ISANG konsehal ang nalagay sa balag ng alanganin sa paglutang ng isang saksing kabilang umano sa kanyang mga binayaran para palabasing may anomalya sa pamamahagi ng Livelihood Assistance Grant (LAG) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office para sa tinatayang 3,500 benepisaryo sa bayan ng Pandi sa Bulacan. Partikular na tinukoy ng saksing pansamantalang tinawag na “Madam Witness” si Konsehal Cris Castro na siya umanong may pakana sa paghahain ng reklamo laban sa Magic 7 Cooperative na itinalagang mangasiwa sa distribusyon ng ayudang pangkabuhayan. Aniya, pinakiusapan siya…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P47.6-M SHABU NASABAT SA 2 TULAK SA CAVITE
CAVITE – Umabot sa P47.6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga arestado na sina Morato Gulam alyas “Habi” at Esmail Tanting, kapwa nasa hustong edad at residente ng Molino III, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang puwersa ng PDEA SAS at PDEA Provincial Office sa harapan ng SOMO Market sa Daang Hari, Alternate Route, Molino IV, Bacoor…
Read MoreGINANG, ARESTADO SA P100K SHABU
NASORPRESA ang isa sa matagal nang minamanmanan na drug personality sa bayan ng Virac, Catanduanes nang ito ay silbihan ng search warrant ng mga tauhan ng ng PNP-PRO5 Catanduanes Police Provincial Office. Dakong 7:01 ng umaga nang pormal na isilbi ang search warrant para sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ipinalabas ng Virac, Catanduanes, laban sa suspek na si Ma. Salve Ferrer Gonzales alyas “Ambe/Bebe”, 37-anyos, walang trabaho at residente ng P-1, Barangay Palta Small ng nasabing bayan. Nakumpiska sa suspek ang…
Read More3 LAGLAG SA ANTI-CRIMINALITY CAMPAIGN NG PNP-PRO5
TATLONG indibidwal ang nadakip sa inilunsad na anti-criminality campaign ng mga tauhan ni PNP Regional Police Office 5 Regional Director Jonnel C. Estomo sa Bicol Region. Ayon kay PNP-PRO5 spokesperson, P/Major Malou Calubaquib, sa probinsya ng Camarines Sur, positibo ang ikinasang law enforcement operation ng pinagsamang mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Ragay MPS sa Brgy. San Rafael, Ragay laban sa dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Kinilala ang mga ito na sina Richard Porlaje y Losande, at Eduardo Porlaje…
Read MoreMILITAR NAKAISKOR KONTRA TERORISTA
CAVINTI, Laguna – Samu’t saring pampasabog na karaniwang gamit sa terror attacks ang nasamsam ng mga militar sa isang operasyon sa liblib na bahagi ng Barangay Umiray sa bayan ng General Nakar, lalawigan ng Quezon. Paniwala ni 202nd Infantry Brigade Commander Colonel Cerilo Balaoro, malaking dagok sa hanay ng New People’s Army ang kanilang nasamsam na mga pampasabog na ayon sa kanya ay nakatakdang gamitin ng mga rebelde sa paghahasik ng terorismo. Kabilang sa kanilang nakumpiska ay 20 anti-personnel mines, 15 anti-vehicle mines, 340 rounds ng mga bala ng caliber…
Read MorePULIS TODAS, 1 PA SUGATAN SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Napatay ang isang operatiba ng Cavite Police habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isa pang pulis makaraan ang isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kapwa isinugod sa Dasmariñas City Medical Center sina P/SSgt. Carl Marte Manzanilla at Pat. Ariel Carlos Maribojo ngunit idineklarang dead on arrival ang una dahil sa tama ng bala sa katawan. Apat katao naman ang naaresto sa nasabing buy-bust operation na kinilalang sina Jesabel Cadag, Jemuel Pillar, John Marco Pacia at John Lloyd Pacia habang pinaghahanap ang tatlong…
Read More7 SUNDALO, 2 LINEMAN SUGATAN SA PAGSABOG SA NGCP
DALAWANG tauhan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at pitong sundalo ang malubhang nasugatan sa pagsabog ng itinanim na landmine sa bayan ng Buadiposo-Buntong sa Lanao del Sur, ayon sa ulat ng militar at pulisya nitong Miyerkoles. Sa inisyal na ulat ng Philippine Army 103rd Infantry Brigade, isa sa mga sundalo na nagbabantay sa mga manggagawa ng NGCP ang nakatapak ng itinanim na bomba ng hindi pa kilalang grupo sa paanan ng transmission tower sa bayan ng Buadiposo-Buntong, na nagresulta sa nasabing pagsabog. Nangyari ang pagsabog bandang alas-7:00 ng…
Read More10 POSITIBO SA ANTIPOLO MENTAL HEALTH FACILITY
ANTIPOLO CITY, Rizal – Kinailangang isailalim sa mahigpit na granular lockdown ang isang pribadong mental health facility makaraang magpositibo sa nakamamatay na COVID-19 ang 10 sa 31 empleyado nito. Sa anunsyong ipinaskil sa social media, mananatiling sarado sa loob ng dalawang linggo ang Villa Herzon Mental Health Center sa M. Santos St., Barangay San Roque kung saan nagkahawaan ang mga empleyado nito. Sa 31 kataong isinailalim sa RT-PCR test, 10 ang lumabas na positibo – dahilan para agad na isarado ang nasabing pasilidad. Kasabay nito, agad din pinakilos ang mga…
Read More1 PATAY, 3 KRITIKAL SA 3 AKSIDENTE SA CAVITE
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang rider habang kritikal ang kalagayan sa ospital ng tatlo pang katao kabilang ang isang pulis sa nangyaring tatlong aksidente sa kalsada sa lalawigang ito. Kinilala ang namatay na biktimang si Joemel Tubay Orlanda, 24, habang hawak na ng pulisya ang driver ng dump truck na may plakang CCN 1344, na si Mark Kevin Valenzuela, 28-anyos. Kritikal ang kalagayan nina Pat. Teodorio Ivan Joseph, 27, nakatalaga sa Naic Police, nilalapatan ng lunas sa Tanza Specialist Hospital, habang sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital dinala ang driver ng…
Read More