NASA ilalim ng Public Health Emergency (PHE) ang National Capital Region kaya’t minabuti ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na kanselahin na ang high school tournaments nito. Kaugnay ng PHE, nagsimulang ipatupad ang ‘social distancing’ kahapon (Marso 15) at magtatagal hanggang Abril 14, 2020, kung saan ipinagbabawal ang pagtitipon ng mga tao, kasama na rito ang “sporting events and other entertainment activities.” Suspendido rin ang lahat ng antas ng klase hanggang Abril 14, 2020, ayon naman sa Department of Education. Apektado ng suspensyon ng klase ang academic calendar…
Read MoreCategory: SPORTS
IBF super-flyweight bout: ANCAJAS vs RODRIGUEZ MATUTULOY SA ABRIL
TULOY ang laban ni Jerwin Ancajas sa US sa April 11, kaya’t hindi siya nagpapaawat sa training kahit pa may coronavirus scare. Nakataya ang International Boxing Federation (IBF) super-flyweight title ni Ancajas sa laban niya kontra Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa Cosmopolitan Resort & Casino sa Las Vegas. “Tuloy daw po ang laban,” ito ang pagtitiyak ng trainer ni Ancajas na si Joven Jimenez. “March 20 kami aalis,” dagdag ni Jimenez. Sinegundahan naman ni MP Promotions president Sean Gibbons ang pahayag ni Jimenez. “All good so far.” Ang naturang…
Read MorePara iwas-COVID-19 ABL, FIBA KINANSELA
DAHIL pa rin sa coronavirus disease 2019 o COVID-19, sinuspinde na ang Asean Basketball League (ABL) at maging ang Fédération Internationale de Basketball (FIBA). Naging “unanimous” o nagkaisa ang mga miyembrong koponan ng ABL na itigil na muna ang mga laro para na rin sa kapakanan ng lahat sa gitna ng lumalalang problema sa coronavirus sa buong mundo. “With the safety of our teams and fans in mind, the league has followed every protocol, obeyed travel restrictions, and erred on the side of caution at every step to protect everyone…
Read MoreCLARKSON, NBA SA GITNA NG COVID-19
MATAPOS pumutok ang balitang nag-positibo sa coronavirus sina Utah Jazz players Rudy Gobert at Donovan Mitchell at ang tuluyang pagkansela ni NBA sa mga laro, nagpaabot ng pag-aalala ang fans ni Fil-American Jordan Clarkson hinggil sa kalagayan nito. Nag-post si Jordan sa social media account (Twitter) upang mapawi ang pag-aalala ng kanyang fans, kung saan sinabi nitong ‘healthy’ siya matapos mag-negatibo sa coronavirus test. “Thank you for all the love and prayers sent my way! I have been tested and I am good,” lahad ni Clarkson sa Twitter. “Wild 24…
Read More4 KABATAAN PINARANGALANG JUNIOR ATHLETE OF THE YEAR
NAGING misyon na ng Milo na bigyang parangal ang mga kabataang atletang nagtatagumpay sa kani-kanilang larangan. At sa taong 2019, apat ang napili nilang mapasama sa Junior Athlete of the Year. Sa ginanap kamakailan na Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards, kinilala ng Milo ang apat na outstanding athletes na sina tennis superstar Alexandra “Alex” Eala, chess prodigy Daniel Quizon, ace swimmer Miguel Barreto, at gymnast extraordinaire Daniela Dela Pisa. Pinagkalooban nina Nestlé Philippines Vice President Veronica Cruz at Milo Sports Marketing Manager Lester P. Castillo ng award sina Eala, Quizon,…
Read More‘RESTRICTED ACCESS’ SA RMSC, PHILSPORTS
NAGDESISYON ang Philippine Sports Commission (PSC) na ilagay sa “restricte access” ang Rizal Memorial Sports Complex (Manila) at Philsports Complex (Pasig) upang masiguro ang kaligtasan ng mga atleta, mga empleyado at pati ng publiko, isang araw bago isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa “community quarantine.” “We have to be pro-active in this situation and take these hard decisions for the safety of our athletes and employees,” paliwanag ni PSC Chairman William Ramirez. Ang pagtaas sa alert level 2 ng bansa, kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga…
Read MoreCANCEL 2020–JAMES, CURRY
PARA kina NBA superstars LeBron James at Stephen Curry madilim ang naging pasok ng 2020. Na matapos ang tragic death ni Kobe Bryant, sinundan ito ng season shut down bunga ng pag-atake ng COVID-19. Nitong Huwebes (Manila time) nagdesisyon ang NBA na itigil muna ang season kasunod ng pag-positibo ng dalawang manlalaro nito sa virus. Bago ang coronavirus outbreak, magkasunod na kamatayan ang bumalot sa liga. Una’y ang pagkamatay ni former NBA commissioner David Stern (Enero 1, 2020) at Bryant at anak na si Gianna at pitong iba pa sa…
Read MoreMPBL LAKAN SEASON MAKATI, DAVOC HUMIRIT NG DECIDER
KAPWA humirit ng Game Three ang top seed Davao Occidental Tigers at Makati Super Crunch matapos umiskor ng magkahiwalay na panalo kamakalawa sa 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season Division Finals. Hiniya ng Tigers ang host at third-ranked Basilan Steel, 81-76, sa Lamitan City Gym sa Basilan, habang ang Super Crunch ay nagtala ng 91-88 win laban sa San Juan Knights sa Filoil Flying V Center sa San Juan. Ang Game Three ay nakatakda sa Sabado. Tabla sa 74-74 matapos ang basket ni Allyn Bulanadi sa huling 1:33 sa laro, humirit…
Read MoreCERES-NEGROS WAGI KONTRA BALI UNITED
WALA man ang inaasahang hometown crowd, nagpakitang-gilas pa rin pa rin Filipino football club Ceres-Negros FC at tinalo ang nakalabang Indonesia’s Bali United FC, 4-0, sa 2020 AFC Cup, Miyerkoles ng gabi. Sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas, nagdesisyon pa rin ang AFC na ituloy ang laban sa pagitan ng dalawang teams sa Rizal Memorial Football Stadium nang walang mga manonood. Ngunit sa halip panghinaan ng loob, lalo pang ibinuhos ng Group G leader Ceres-Negros ang lahat ng kanilang makakaya upang sumipa ng panalo sa naturang torneo.…
Read More