NAG-INIT ang Team USA sa second half at ibinaon ang 151-131 win laban sa Team World sa Rising Stars game, Sabado (Manila time) sa pagsisimula ng All-Star Weekend sa United Center sa Chicago. Pinangunahan ni Golden State Warriors’ Eric Paschall ang Team USA. Siya ay may 23 points habang si New York Knicks’ RJ Barrett ay may game-high 27 points naman para sa Team World. Iniwanan ng Team USA ang kalaban sa fourth period, kung saan hinayaan nilang magpalabas si forward Zion Williamson sa pamamagitan ng serye ng dunks. Tumapos…
Read MoreCategory: SPORTS
FIVB: GUSOT SA PHL VOLLEYBALL RESOLBAHIN
IGINIIT ng International Volleyball Federation (FIVB) na kailangan nang maplantsa ang gusot sa Philippine volleyball. Kaugnay nito, sumulat si FIVB general director Fabio Azevedo kay Sports Vision president Ricky Palou, organizer ng Premier Volleyball League, na nagpapahayag ng intensyon nito na resolbahin ang matagal nang suliranin sa naturang isport sa bansa. “The FIVB would like to emphasize that it shares the concerns of volleyball stakeholders in the Philippines regarding the current state of the national volleyball federation there,” sabi ni Azevedo sa sulat niya kay Palou noong Disyembre. “The FIVB…
Read More‘RED CARPET’ KAY TADURAN
KATULAD ni eight-division world champion Manny Pacquiao, natikman din ng sumisikat na si Pedro Taduran Jr, ang ‘red carpet welcome’ sa opisina ng Games and Amusement Board (GAB) sa Makati City. Walang alingasngas ang pagbabalik-bayan ng 23-anyos na pambato ng Libon, Albay ngunit siniguro ni GAB Chairman Abraham “Baham” Mitra, kasama sina Commissioner Ed Trinidad, Mar Masanguid at mga empleyado ng pro boxing agency, na matitikman ng Pinoy champion ang hero’s welcome. “Masayang-masaya po ako. Hindi ko akalain na bibigyan ako ng ganitong programa ng GAB,” wika ni Taduran. “Umasa…
Read MoreMagdamagang MPBL Lakan All-Star: SOUTH WAGI vs NORTH
SINIMULAN ng Huwebes ng gabi at natapos ng Biyernes ng madaling araw ang Chooks-to-Go MPBL Lakan Season All-Star Extravaganza sa MOA Arena, kung saan nagtala ang South ng 126-122 overtime win kontra North team. Si Batangas City Athletics guard Jeff Viernes ay kumamada ng pitong puntos, kasama ang huling apat para pangunahang muli ang Southerners laban sa Northerners, na kanila ring tinalo noong nakaraang taon, 109-84. Tinapos ni Viernes ang laro na may 28 points, six rebounds, six assists at two steals para hiranging MVP na may kaakibat na P50,000.…
Read MoreBINIBINING MARATHONER PAPARADA
BILANG paggunita sa Women’s Month, magkakaroon ng Binibining Marathoner 2020 sa MOA ground sa Marso 15. Ang Bb. Marathoner ay bukas sa mga babae at may pusong babae, ayon sa Cribs Foundation. Maliban sa 42.195-km marathon, mayroon ding 21-km, 10-km, 5-km, at 3-km Munting Bb. Marathoner para naman sa mga kabataang makikilahok sa event. May temang New Beginnings ngayong taon ang programa ng Cribs, na patuloy na tumutulong sa mga inabusong kabataang babae. At dahil Marso ay Buwan ng Kababaihan, nais ng Cribs na palakasin ang papel ng mga Piinay sa…
Read MorePagkansela sa Fiba Asia qualifier PABOR SA GILAS–DICKEL
NANGHIHINAYANG si Gilas Pilipinas interim head coach Mark Dickel sa pansamantalang pagkansela sa Fiba Asia Cup 2021 qualifying game kontra Thailand na nakatakda sana sa Pebrero 20. Ngunit gagamitin umano nila ang pagkakataon upang mas makapagprepara para sa naturang game. Ang mas importante, ayon kay Dickel: “Whenever the dates are, we will be more prepared.” Ipinagpaliban ng Federation International Basketball Association (FIBA) ang unang tatlong laro ng Asia Cup Qualifiers bunga pa rin ng coronavirus outbreak. Inihayag ng FIBA ang desisyon sa official twitter account nito. “Due to the current…
Read MorePACQUIAO vs MCGREGOR TULOY NA
LALONG iinit ang balitang pagsasagupa nina eight-division champion at current WBA welterweight king Manny Pacquiao at MMA fighter Conor McGregor. Ito’y matapos ihayag ang paglagda ng kontrata ni Pacquiao sa Paradigm Sports Managament, para kumatawan sa Filipino champion sa nalalabing taon ng kanyang karera. “I am proud to partner with Paradigm Sports Management and am excited for the opportunities that Audie Attar and PSM have to offer,” pahayag ni Pacquiao. “One thing I want everyone to remember is to always think positively. Never think negatively; that is the beginning of…
Read More2020 AFC Cup CAMBODIA PINADAPA NG CERES-NEGROS
BLINANGKO ng Ceres-Negros FC ang Preah Khan Reach Svay Rieng FC ng Cambodia, 4-0, Martes ng gabi sa pagsisimula ng 2020 AFC Cup sa Rizal Memorial Football Stadium. Sa harap ng mahigit 4,000 fans na sumaksi sa laban, sumipa si Bienvenido Marañon ng two goals sa 55th at 70th minutes para ihatag sa Busmen ang opening win. Unang umiskor para sa Ceres si Takashi Odawara sa 12th minute mula sa pasa ni OK Porteria, na sinundan ng goal ni Joshua Grommen makalipas ang dalawang minute buhat naman sa cross pass…
Read MoreBINANGONAN VS PARANAQUE SA CBA TITLE?
SINORPRESA ng Binangonan ang defending champion San Juan, 85-79, habang giniba ng Parañaque ang Palayan City, 94-75, para sa inaasahang title showdown ng dalawang teams sa Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Executive Cup basketball tournament sa Binangonan Recreation Center. Ikinasa nina Felipe Chavez, John Paul Pineda, JL De los Santos at Marwin Dionisio ang lakas ng tropa kung saan ay hinadlangan ng Challengers ang Knights sa mahigpit at kapana-panabik na bakbakan upang maitakas ang panalo. Nagsalansan si Chavez ng 20 puntos at 9 rebounds habang nag-ambag din si Pineda ng…
Read More