Tuloy labanan ng RSA at MVP groups sa PBA

SIMULA na ang quarterfinal round ng 2022 PBA Governors’ Cup matapos makumpleto ng Phoenix Super LPG ang walong koponang maglalaban-laban para makuha ang kani-kanilang upuan sa susunod na round sa ika-46 season ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya. Dalawang eksplosibong laro ang nakatakda bukas sa pagsisimula ng Round of 8 sa ­makasaysayang Araneta Coliseum kung saan ang magkapatid na koponang North Luzon Expressway at Talk ‘N Text ay kapwa nangangailangang magwagi ng isang beses laban sa Alaska Milk at Barangay Ginebra, ayon sa pagkakasunod, para maka-abante sa Round…

Read More

PATAFA ‘di makabayan?

SISIMULAN ang World Indoor Track and Field Championships sa ika-18 hanggang 20 ng Marso na wala ang Pilipino pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena, na panlimang pinakamagaling sa daigdig sa nasabing sport. Hindi nakakuha ng endorsement ang 26-anyos na batang Tundo (Maynila) mula sa Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) para dalhin ang ­ating bandila sa tatlong araw na kompetisyon sa Belgrade, Serbia. “I have not been endorsed for the worlds. Registration is now closed. I won’t be attending. I am the only top-ranked vaulter not participating,”…

Read More

‘PAC-SON’ WAGI SA 1st US MATCH

TAGUMPAY si Jimuel Pacquiao, panganay na anak ni boxing legend at pambansang kamao Manny Pacquiao, sa kanyang unang US amateur fight sa San Diego, California nitong Linggo. Nilugmok ng batang Pacquiao sa junior welter­weight fight si Andres Rosales. Sa isang Instagram story ay binati ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang panganay na anak sa panalo nito. Nakuha ng 20-year-old na si Jimuel ang ­kanyang amateur boxing license noong Disyembre. Matapos ang huling laban ng amang eight-division world champion noong Agosto, nagpaiwan si Jimuel sa Amerika upang magpalakas at…

Read More

ASBC Junior and Youth Championships PAMISA SUSUNTOK NG GINTO

UMUSAD si Eljay Pamisa ng Cagayan de Oro sa finals ng Asian Boxing Confederation (ASBC) Junior and Youth Championships sa Al Hossein Sports City sa Amman, Jordan. Tinalo ng 17-anyos na si Pamisa si Nima Beygi ng Iran gamit ang epektibong counter attacks at footwork tungo sa gold medal showdown ngayon (Lunes) laban kay Anand Yadav ng India. Ang bantamweight na si Mapisa, lumalaban sa 54 kg category, ay naging silver medalist sa Asian Junior Championships sa Al Fujaira, UAE noong 2019 sa 46 kg class. Ang iba pang miyembro…

Read More

SUPORTAHAN SI CONG. SONNY LAGON NG AKO BISAYA PARTY-LIST

LALONG lumalakas ang suporta ngayon ng mga tao kay Ako Bisaya Party-list Rep. Sonny Lagon. Ang dami kasing natutulungan ng mamang ito. Napakabait at walang pinipili kapag may lumalapit sa kanila para humingi ng tulong. Maraming isinusulong na panukalang batas ang party-list ni Lagon. Kabilang na nga riyan ang pagtataas ng cash gifts sa mga senior citizens. “Republic Act No. 10868, otherwise known as the Centenarians Act of 2016, embodies the Filipino’s trait of recognizing and honoring the ­valuable contributions of elderly Filipinos to their families, communities and the society…

Read More

GAB KAISA SA ‘DALANGIN SA KAPAYAPAAN’

HINDI lang pang-isport, pangkapayapaan pa. Nakiisa ang Games and Amusements Board (GAB), kasama ang mga premyadong atleta sa professional sports community, sa ‘online interfaith prayer for peace and reconciliation’ kamakalawa. Pinangunahan nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at ­Com­missioners Eduard Trinidad at Raul Lag­risola ang panalangin para sa kapayapaan sa buong mundo, partikular sa Ukraine at Russia. “It is good to know that our country’s sports heroes are the ones championing this call for peace. And it is good to take at least a few minutes to pray for world…

Read More

HARDEN, SIXERS BINUSALAN NG NETS

SUMUGOD ang Philadelphia 76ers fans sa kanilang homecourt upang i-boo si Ben Simmons, ngayon ay nasa Brooklyn Nets na. Ngunit sa huli, sariling team na nila ang kanilang na-boo. Kinayod ni Kevin Durant ang 18 sa kanyang kabuuang 25 points sa first half sa 129-100 blowout win ng Nets kontra 76ers, Biyernes (Manila time) sa “much-hyped return” ni Simmons sa Philadelphia. Nagdagdag si Seth Curry ng 24 points, at si Kyrie Irving ay may 22 para sa Nets, na kahit nasa eighth place sa East ay itinuturing na legit conference…

Read More

MAVS KINUYOG NG KNICKS

UMISKOR si Julius Randle ng 26 points nang tambakan ng New York Knicks ang host Dallas Mavericks, 107-77, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila). Ikalimang sunod na panalo ito ng Knicks laban sa Dallas at ikatlong sunod din matapos ang seven-game losing streak, para umangat sa 3-2 sa season-long seven-game road trip, kung saan nag-ambag si RJ Barrett ng 18 points sa New York. Mintis ang Mavericks sa una nitong 19 3-point shots, at naitala ang lowest-scoring first half sa season, 28 points. Naghahabol ang Dallas 61-34 sa halftime at…

Read More

Gusot ni EJ Obiena at PATAFA, katulad ng away ni Lydia de Vega at Gintong Alay

PARA sa Philippine Olympic Committee, walang makapipigil kay Pilipino pole vault Olympian Ernest John “EJ” Obiena na katawanin muli ang bansa sa darating na 31st Southeast Asian Games, may endorso man o wala ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Ang tuwing ikalawang taong kompetisyon, na ­huling idinaos dito mismo sa bansa noong 2019 kung kailan muling naging pangkalahatang kampeon ang Pilipinas, ay nakatakdang ganapin sa ika -12 -23 ng Mayo sa Hanoi, Vietnam. At kumpiyansa si POC president, Abraham “Bambol” Tolentino na malakas ang argumento ng kanilang Board…

Read More