kampanya ng PNP Bicol kontra kriminalidad partikular na ang kampanya laban sa wanted persons. Sa unang bugso ng Oktubre taong kasalukuyan, anim ang nasakote ng mga kawani ng Camarines Sur Police Provincial Office sa inilunsad nitong manhunt operation. Kabilang na rito ang rank 1 city municipal wanted person ng…

Read More

TAN NAGHAIN NG KANDIDATURA SA PAGKA GOBERNADOR NG QUEZON

PORMAL nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagka gobernador ng lalawigan ng Quezon si 4th District Representative Angelina “Helen Tan” kahapon (Linggo) sa  Lucena City sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Kasama niya ang running-mate sa pagka Bise Gobernador na si Third Alcala, Cong. Mark Enverga (Representative, 1st District), Bokal Reynan Arogancia (Representative, 3rd District) at Atorni Mike Tan (Representative, 4th District) na naghain din ng kani-kanilang kandidatura. Sinabi ni Tan na kapag siya ay nahalal na gobernador, ipagpapatuloy nya ang nasimulang HEALING Agenda at lalo pang paiigtingin ang…

Read More

PRES’L ADVISER NI DUTERTE TATAKBONG GOBERNADOR

ANTIPOLO City — Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy para gobernador sa nalalapit na 2022 general elections si Presidential Adviser Sec. Casimiro Ynares Jr. Kasabay ng paghahain ng kandidatura ni Ynares, nagsumite na rin ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa re-election ang kaalyadong 1st district Congressman Michael John Roy Duavit. Sa kabila ng inihaing kandidatura ni Ynares – na dati na rin nanungkulan bilang punong lalawigan, hindi naman kumbinsido ang marami lalo pa’t taliwas sa inaasahan ang pagbabalik nito sa pulitika. Usap-usapan din sa lalawigan ang…

Read More

PAGBAHA NG SMUGGLED NA GULAY, ECONOMIC SABOTAGE

NAIS ni Senadora Imee Marcos na busisiin ang posibleng sabotahe sa ekonomiya ng pagbaha ng mga gulay mula China habang ang mga lokal na produkto galing Benguet at iba pang taniman sa Cordillera ay patuloy na nabubulok. Ihahain ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, ang Senate Resolution para tuntunin ang mga importer at mga opisyal sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na sangkot sa agricultural smuggling. “Wala tayong kadala-dala, nangyari na ito nung 2020, at nabigyan na ang DA ng Kadiwa trucks, tauhan…

Read More

NPA MURDER SUSPECT, LAGLAG SA PNP-PRO5

ISANG aktibong kasapi umano ng communist terrorist group na kabilang sa apat na New People’s Army na responsable sa kidnapping at pagpatay sa inosenteng sibilyan sa San Fernando, Masbate, ang nadakip ng mga tauhan ng PNP Police Regional Office 5 sa ikinasang manhunt operation ng Masbate Police Provincial Office sa San Fernando, Masbate. Ayon kay PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, unti-unti nang nabibigyan ng linaw ang pagkamatay ng isang lalaking pinaslang sa San Fernando, Masbate nang madakip ng Masbate PPO ang akusadong si Rommel Bona y Ramos, 32-anyos, may asawa,…

Read More

BYPASS ROAD SA LA UNION BINUKSAN

PORMAL na binuksan ni Department Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar kahapon ang may 8.72-kilometer San Fernando-San Juan Section ng Bauang-San Fernando-San Juan By-Pass Road sa lalawigan ng La Union. Pinangunahan ni Sec. Villar ang ceremonial drive-thru kasama sina La Union 1st District Congressman Pablo C. Ortega at DPWH Region 1 Director Ronnel M. Tan upang pormal na buksan ang bagong Bypass Road na siyang magpapaluwag ng Manila North Road sa San Fernando City at San Juan. Ang pagbubukas ng bagong Bypass Road ay dinaluhan din nina…

Read More