DSWD TULOY-TULOY RELIEF OPS SA MGA BIKTIMA NG CEBU QUAKE

TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 24/7 ang kanilang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.9 lindol sa Cebu noong Setyembre 30. Ayon kay Asst. Sec. Irene Dumlao, tagapagsalita ng DSWD, naka-full force ang mga “Angels in Red Vests” ng Field Office 7 sa pagbibigay ng maiinit na pagkain mula sa mobile kitchen at malinis na inumin gamit ang water tanker at filtration truck sa Bogo City. Naka-istasyon din ang mobile command center sa lugar upang mapabilis ang komunikasyon at pagtugon, lalo’t limitado…

Read More

PNP MAGPAPADALA NG ENGINEERS PARA SA NASIRANG POLICE STATIONS SA CEBU

MAGPAPADALA ng civil engineers ang Philippine National Police (PNP) para suriin ang pinsalang tinamo ng mga himpilan ng pulisya sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol. Ayon kay PNP Community Affairs Division Chief Col. Esmeraldo Osia Jr., makikipagtulungan ang mga PNP engineers sa mga eksperto mula sa Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Cebu Chapter. Layon ng assessment na malaman kung ligtas pang gamitin ang mga gusali at kung anong hakbang ang dapat gawin para sa rehabilitasyon. Sinabi ni Osia na 34 na police stations at dalawang headquarters ang…

Read More

CEBU MULING NIYANIG; MAGNITUDE 5.1 EARTHQUAKE NAITALA

MULING nabalot ng pangamba ang maraming residente ng Bogo City nang muling yanigin ng magnitude 5.1 earthquake ang northern part ng Cebu nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ipinararating din sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, isang tectonic quake ang tumama sa hilagang silangan ng Bogo City bandang alas-5:39 ng umaga. Nilinaw ng state seismic bureau na ang lindol na naitala na nasa lalim na 10 kilometro, ay aftershock lamang ng nangyaring magnitude 6.9 earthquake noong Setyembre 30,…

Read More

REGIONAL DRUG TARGET NADAKIP NG PDEA

ANGELES CITY – Nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang 28-anyos na lalaking kabilang sa listahan ng regional drug target personalities, sa isinagawang anti-narcotics operation noong Huwebes ng hapon sa Barangay Pulung Maragul sa lungsod. Ayon sa ulat na isinumite ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pampanga Office, kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nadakip sa inilatag na buy-bust operation ang isang alyas “Josh”, 28-taong gulang, residente ng Barangay Bulaon, City sa San Fernando, Pampanga. Sinasabing kabilang si Josh sa talaan ng regional targets for…

Read More

LA SALLE BOTANICAL GARDENS BINUKSAN SA PAMPANGA

NASA larawan sina: (mula kaliwa pakanan) Arch. Vic Dulloog, Josemari Calleja, Anthony Fernandez, Atty. Isabel Tolosa-Datu, Br. Felipe Belleza Jr. FSC – Presidente, LSBG Inc., Rozanno Rufino, Rainerio Borja, Br. Iñigo Riola FSC – Chairman, LSBG Inc., Kirtida Mekani, Carlo Leonio – Nuevocentro Director & Leonio Land Construction President, Jennylle Tupaz – Ayala Land VP, Br. Raymundo Suplido FSC – President, DLSU Science Foundation Inc., Clarissa Teresita Leonio Asuncion – NCI Chairman, Christopher Maglanoc – Ayala Land Estates President & Nuevocentro Director, at Jorge Buenaventura. (Larawan ni ELOISA SILVERIO) PINANGUNAHAN…

Read More

2 TULAK TIMBOG SA P.8-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa 130 gramo ng hinihinalang shabu o katumbas ng P884,680 halaga ang nasamsam sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation at pagkaaresto sa dalawang high value individual (HVI) sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat. bandang alas-5:30 ng hapon nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas Component City Police Station sa Excess Lot, Phase 4, Barangay Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Inday”. Nakuha kay Inday ang tinatayang 80.10 gramo ng shabu na may standard drug…

Read More

Na-trauma sa sunod-sunod na aftershock 20,000 KATAO HINDI PA MAKABALIK SA KANILANG BAHAY

LUBHA umanong na-trauma o inabot ng matinding nerbyos ang maraming residente bunsod ng naramdamang lakas ng magnitude 6.9 earthquake na tumama sa Northern Cebu kaya marami pa rin ang natatakot sa tuwing nakararamdam ng aftershocks, dahilan para hindi muna magsipagbalikan sa kanilang mga bahay. Ayon kay Office of Civil Defense spokesperson Junie Castillo, bunsod ng nararanasang aftershocks, nanatiling takot ang pumipigil sa maraming residente na umuwi na sa kanilang mga bahay. Nabatid na umabot sa 20,000 pang mga residente ang nananatili sa mga tent na nasa open spaces na nagsilbing…

Read More

Kasunod ng lindol sa Cebu DOLE UMAPELA NG MALASAKIT SA EMPLOYERS

UMAPELA ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga employer at kumpanya, na maging maunawain sa kanilang mga manggagawa na naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu. Ang pakiusap ng ahensya ay kasunod ng napaulat na umano’y labor violations ng ilang BPO companies sa Cebu na pinilit pa rin ang mga empleyado na agad bumalik sa trabaho matapos ang malakas na lindol. Binigyang-diin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, hindi dapat ituring na pagtanggi o pagsuway ang hindi pagpasok sa trabaho ng mga manggagawa na maaaring patawan ng…

Read More

DEATH TOLL SA CEBU QUAKE: 72

UMAABOT na sa 72 ang kumpirmadong nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa northern Cebu nitong Martes ng gabi. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 294 naman ang naiulat na nasugatan. Sa datos, 30 ang nasawi sa Bogo City; 22 sa San Remigio; 12 sa Medellin; 5 – Tabogon; 1 – Sogod; 1 – Tabuelan at isa sa Borbon. Sa Bogo City, personal na tumungo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at inatasan ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng AFP, PNP, PCG, at…

Read More