4,000 DOSES NG BAKUNA NAWAWALA SA CAVITE

IPINAG-UTOS ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi ang imbestigasyon hinggil sa ulat na 4,000 doses ng bakuna ang umano’y nawawala at naipasa sa mga dayuhang negosyante. Ang isasagawang imbestigasyon ay kasunod ng lumabas sa imbentaryo na isinumite ng DOH Region 4A noong Agosto na may discrepancy sa bilang ng vials na aktwal na hawak ng Ospital ng Imus sa isinumiteng report ng National Bureau of Investigation (NBI) “Sinabihan ko ang aking legal officer na si Atty. Eugene at Doctor Andy na gumawa ng imbestigasyon dahil ayaw nating mabahiran ng anomalya,” ayon kay…

Read More

PNP Bicol, AFP wagi vs insurhensya 2 PATAY, 2 SUMUKO

MULING nagkamit ng tagumpay ang mas pinaigting at patuloy na operasyon ng pulisya at militar laban sa banta ng insurhensya at iba pang kriminalidad sa rehiyon. Ayon kay PNP-Police Regional Office 5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, dalawang miyembro ng New People’s Army ang napatay makaraan ang engkwentro ng rebeldeng grupo at pinagsanib na puwersa ng mga pulis at Philippine Army noong Huwebes sa boundary ng Barangay Patag at Cawayan, Irosin, Sorsogon. Ito ay bunsod ng operasyong ikinasa ng PNP Bicol partikular ang Sorsogon Police Provincial Office, kasama ang Philippine…

Read More

7 WANTED TIKLO SA PNP-PRO5

SINIMULAN ng PNP Bicol, na pinamumunuan ni PNP-PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo, ang pagpasok ng buwan ng Setyembre sa matagumpay na “all-out” na kampanya kontra wanted persons na nagbunga sa pagkakaaresto sa pito katao sa iba’t ibang panig ng rehiyon. Sa Zone 4, Brgy. Sto. Domingo, Calabanga, Camarines Sur ay dinampot ng mga tauhan ng Calabanga MPS, Camsur PPO ang tinaguriang rank 6 most wanted person na si Christopher Casaldon y Alto, 22, na may kasong robbery na may piyansang P48,000, at paglabag sa RA 10883 o Anti-Carnapping Act na…

Read More

MARITIME POLICE DUROG SA TRAILER TRUCK

QUEZON – Patay ang isang miyembro ng Maritime Police matapos na magulungan ng trailer truck nang matumba ang sinasakyang nitong motorsiklo sa Quirino Highway, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Patrolman Alvin Taborda, 31, residente ng Payatas, Quezon City at nakatalaga sa PNP Maritime Group. Ayon sa report, binabaybay ng biktima ang Quirino Highway ngunit pagsapit sa Barangay Poblacion ay nawalan ito ng kontrol sa motorsiklo at natumba sa highway. Dahil sa biglaang pangyayari, hindi ito naiwasan ng kasunod na trailer truck na minamaneho…

Read More

3 UMIWAS SA OPLAN SITA, SUGATAN

CAVITE – Sugatan ang tatlong kalalakihan nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad makaraang tangkang takasan ang isinasagawang Oplan Sita sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng madaling araw. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mga suspek na sina Jose Pepito Rusco, 36; Abdul Samie, 33, at Domingo Macunay, nasa hustong edad, at pawang mga residente ng Moonwalk IV, Las Piñas City. Ayon sa ulat ni Pat. Roderik Bajado ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang…

Read More

MAG-AMA PATAY, INA KRITIKAL SA RIDO

HINIHINALANG dahil sa rido o away ng mga angkan ang ugat ng pananambang sa isang mag-anak na ikinamatay ng isang paslit at ama nito habang kritikal naman ang ina sa lalawigan ng Maguindanao. Kinilala ang mga biktimang napatay na sina Eskak Esmail Mamo, 38; Datu Abdullah Mamo, 5-anyos, habang sugatan naman si Paiza Datua Mamo, 35, pawang mga residente ng Sultan Sabarongis, Maguindanao. Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director, Colonel Jibin Bongcayao, sakay ang mga biktima ng multicab para magtungo sa merkado. Ngunit pagsapit sa Barangay Gawnan, Rajah Buayan, Maguindanao ay…

Read More

‘PUBLISHER’ SWAK SA EXTORTION

SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation-Cagayan Valley Regional Office (NBI-CAVRO) ang isang lalaking nagpakilalang publisher at news anchor ng pahayagang “Target News ” na nakabase sa Tuguegarao City, matapos mangikil umano ng halagang P30,000 sa isang negosyante nabanggit na lungsod kamakailan. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric Distor ang suspek na si Rommel Dela Cruz Mendi. Ang suspek ay binitbit ng mga tauhan ng NBI matapos ilatag ang entrapment operation. Nag-ugat ang pagdakip sa suspek base sa reklamo ng isang hardware owner na hindi na binanggit ang…

Read More

MGA OSPITAL SA STA. ROSA, PUNO NA RIN

LAGUNA – Wala nang pwede pang paglagakan ng mga pasyenteng tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa lungsod ng Sta. Rosa, kung saan puno na ang lahat ng mga pagamutan. Sinabi ni Mayor Arlene Arcillas na bukod sa puno na ang kanilang mga pasilidad, kulang na kulang na rin sila sa medical professionals dahil maging ang mga taong dapat sana’y kumakalinga sa mga may karamdaman ay naging pasyente na rin. Pag-amin ng alkalde, dalawang linggo nang hindi tumatanggap ng mga pasyente ang mga ospital sa kanilang lokalidad. “Maraming nagpa-positive na doctors…

Read More

BABAENG NANGIKIL KAY MAYOR, KULONG

SORSOGON – Dinakip ng mga pulis ang isang 18-anyos na babae na umano’y nangikil ng pera sa mismong mayor ng bayan ng Juban sa lalawigang ito, noong Martes. Hindi nakapalag nang posasan ang suspek na si Kristine Kate Rivera, residente ng Housing Project, Barangay Bibincahan, East District. Ang biktima naman ng insidente ay ang 56-anyos na alkalde ng Juban na si Antonio Alindogan, residente ng Barangay Poblacion. Batay sa report kay Sorsogon City Police Station (SCPS) commander, Police Major Jeric Don Sadia, nahuli si Rivera sa inilatag na entrapment operation sa Barangay…

Read More