ALYSSA VALDEZ POSITIBO SA COVID

Ni ANN ENCARNACION NAKARANAS ng mild ­symptoms ng COVID si volleyball phenom Alyssa Valdez, ayon sa V Management Group. “After experiencing some mild symptoms and a confirmatory RT-PCR test, Alyssa Valdez tested positive for ­COVID-19,” pahayag ng V. “Please be rest assured that Alyssa is taking the ­necessary precautions and will be ­recovering from home.” Nag-tweet naman upang magpasalamat si Valdez, Top 2 celebrity housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, sa kanyang supporters. “Thank you all for the well-wishes!” Kasabay nito ay tiniyak niyang nasa maayos na lagay…

Read More

EJ Obiena makalalahok sa 31st SEA Games at XIX Asiad 2022

SUSUPORTAHAN ng Philippine Olympic Committee si pole vaulter Ernest John Obiena sa laban nito para manatiling miyembro ng pambansang koponan sa track and field sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam at XIX Asian Games sa China, na parehong idaraos ngayong taon. Ang 26-anyos na Tokyo Olympian at tinaguriang “The Flying Pinoy” ay tinanggal ng kanyang kinaaanibang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa umano’y falsification of liquidation documents at hindi pagbabayad kay Ukranian coach Vitaly Petrov, na itinanggi na ang paratang. Tiniyak ng POC noong Martes sa…

Read More

ORCOLLO ‘DI PABABAYAAN NG GAB

DISMAYADO si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa masaklap na kapalaran ni Filipino world billiard champion Dennis ‘Robocop’ Orcollo, na nakulong sa Los Angeles at napauwi nang wala sa panahon bunsod ng kawalan ng tamang dokumento. Sa kanyang social media account ay ibinahagi ni Orcollo ang pagdakip ng US Immigration sa kanya pagdating sa Los Angeles airport, maging ang 16 oras na pagkulong sa kanya bago pinabalik sa Pilipinas noong Lunes. “The GAB is very sorry to hear that our top professional billiard player and world…

Read More

“THE MAGICIAN” NAGBALIK SA US NORTHEAST TOUR

MULING kumasa sa US tourney ang tinaguriang “The Magician” cue artist na si Efren “Bata” Reyes. Inihayag ng organizers ng 2022 Iron City Open sa Iron City Billiards sa Birmingham, ­Alabama na si Reyes ay kalahok sa ­dalawang torneo, ang One Ball One Pocket mini tournament at regular Open One Pocket event. Ongoing na ang mini ­tournament na nagsimula noong Martes (Enero 4), habang ang regular event ay sumikad Miyerkoles (US time). Parehong naka-livestream online sa Pool Action TV ang ­dalawang US Northeast Tour para sa mga billiards afficionado. Nakatakda…

Read More

PACERS TAOB SA NETS BIG 3

BALITANG NBA Ni VT ROMANO MULING nabuo ang Big 3 ng Brooklyn Nets, sa ngayon. Hindi kinaya ng Indiana ­Pacers ang armas ng Nets, na nagawang habulin ang 19-point third-quarter deficit at agawin ang 129-121 win. Nagbalik si Kyrie Irving sa ­lineup, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila), kung saan matapos ang laro ay hinubad ang jersey at ibinigay sa kanyang ama, bilang selebrasyon ng kanyang unang NBA game mula noong Hunyo 10. Halatang kinalawang si Irving, matapos magmintis ng midrange jumper at scoreless first quarter. Habang si Lance Stephenson,…

Read More

GOLDEN BOOT AWARD KAY MARAÑON

NAKABILANG sa top scorers ng AFF Suzuki Cup 2020 si naturalized striker Bienvenido Marañon. Kaya napagkalooban siya ng Golden Boot award kasama nina Chanathip Songkrasin at Teerasil Dangda ng champion Thailand at Safawi Rasid ng Malaysia dahil sa tig-apat nilang goals. “Happy to be the Top Scorer of @affsuzukicup with @TheAzkalsPH in my first tournament with them. Thanks to my teammates and staff for the help to make this happen,” tweet ni Marañon. Sa debut game ng Philippine national team sa nasabing torneo, unang umiskor si Marañon sa 7-0 win…

Read More

VISMIN COACH,19 PLAYERS ‘TINULUYAN’ NG GAB

ISANG coach at 19 players na naglaro sa inaugural season ng VisMin Pilipinas Super Cup Visayas leg at nasangkot sa game fixing ang tuluyang sinintensiyahan ng Games and Amusements Board (GAB). “After a careful and judicious evaluation of the case, the Board has decided to impose penalties on 19 VisMin players to serve as a deterrent,” pahayag ni GAB Chairman Baham Mitra sa opisyal na resolusyon ng GAB bago ang Bagong Taon. Bukod sa kasong kriminal na kasalukuyan ngayong nakasampa sa Department of Justice, masinsin na iniimbestigahan ng GAB, sa…

Read More

SUNS MULING SUMIKAT

Ni VT ROMANO MULING sinikatan ng araw ang Phoenix nang itala ang 133-99 paglampaso sa host Charlotte Hornets, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila). Umiskor si Devin Booker ng 24 points para ibalik sa winning track ang Suns, matapos matalo ng tatlo sa apat nitong laro at malaglag sa top spot ng Western Conference. Biyernes ng gabi, pinasadsad din sila ng Boston Celtics, 123-108 sa simula ng three-game road swing. Tumulong kay Booker si Jalen Smith, 19 points, habang si reserve Landry Shamet ay nagdagdag ng 17 points at 15…

Read More

MAGIC SOPLA SA BUCKS

nba

BALITANG NBA Ni VT ROMANO NILAMPASO ng defending champion Milwaukee Bucks ang Orlando Magic, 127-110, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila) sa Florida. Umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 28 points, nagdagdag ng 21 si Khris Middleton at 19 points mula kay Bobby Portis para sa Milwaukee, na ika-10 sunod na beses nang tinatalo ang Orlando, at pang-19 sa huling 23 regular-season meeting ng dalawang koponan. Tumapos si Jrue Holiday na may 18 points (12 sa second half) at 10 assists, habang may 10 puntos si Pat Connaughton (off the bench).…

Read More