PARKS ‘IN’ SA TNT, ‘OUT’ SA GILAS

PINAPIRMA na ng one-year extension contract ng TNT KaTropa si Ray Parks Jr. Dahil dito, isama pa ang pagkuha kay big man Poy Erram, ay kumpleto na ang KaTropa, ayon kay active team consultant Mark Dickel. Ang 26-anyos na si Parks ay may average na 18.8 points, 6.3 rebounds, 3.5 assists at 1.4 steals noong naglalaro pa siya para sa Blackwater Elite. Ngunit mula sa 39 percent shooting ay bumaba ito sa 37. 6% o 12.2 points sa siyam na beses na paglalaro niya sa TNT. Samantala, malabo nang mapasama…

Read More

ERRAM, KATROPA NA

MAHIGIT dalawang linggo bago ang pagsisimula ng 45th PBA, tuloy pa rin ang adjustment na ginagawa ng iba’t ibang koponan bilang paghahanda sa All-Filipino Cup. Pinakabagong kaganapan ay ang pag-trade ng NLEX Road Warriors sa kanilang star center na si Poy Erram at future first-round pick sa TNT. Kasali rin sa  three-team trade ang Blackwater Elite. Sa deal na isinumite na sa PBA office at naghihintay na lang ng approval, ipadadala ng TNT si Marion Magat at first-round pick sa Blackwater kapalit ng future first-rounder. Ang future first-round pick ng…

Read More

FIBA Asia Cup qualifier: PILIPINAS vs INDONESIA, TULOY!

IPINAG-UTOS ng International Basketball Federation (FIBA) sa Indonesia na ituloy ang pagho-host sa opening window ng Asia Cup qualifiers, kabilang na rito ang nakatakdang laro kontra Gilas Pilipinas sa Pebrero 23. Ito ang naging tugon ng FIBA sa kahilingan ng Indonesian Basketball Association (IBA) na i-postpone at i-reschedule ang dalawang qualifying games na iho-host ng naturang bansa, Peb. 20 kontra South Korea at Peb. 23 laban sa Pilipinas, dahil sa pangamba sa worldwide outbreak ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Iginiit ni FIBA Executive Director for Asia Hagop Khajirian sa kanyang…

Read More

SCHROCK, PAGDANGANAN MAY AWARD DIN SA PSA

DALAWA pang outstanding Filipino athletes sa katauhan nina Stephan Schrock at Bianca Pagdanganan ang tatanggap ng special awards mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA). Si Schrock ay pagkakalooban ng Mr/ Football award, habang si Pagdanganan ang unang tatanggap ng Ms. Golf title sa gaganaping SMC-PSA gala night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Ang 33-anyos na si Schrock at si Pagdanganan, 22, ay makasama nina Ms. at Mr. Basketball Jack Animam at Thirdy Ravena at Ms. at Mr. Volleyball Sisi ROndina at Bryan Bagunas at ni Coach…

Read More

LASSITER MAGLALARO NANG NAKA-MASKARA

NANGAKO si Marcio Lassiter na maglalaro siya sa 45th PBA opening game ng San Miguel Beer kontra Magnolia sa Marso 8. Ayon kay Lassiter, nasiko kaya’t nagka-fractured nose sa tuneup game ng SMB kontra Rain or Shine noong nakaraang linggo, handa siyang maglaro sa pagbubukas ng PBA All-Filipino tournament kahit pa naka-protected mask siya. Target ng Beermen na masungkit ang sixth straight Philippine Cup title ngayong taon. Ito ay sa kabila ng sunod-sunod na dagok na dumating sa Beermen kabilang na ang injury ng kanilang superstar at five-time season MVP…

Read More

KAWHI LEONARD, 1ST KOBE BRYANT MVP

TINANGGAP ni Kawhi Leonard ang kauna-unahang Kobe Bryant MVP award matapos pangunahan ang Team LeBron kontra Team Giannis, 157-155, sa NBA All-Star Games Linggo ng gabi (Lunes, Manila time). Umiskor si Leonard ng 30 points, kabilang ang walong 3-pointers, upang maging runaway winner sa naturang parangal kung saan nakakuha siya ng pitong boto. Ang pumangalawa sa kanyang si Lebron James ay mayroon lamang tatlong boto habang tig-isa sina Anthony Davis at Chris Paul. Naging emosyunal naman ang Los Angeles Clippers star nang iabot sa kanya ang MVP trophy na ipinangalan…

Read More

ALASKA DINAIG ANG PHOENIX

TINALO ng Alaska ang Phoenix Pulse, 98-87, sa PBA pocket tournament kahapon. Kumamada si Vic Manuel ng 25 points, habang nagambag si Mike DiGregorio ng 13 para sa Aces. “It’s nice because you get a feel of the style of Phoenix. We know that they are going to pressure a lot and it’s clear that their guards are really all over the place in regards to putting pressure and applying pressure, making it difficult for you,” sabi ni Alaska coach Jeff Cariaso. Nanguna naman para sa Fuel Masters si Jason…

Read More

UE, HARI SA UAAP 82 FENCING

HINDI natinag sa trono ang University of the East sa men’s division sa ikawalong sunod na taon, habang nabawi naman ng women’s team ang korona nito. Hindi rin nagpahuli ang junior teams nang manatiling kampeon sa pagtatapos ng UAAP Season 82 Fencing tournament sa Paco Arena. Ang Red Warriors ay nanaig kontra Ateneo, 45-42 sa men’s team foil finals para kumpletuhin ang five-gold, one-silver medal haul tungo sa kanilang 14th title overall. Iiwan ni Sammuel Tranquilan ang UE bilang winner sa paghablot ng kanyang ikatlong sunod na MVP award. Bagama’t…

Read More

KOBE BRYANT PASOK SA 2020; BASKETBALL HALL OF FAME

ISA si five-time NBA champion Kobe Bryant sa walong finalist na kabilang sa 2020 Basketball Hall of Fame inductees. Si Kobe, 41, nasawi noong nakaraang buwan nang bumagsak ang helicopter na sinasakyan kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa, ay halos tiyak nang mapapabilang sa hanay ng mga batikang sports personalities sa honor shrine sa Springfield, Massachusetts. Nakatakdang ihayag ang Hall of Fame inductees sa Abril 4 sa Atlanta sa US college ‘Fina Four’ kung saan 18 sa 24 vites mula sa Honors Committee ang kinakailangang lumahok…

Read More