DISTRICTING LAW BIGONG IPASA NG BTA

NABIGO ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na maipasa ang districting law noong Nobyembre 30 na deadline nito ngunit nangako nitong Lunes na kukumpletuhin ang batas na mahalaga sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bago matapos ang taon. Sa isang pahayag, sinabi ni BTA Parliament Floor Leader at tagapagsalita na si Atty. Jet Lim, ang katayuan ng batas sa pagdidistrito ng BARMM, na nagsasabing ang parliament ay “nagtatrabaho nang may kasipagan, transparency, at malawak na partisipasyon ng publiko upang maisabatas ang batas sa pagdidistrito.” Napansin…

Read More

NAGPAKILALANG POLICE MAJOR, HULI SA ENTRAPMENT

BACOLOD CITY — Arestado ang isang lalaki na nagpapakilalang opisyal ng pulisya at umano’y sangkot sa serye ng robbery-extortion matapos mahuli sa isang entrapment operation sa labas ng isang hotel sa Barangay Singcang-Airport, Bacolod City, kamakailan. Kinilala ang suspek na si alyas “John,” na nagpapakilala rin bilang “Police Major Calsado,” 38-anyos, at residente ng Koronadal City, South Cotabato. Ayon sa Bacolod City Police Office (BCPO), nadakip ang suspek ng mga operatiba ng City Intelligence Unit at Police Station 8 dakong 12:45 p.m. nitong Sabado. Nauna siyang inireklamo matapos umano siyang…

Read More

3 ARESTADO SA MGA ARMAS AT PAMPASABOG

BULACAN – Nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang malaking cache ng baril, pampasabog, at tactical equipment, ilang oras lamang matapos ang robbery with attempted homicide incident sa Brgy. Liciada, sa bayan ng Bustos sa lalawigan noong Nobyembre 29, 2025, sa isinagawang follow-up operation na umabot sa Metro Manila. Nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang makarinig ng maraming putok ng baril ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at nagmadaling pumunta sa pinangyarihan. Nadiskubre nilang nakadapa ang biktima na may mga tama…

Read More

P2.7-M CASH, ALAHAS NG ONLINE SELLER TINANGAY NG BUYER

CAVITE – Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Cavite Land Transportation Office (LTO) hinggil sa nagmamay-ari ng isang Mitsubishi Xpander na may plakang CBA 4353, na ginamit na sasakyan ng limang suspek na tumangay ng mahigit P2.7 milyong halaga ng cash at mga alahas mula sa bahay ng isang online seller sa Bacoor City noong Sabado ng hapon. Inilarawan ang mga suspek na pawang nakasuot ng itim na pantalon at shirt, armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril, at isa sa kanila ay may tattoo sa mukha, at sakay ng isang…

Read More

INAWAY NG NOBYONG PULIS, POLICEWOMAN NAGBIGTI

WINAKASAN ng isang babaeng pulis ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa banyo ng kanilang bahay noong Huwebes. Ang biktima na isang 25-anyos na policewoman ay nakatalaga sa District Mobile Force Battalion ng Quezon City Police District (QCPD). Ayon sa ulat, nagtalo ang magkasintahan noong Huwebes ng hapon sa Barangay Krus na Ligas sa Lungsod ng Quezon hanggang sa naghamon ang babaeng pulis na makipaghiwalay. Upang hindi na lumala ang kanilang pag-aaway, umalis ng kanilang bahay ang lalaking pulis at nang bumalik dakong alas-2:10 ng hapon ay nakita nitong…

Read More

Sa pagtataguyod ng proteksyon ng mga bata 8 LUNGSOD, 10 BAYAN SA CAVITE TUMANGGAP PARANGAL

CAVITE – Walong lungsod at sampung munisipalidad sa lalawigan ang ginawaran ng 2025 Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG) bilang pagkilala sa kanilang matatag na pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod sa kapakanan, proteksyon, at karapatan ng mga bata. Kabilang sa walong kinilalang City LGU sa Cavite ay ang Bacoor City, Dasmariñas City, Imus City, General Trias City, Cavite City, Tagaytay City, Trece Martires City, at Carmona City, habang ang 10 munisipalidad naman ay kinabibilangan ng Rosario, Kawit, Noveleta, Tanza, General Mariano Alvarez, Silang, Amadeo, Alfonso, Indang, at Magallanes. Iginagawad kada…

Read More

ISA PANG BANGKAY NATAGPUAN SA CAVITE

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police kung may kaugnayan sa unang natagpuang bangkay ng isang lalaki, may 500 metro ang layo, sa isa pang natagpuang bangkay sa Gen. Trias City, Cavite noong Huwebes ng umaga. Inilarawan ang biktima na nakasuot ng itim na t-shirt, itim na short, may taas na 5″5 at nabalutan ng garbage bag ang ulo habang nakagapos naman ng alambre ang mga paa at kamay. Ayon sa guwardiya na si Noora Diego Babagay, nagsasagawa siya ng roving inspection sa Riverpark, Advincula Road, Brgy. Pascam 1,…

Read More

‘Save our market, save our identity!’ TUTOL SA RENOBASYON NG BAGUIO PUBLIC MARKET DUMARAMI

BAGUIO CITY – Dumarami ang boses ng pagtutol kontra sa nakatakdang renobasyon ng public market ng lungsod sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) kasama ang SM Prime Holdings. Sa panayam ng SAKSI Ngayon, iginiit ni Heather Pulido, nangunguna sa Save Baguio City Public Market initiative, na hindi sila laban sa modernisasyon, kundi sa posibilidad ng “mallification” kapag SM ang hahawak sa proyekto. Aniya, kapag natuloy ang PPP deal, ang higit na makikinabang ay ang mall giant na SM at hindi ang lokal na vendors o mga mamimili, turista man o…

Read More

11 NASAWI SA ROAD MISHAP, MAY PAGKAKAKILANLAN NA

MAY hawak nang pagkakakilanlan ang PNP Police Regional Office 5 sa labing-isang nasawi kabilang ang isang kagawad ng Philippine Navy, sa malagim na aksidente sa lansangan matapos na araruhin ng truck ang isang UV Express na may sakay na 14 na katao sa bypass road ng Camalig, Albay noong Miyerkoles. Ayon kay PMaj. Karlo Dy, hepe ng Camalig Municipal Police Station, sa kanyang ulat sa Albay PPO, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng apat na lalaki at pitong babae na pawang sakay ng UV Express, kabilang na ang driver nito.…

Read More