THRILLA 1: PAANO NAGSIMULA ANG AWAY NINA ALI AT FRAZIER?

SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA “YOU gotta have a butterfly net to catch me … It’s gonna be a chilla, and a thrilla, when I get the Gorilla in Manila.” Ito ang mga linyang namutawi sa bibig ni Muhammad Ali na pormal na nagbigay buhay sa “Thrilla In Manila,” ang laban niya kay Joe Frazier para sa pandaigdig na kampeonato sa heavyweight. Binitiwan ni Ali ang mga salitang ito noong ika-17 ng Hulyo taong 1975 sa New York City, sa press conference kung saan ipinahayag ang paghaharap ng dalawa sa Maynila…

Read More

ALAS SINIBAK NG PHOENIX

NAGDESISYON ang Phoenix Super LPG Fulemasters na putulin na ang serbisyo ng kanilang head coach na si Louie Alas. Ang associate ni Alas na si Topex Robinson ang hahalili sa kanya “on interim basis,” ayon sa management. “We believe in Topex’s capacity to lead this team and we look forward to the Fuelmasters resurgence as one of the league’s exciting contenders,” press statement ng Phoenix. Walang binanggit na dahilan ang Fuelmasters kung bakit sinibak si Alas na kamakailan lang ay pinatawan ng 15-suspension ng PBA dahil sa maagang team practice…

Read More

AYO, MANANAGOT SA SORSOGON BUBBLE

Ni ANN ENCARNACION HINDI pa rin ligtas si UST men’s basketball team coach Aldin Ayo sa anumang kaparusahan na maaaring ipataw sa kanya ng sports body na dumidinig sa paglabag sa quarantine protocols ng pinangunahan niyang Sorsogon bubble. Ito ay kahit pa nagbitiw na siya bilang coach ng Growling Tigers Huwebes (September 3) ng gabi. “Aldin Ayo has tendered his resignation to UST. It is expected he’ll receive either a suspension or a ban from the UAAP,” ayon sa post ng PBA Insider. Ganito rin ang palagay ng iba’t ibang…

Read More

PH SPORTS SA PANAHON NI PANGULONG MARCOS

(Ni EDDIE ALINEA) SA Setyembre 11 ay gugunitain ng bansa ang ika-103 kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Asahan ang buong kumunidad ng palakasan ay lalahok sa paggunita ng napakaimportanteng araw na ito. Si Marcos ang pinakamahabang ­naglingkod bilang punong ehekutibo ng Pilipinas sa loob ng 21 taon, simula 1965 hanggang 1986. Ang huling siyam na taon ay sa ilalim ng Martial Law o Batas Militar. Ngunit bago naging Pangulo ang dakilang Ilokanong si Marcos, naging mambabatas muna siya. Sa larangan ng sports, siya lamang ang naging Pangulo na nakagpatupad ng…

Read More

WRESTLER NALUNOD

NATAGPUAN na ang katawan ng nawawalang wrestler mula sa World Wrestling Entertainment (WWE) na naunang ini-report na nawawala dahil sa malakas na alon. Huling nakita si Shad Gaspard, na kilala sa WWE na bahagi ng tag-team na Cryme Time kasama si JTG, na lumalangoy sa Venice Beach sa Los Angeles. Natagpuan ang labi niya sa dalampasigan. Sinabi ng mga lifeguard na si Gaspard, 39, ay tinangay ng malalakas na alon. Sinagip niya ang 10-taong gulang na anak noon at sinabihan ang rescuers na unahin ang kanyang anak. Nang balikan siya…

Read More

Euro, Americas at final boxing Olympic qualifiers NABIKTIMA NG COVID-19

KANSELADO na ang European, Americas at final world qualifying boxing tournaments para sa Tokyo Olympic Games dahil sa coronavirus outbreak sa buong mundo. Ito ang napagdesisyunan ng International Olympic Committee (IOC), sa pamamagitan ng Boxing Task Force (BTF) nito na siyang namamahala sa mga narurang events matapos ang  suspensyon ng world body AIBA noong nakaraang taon, makaraang mag-lockdown ang maraming bansa dahil sa Covid-19. Bagamat hindi pa nagsisimula ang Americas at final world tournaments, nasa third day competition na ang 10-day European event sa London’s Copper Box nang bigla itong…

Read More

EXTRA ELIGIBILITY YR SA SENIOR ATHLETES Kapag tuluyang kinansela ang NCAA 95

NAKATAKDANG pagkalooban ng ‘extra year of eligibility’ ang senior o graduating athletes na kalahok sa mga hindi matatapos na sports events sa sandaling tuluyang makansela ang NCAA Season 95. Sa pamamagitan ni league’s Management Committee (ManCom) chairman Peter Cayco ng host school Arellano, nagsumite sila ng rekomendasyon sa Policy Board na kanselahin na ang nalalabing season ng liga. Kung mangyayari ito, ang mga senior athletes na walang problema ay daragdagan ng isang taon ang eligibility status. “If it’s your final year, you still have one more year to play. Pero…

Read More

PILIPINAS 3X3, WORLD TOUR MANILA MASTERS KINANSEL

NAGDESISYON ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 at International Basketball Federation (FIBA) na i-postpone ang 2020 President’s Cup. Kanselado na rin ang World Tour Manila Masters dahil pa rin sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. “We have decided to move the opening of our first conference to a later date because of the on-going COVID-19 pandemic,” sabi ni Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas. “As Filipinos, the health and safety of our players, officials, staff, and, most importantly, our fans are the most important thing to us,” dagdag niya. Ang anim na…

Read More

Para iwas-coronavirus, NO TO SPITTING IN PUBLIC—PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

UPANG maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o Covid-19, ipinanukala ni eight-division world boxing champion Manny Pacquaio ang pagdura sa kung saan-saan lang. Sinabi ni Pacquiao, ang kanyang Senate Bill No. 1406 o “Anti-Spitting Act of 2020” ay naglalayong pigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naapektuhan ng coronavirus. Sa panukalang batas ng Fighting Senator, ang mga mahuhuling dumudura sa mga pampublikong lugar ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P50,000 at ilan buwang pagkakulong. “Considering the gravity of the situation, there is an urgent need to institute a…

Read More