QUEZON – Gutom ang nagtulak upang bumaba mula sa kabundukan at mangikil ng pagkain ang mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga residente ng Barangay Llavac, sa bayan ng Real sa lalawigang ito. Nakasagupa ng 1st Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division ang grupo ng Platun Laguna-Quezon ng Main Regional Guerilla Unit ng Southern Tagalog Regional Party Committee na NPA noong Linggo sa Sitio Lalawinan. Ito ay makaraang isumbong ng isang residente ang pangingikil ng mga rebelde sa mga naninirahan sa nabanggit na lugar. Makaraan ang 10-minutong palitan ng putok,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
PAGSABOG SA MILITARY CHECKPOINT, 1 PATAY
BASILAN – Patay ang isang miyembro ng Philippine Army habang malubhang nasugatan ang isa pa na kabilang sa nagmamantina ng temporary checkpoint na pinasabog ng isang improvised explosive device sa Campo Uno, Lamitan City sa nabanggit na lalawigan. Ayon kay Western Mindanao Command Acting Commander MGen. Generoso Ponio, base sa inisyal na pagsisiyasat, may tatlong lalaking sakay ng motorsiklo ang nakita sa lugar nang mangyari ang pagsabog bandang alas-8:50 ng umaga noong Martes. Ang dalawang sundalo na mga kagawad ng Army 68th Infantry Battalion na nagbibigay seguridad sa lugar, ay sinasabing pinaputukan pa ng…
Read More1 missing, 3 sugatan 6 PATAY SA SUNOG SA CEBU CITY
CEBU CITY – Anim katao ang namatay, kabilang ang apat na mga bata, nang makulong sa kanilang bahay sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Osmeña Blvd., Barangay Sta. Cruz sa lungsod na ito, noong Martes ng hapon. Bukod sa anim na namatay, may isa pang hinahanap sa clearing operation matapos na magdeklara ang Bureau of Fire Protection na fire-out na ang sunog bandang alas-3:41 ng hapon, mahigit isang oras makaraang ihayag ng mga bumbero na ‘fire under-control’ ang sunog na nagsimula pasado alas-2:00 ng hapon. Dalawang kasapi ng pamatay sunog…
Read MoreDOH FACILITIES SA CALABARZON HALOS PUNO NA
SA kabila ng paghihigpit ng pamahalaan sa mga residente, patuloy pa rin ang paglobo ng kaso ng mga tinamaan ng nakamamatay na COVID-19 sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon batay na din sa datos na inilabas ng Department of Health Region IV-A. Sa isang pahayag, sinabi ng DOH-Calabarzon na halos puno na din maging ang kanilang regional government center isolation facility sa Calamba City, dahil sa patuloy na pagdating ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19. Anila, 57 beds na lamang ang inilaan para sa mga nagpositibo…
Read More3 BEBOT TIMBOG SA P3.4-M SHABU
CAVITE – Mahigit P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam at nadakip ang tatlong babae sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Kinilala ang mga arestado na sina Jean Llianes, 36; Devielyn Gammad, 32, at Ma. Lourdes Enriquez, 28-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 noong Lunes ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A at Dasmariñas City Police Station sa parking lot ng isang mall sa nabanggit na lungsod kung…
Read More100K J&J vax para sa isang LGU? CABUYAO SAPUL SA FAKE NEWS
LAGUNA – Mistulang superspreader event ang maaaring kahantungan sa isang ospital sa lungsod ng Cabuyao kung hindi naagapan ang kumalat na balita hinggil sa pagdating ng 100,000 doses ng J&J’s Janssen COVID-19 vaccines sa nasabing lokalidad. Paglilinaw ng Cabuyao City government, fake news ang kumalat sa social media hinggil sa umano’y pagdagsa ng single-dose Janssen vaccines sa lungsod. Sa pahayag na lumabas sa official Facebook page ng Cabuyao City Information Office, mariing itinanggi ng Ospital ng Cabuyao ang maling impormasyong ipinakalat ng isang fake FB account na anila’y hangad lamang guluhin ang programa ng pamahalaan…
Read MoreDrug personalities hindi nakasuhan POLICE CHIEF SINIBAK
DINAKIP ng mga operatiba ng PNP-Inter Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang chief of police sa Zamboanga dahil sa kapabayaan nitong makapag-build up ng kaso laban sa nahuhuling illegal drug personalities. Sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Office 9 (CIDG-9) ikinostudiya si Police Lt. Col. Nonito Pangilison Asdai, hepe ng Zamboanga City Police Station. Nabatid sa report kay Police Regional Office-9 Director Brig. General Ronaldo Ylagan, sinampahan ng kasong paglabag sa Article 92 ng Republic Act 9165 o “Delay and bungling in prosecution of drug cases” si Asdai…
Read MoreULO NG TOTOY, NATAPYAS SA ELISE NG BANGKA
QUEZON – Binawian ng buhay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na mahulog mula sa bangka at tamaan ng elise nito sa bayan ng Perez sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ronnel Pelin, residente ng Barangay Pagkakaisa. Ayon sa Perez Police, pauwi na ang biktima kasama ang dalawang kaibigan galing sa picnic nang mahulog ito habang nakatayo sa unahang bahagi ng bangka sa bahagi ng karagatan ng Barangay Pagkakaisa sa bayan ng Perez. Ngunit dahil mabilis ang takbo ng bangka, nahagip ng elise nito ang biktima…
Read More2 PANG SUSPEK SA MASAKER TIMBOG SA PNP-PRO5
NADAKIP na rin ang dalawa pang suspek sa malagim na Masbate massacre na ikinamatay ng lima katao at ikinasugat ng isang dalagita, makaraan ang isinagawang follow-up operation ng PNP-Police Regional Office 5 sa Barangay Eastern Capsay sa nasabing lalawigan. Base sa ulat na isinumite kay Bicol PNP Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, naaresto ng kanyang mga tauhan ang ama at tiyuhin ng 16-anyos na binatilyo na nagsilbing look-out sa krimen at naunang naaresto ng mga tauhan ng Baleno Municipal Police Station. Ayon kay P/Capt. Ronnie Corral, hepe ng Baleno…
Read More