NASUNGKIT ni John Chicano ang unang gold sa Southeast Asian Games men’s triathlon sa Subic, Linggo. Runner-up naman ang kababayan na si Kim Remolino. Isa na naman itong 1-2 finish para sa Pilipinas sa event na inaasahang madodomina ng manlalarong Pinoy. Nagpakitang gilas na ang mga Pinoy sa 2017 Games sa Kuala Lumpur at ang pinakahuling panalo ay nagpapatunay sa upuan bilang pinakamagaling sa sport sa rehiyon. Si Chicano ay silver medalist dalawang taon na ang nakararaan kay Nikko Huelgas. Samantala, si Kim Mangrobang at Kim Kilgroe ay sasabak sa…
Read MoreCategory: SPORTS
DAHIL KAY CALOY YULO, GYMNASTICS DUDUMUGIN
(NI VT ROMANO) INAASAHANG dudumugin ang bagong bihis na Rizal Memorial Coliseum, upang saksihan ang pagsabak ni world champion Carlos Edriel Yulo sa 30th SEA Games gymnastics competition simula ngayon. Sasalang ang 19-anyos na si Yulo sa pitong events ng biennial meet, kung saan siya ay paborito sa floor exercise event, matapos na maging kauna-unahang Filipino na nagwagi ng gold medal sa World Championship kamakailan sa Stuttgart, Germany. Ang panalo ni Yulo sa Germany ay nagbigay sa kanya ng tiket para makalahok sa Tokyo Olympics sa 2020. Sa unang araw…
Read MoreOKASYON PARA SA MGA ATLETA
SORPRESA raw ang mga magaganap sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Hindi gaya noong Sabado at Linggo hanggang araw ng Lunes, medyo hu-mupa na ang mga batikos sa hosting ng bansa sa biennial meet. Dapat naman. Dahil ang okasyong ito ay hindi para sa mga politiko ng Pilipinas, hindi rin para sa mga opisyal ng Philippine sports. Ito ay para sa mga atletang Filipino na naghanda at puspusang nagsanay upang makapagbigay ng karangalan sa ating bansa. This is their moment!…
Read MoreTEAM PILIPINAS AGAD SASABAK SA GAMES
(NI ANN ENCARNACION) AGAD mapapalaban ang Team Pilipinas sa iba’t-ibang sports sa unang araw ng kompetisyon, isang araw matapos ang mala-Olympics na opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games sa Philippine Arena sa Bocause, Bulacan. Ganap na ala-7 ng gabi magsisimula ang SEA Games opening ceremonies kung saan inaasahan ang pasabog na performance ng international award-winner na si Apl de Ap at iba pang de-kalibreng entertainers, bukod sa parada ng mga delegado mula sa kasaling 11 bansa kabilang ang host Pilipinas. Dadalo rin ang Filipino Sports Heroes na sina Lydia…
Read MoreSEAG OPENING CEREMONIES IINDYANIN NG GILAS
(NI VT ROMANO) SA halip na makilahok sa opening ceremonies ng 30th Southeast Asian Games, minabuti ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na mag-ensayo na lamang ang koponan. Ang kakulangan sa ensayo ang dahilan ni Cone sa paghingi ng permiso na huwag nang dumalo sa opening ceremonies sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Binubuo ng PBA players ang Philippine men’s basketball team, na nabawasan pa ng isang miyembro matapos magtamo ng back injury si Roger Pogoy. “All the athletes in the games have had a year or more to…
Read MoreESTUDYANTENG MANONOOD NANG LIVE, ILIBRE — PANELO
(NI CHRISTIAN DALE) ILIBRE o huwag nang pagbayarin ang mga estudyante na manood ng iba’t ibang games sa 2019 Southeast Asian Games. Ito ang suhestiyon ni Presidential spokesperson Salvador Panelo upang maraming estudyante ang makapanood ng kada dalawang taong biennial meet. Kung hindi papayag ang 30th SEA Games organizers, bigyan man lamang ang mga estudyante na gustong manood nang live sa iba’t ibang venues ng kahit 50% discount. “Baka pwedeng yung mga estudyante huwag na lang pagbayarin siguro, pero yung mga may sweldo naman, eh, magbayad,” ani Panelo. Ayon pa…
Read MoreAMIN ANG GOLD — ANIMAM
(NI DENNIS IÑIGO) HOMECOURT advantage ang siyang magiging matibay na pader na sasandalan ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games women’s basketball competition. Kumpiyansa ang Filipinas na mapapasakamay na nila ang gold medal ngayong 30th SEA Games. Nakadidismayang fourth-place finish lang ang naabot ng Filipinas sa 2017 SEAG edition sa Kuala Lumpur. “Sobrang excited na po ang buong team, especially dito sa atin gaganapin ang laban. Pinaghandaan talaga namin itong SEA Games,” saad ni team captain Jack Animam sa 50th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa…
Read MoreMATAPOS ANG NUJP; CAYETANO BINIRA NG FOCAP
BINATIKOS ng foreign correspondents sa Pilipinas ang bribery claims sa mga media ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) head at House Speaker Alan Peter Cayetano. Sa statement ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), sinabi nito: “Independent journalists report problems and issues imbued with public interest as they happen and become evident and do not delay the time to press for accountability. We report defeats and victories, failures and triumphs.” Hindi umano katanggap-tanggap ang akusasyon ni Cayetano na nabayaran sila para magpalabas ng malisyosong mga balita. “Such…
Read MoreTAGUMPAY NG MGA UTAK TALANGKANG PILIPINO
Wala nang isang linggo noong mga nakaraang ilang araw, may pumutok na namang kontrobersiya tungkol naman sa pagdating ng ilang pambansang delegasyong kalahok sa darating na Southest Asian Games na magsisumula na bukas sa mala-higanteng Philippine Arena sa bayan ng Bocaue sa lalawigan ng Buacan Ito ay matapos ibulgar in Sen, Franklin Drilon ang umano’s anomalya sa pagkakagawa ng Cauldron na nagkakahalaga ng P55 bilyon. Natural na pinag-piyestahan na naman ng media ang umano’y walang matuluyan ang ilang delegasyon, kabilang ang Cambodia, Thailand, Myanmar at iba pa dahilan para matulog…
Read More