MARIING tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na mas mapadadali na ang pagsasaka ng mga kasapi ng Pacheco Agrarian Reform Cooperative (PAR-C) matapos silang pagkalooban ng DAR sa ilalim ng direktiba ni Secretary Conrado M. Estrella III, ng bagong 50-horsepower heavy tractor na may kasamang mga kagamitan. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DAR na tulungan ang agrarian reform beneficiaries na gawing mas makabago, mas episyente, at mas produktibo ang kanilang pagsasaka upang mapataas ang kanilang kita. Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni Sec. Estrella III na ang pagbibigay…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MAYOR ARCILLAS NAKIPAGPULONG SA VILLA CACERES HOMEOWNERS
MATAPOS na mailathala sa pahayagang Saksi Ngayon, nagkaroon na ng pormal na pagpupulong si Mayor Arlene Arcillas ng Santa Rosa City, sa ilang kinatawan ng Villa Caceres Concerned Homeowners upang pakinggan ang kanilang mga hinaing kaugnay sa pamamalakad ng Villa Caceres Estate Homeowners Association. Nauna rito, nagsumite ng liham ang nasabing grupo sa tanggapan ng alkalde na humihiling ng tulong upang obligahin ang kasalukuyang mga opisyal ng Villa Caceres Estate Homeowners Association na magpatawag ng isang General Assembly. Layunin ng naturang pagpupulong na maipakita sa mga miyembro ang Audited Financial…
Read MoreSAKO-SAKONG SHABU NASAMSAM NG PHIL. ARMY
TINATAYANG 2.2 tonelada ang timbang ng sako-sako ng hinihinalang crystal meth na nasamsam ng Philippine Army 2nd Infantry Division nitong Martes ng umaga matapos nilang respondehan ang isang sumadsad na lantsa sa baybayin ng Barangay Harrison sa Paluan, Occidental Mindoro. Ayon kay kay Maj. General Ramon Zagala, Army 2ID commander, unang nagresponde ang isang cadre ng Philippine Army at dalawang kasapi ng CAFGU, sa sumadsad na lantsa sa dalampasigan na nag-umpisa ng kaguluhan ng mga tao. Ayon kay MGen. Zagala, namataan pa ng kanyang mga tauhan ang papatakas na dalawang…
Read MoreP382-M MATERYALES SA ILEGAL NA SIGARILYO NASAMSAM
NASABAT sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Custom (BOC) ang tinatayang P382 milyong halaga ng mga materyales para sa paggawa ng sigarilyo. Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na operasyon ng tabako, nasamsam ang BOC, sa pamamagitan ng koordinadong aksyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Port of Limay, sa Bataan, ang milyong-milyong halaga ng mga materyales sa paggawa ng sigarilyo sa isinagawang anti-smuggling operation sa Pampanga. Pinangunahan ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang…
Read More2 SUSPEK SA PAMAMARIL SA BULACAN, TIMBOG
ARESTADO ang dalawang suspek na inuugnay sa pamamaril na ikinamatay ng isang police officer sa Guiguinto, Bulacan. Ayon sa ulat ng Police Regional Office 3 na nakarating sa Camp Crame, nahuli ang dalawang suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Bulakan at Obando. Batay sa isinagawang imbestigasyon, lumitaw na ang gunman ay isang dating pulis na sinibak sa pwesto. Habang ang isang suspek ay pinaniniwalaang driver at kasabwat sa krimen. Ayon kay Bulacan Police Provincial Office, Public Information Office chief, PMaj. Jaynalyn Udal, kabilang sa kanilang tinitingnan ay ang reelection na…
Read MoreP20.7-M DROGA NASABAT SA 2 NEGOSYANTE
LANAO DEL SUR – Arestado ang dalawang negosyante sa ikinasang anti-narcotics operation ng mga awtoridad makaraang mahulihan ng mahigit P20.7 milyong halaga ng ilegal na droga sa bayan ng Picong sa lalawigan, ayon sa ulat ng pulisya nitong Martes. Sa ibinahaging report ni Brig. Gen. Jaysen de Guzman, director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), isinagawa ang drug sting operation noong Lunes ng umaga sa national highway sa Barangay Maladig, bayan ng Picong. Kinilala lamang ang naarestong dalawang high-value target na sina alyas “Ben” mula sa General…
Read MoreSa operasyon ng PDEA P383.08-M DROGA NASAMSAM, 119 SUSPEK ARESTADO
NAKASAMSAM ng mahigit P383.08 milyong halaga ng illegal drugs at nakadakip ng 119 drug personalities ang Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA), katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang inilunsad na 85 operasyon laban sa droga. Ayon sa ibinahaging datos ng PDEA, sa loob ng isang linggo mula Pebrero 27 hanggang Marso 6, 2026, matagumpay na nagsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 85 malalaking operasyon laban sa ilegal na droga sa buong bansa. Ang mga operasyon ay nagreresulta sa pagkakaaresto ng 119 drug personalities at pagsamsam ng ipinagbabawal…
Read MoreCAAP AT PPA MAGPAPATUPAD NG MAHIGPIT NA SECURITY SCREENING
NAKATAKDA ring magpatupad ng mas mahigpit na security screening ang Office for Transportation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong summer break partikular sa paggunita ng Holy Week. “We will also implement stricter coordination with airport authorities and law enforcement agencies, as well as continuous monitoring of security operations,” ayon kay OTS Administrator Gilberto Cruz. Ayon kay Cruz, pagaganahin ang OTS Transportation Operations Center nang 24/7 upang matiyak ang agarang pagtugon sa anomang insidente, bagaman aminado siyang hindi pa ganap na…
Read More6 SUSPEK SA HAZING SA CAVITE, HAWAK NA NG PNP
HAWAK na ng Philippine National Police (PNP) ang anim na suspek sa hazing na ikinasawi ni Kenneth Alcedo, 19-anyos, ng General Trias, Cavite. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng umaga, sinabi ni PNP PIO PBGen. Randulf Tuaño, apat sa mga suspek ang sumuko sa General Trias Police Station at isa pang suspek ang sumuko sa Dasmariñas Police Station. Nasa 18 hanggang 21 ang edad ng mga suspek na boluntaryo ang pagsuko sa mga awtoridad. Dalawa sa mga sumukong suspek ay napag-alamang sila ang nagdala sa biktima sa ospital. Ang…
Read More