Ni VT ROMANO PATULOY ang pamamayagpag ni Chris Paul sa 17 seasons niya sa liga at muli niyang pinatunayan na may ibubuga pa siya. Katunayan, nakapagtala siya ng 14 for 14 — most field goals without a miss in an NBA playoff game — sa panalo ng Phoenix Suns kontra Pelicans, 115-109, sa New Orleans (Biyernes sa Manila). “I had no clue,” sabi ng dating Pelicans na si Paul, may 33 points at eight assists sa series-ending game ng dalawang team na nagtapos sa 4-2 record. “I think maybe at…
Read MoreCategory: SPORTS
TULONG MULA SA PITMASTER, BUMUHOS SA LEYTE
HANGGANG ngayon, bakas pa rin sa lalawigan ng Leyte ang bagsik na dala ng bagyong Agaton. Matindi ang pinsalang idinulot ng bagyo. Kaya nga nagtungo roon si Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan para personal na makita ang pinsalang iniwan ng kalamidad. Nagkaroon ng situation briefing kasama ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga lokal na lider. Sabi nga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, hindi bababa sa 100 katao ang nasawi, higit 20 ang nawawala at nasa walo ang nasugatan. Tinatayang 1,689,436 katao o 494,607…
Read More31st Southeast Asian Games JAPETH SA GILAS?
MALABONG makasama si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar sa Gilas Pilipinas men’s basketball team sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo. Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) deputy executive director at Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio, kinausap nila mismo si Aguilar at ipinaalam na mas nais nilang magpagaling siya sa knee injury. “Nag-aalala kami sa injury niya na baka lumala sa SEA Games. Mas gusto namin siya na makasama na malusog at maganda ang kondisyon hanggang sa World Cup,” esplika ni Antonio kahapon sa Philippine…
Read MoreKD, NETS WINALIS NG CELTICS
TAMAD sa depensa, maagang na-foul trouble at walang maisagot sa bawat ibato ng Boston Celtics. Resulta: Sweep (4-0)! Tuluyan nang pinagbakasyon ng mas determinadong Celtics ang Brooklyn Nets, 116-112, (Martes sa Manila) sa New York. Dahil sa naging resulta ng kampanya ng Nets, maraming dapat pag-usapan ang koponan sa offseason. Bagama’t marami ang umasa, hindi lumaro si Ben Simmons, 24 oras bago ang tip off ng Game 4, wala sa Barclays Center ang player. Ayon sa ulat, maaga pa ng Lunes, si Simmons, agent niyang si Rich Paul at ang…
Read MoreNUGGETS NAKAISA SA WARRIORS
HUMIHINGA pa ang Denver Nuggets matapos hablutin ang 126-121 win kontra Golden State Warriors. Umiskor si Nikola Jokic ng 37 points at nakaiwas ang Nuggets na mawalis sa NBA first-round playoffs series, Linggo ng gabi sa Ball Arena sa Denver (Lunes sa Manila). Humablot din ang 27-year-old Serbian big man, NBA Most Valuable Player sa nakaraang season at posibleng mag-back-to-back ngayon, ng eight rebounds at six assists at dumikit sa 3-1 sa kanilang best-of-seven series at nakahirit ng Game 5 sa Miyerkoles sa San Francisco. “We put up the fight,”…
Read MoreGinebra at Meralco kontra-pelo
LIBONG fans na naman ang pinasaya ng Barangay Ginebra noong Biyernes ng gabi. Kahit nagsimula sa ilalim ng Governors’ Cup ang Kings, hindi iniwan ng fans, todo-suporta ang ginawa hanggang makarating sa finals at muling tinanghal na kampeon. Talaga yatang kontra-pelo ang Brgy. Ginebra at Meralco. Pang-ilang beses na ng paghaharap nila sa finals noong Biyernes, laging luhaan ang tropa ni coach Norman Black. Lagi silang bridesmaid ba o bestmen? ‘Wag naman sanang forever silang bestmen. Nakakatuwa rin si Justin Brownlee, maraming nagsabing wala nang ibubuga at hindi na nito…
Read MoreSEAG BACK-TO-BACK GOLD PUNTIRYA NG GILAS WOMEN
POKUS sa training ang Gilas Pilipinas women’s basketball team para depensahan ang kanilang korona sa darating na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Pebrero pa lang ay nagsasanay na ang Gilas women sa pangunguna nina Janine Pontejos at Ella Fajardo, para sa 31st SEA Games sa Mayo 12-23. Kabilang din sa team sina Clare Castro, Khate Castillo, Chack Cabinbin, Andrea Tongco, Camille Clarin, Kristine Cayabyab, Karl Ann Pingol at Angel Surada. “They would know how to play together and the chemistry and everything just being together for a longer time,”…
Read MoreNETS WAWALISIN NG CELTICS?
ISANG kembot na lang ng Boston Celtics talsik ang Brooklyn Nets sa NBA playoffs. Nitong Sabado ng gabi sa New York, (Linggo sa Manila), umiskor si Jayson Tatum ng 39 puntos para pangunahan ang Celtics sa 109-103 win laban sa Nets tungo sa 3-0 lead ng kanilang NBA Eastern Conference first-round series. Sa kasaysayan ng NBA, wala pang team ang nakabalikwas mula sa 3-0 deficit at magwagi sa best-of-seven series. Kaya’t inaasahang tatapusin ng Celtics ang laban sa Nets’ home sa Lunes (Martes sa Manila). Sa Game 3, muling nakontrol…
Read MoreIt’s Barangay’s ‘never-say-die’ attitude!
MATAPOS mawala sa kanila ang korona ng PBA Philippine Cup, nanatiling kampeon ang Barangay Ginebra – sa Governors’ Cup. Dahil sa COVID-19 pandemic, dalawang taon na isang conference (All-Filipino) lang ang PBA. Sa kabila nito, nanatiling mataas ang tsansa ng Gin Kings sa titulo — hanggang na-injure ang kanilang key players na sina Stanley Pringle at Jared Dillinger. Noong huling bahagi ng nakaraang taon, bahagya pa lamang nagsisimula ang Governors’ Cup nang isa pang player ng Barangay na si Aljun Mariano ang na-injure din. At sa kainitan ng playoffs, ang…
Read More