2022 Winter Olympics qualifier PINAY-AM SASALANG SA FREE SKATING EVENT

NAGTAPOS sa ika-22 puwesto ng women’s short program segment ng 2021 Nebelhorn Trophy si Filipina-American figure skater Sofia Frank, Biyernes ng madaling araw (Manila time) sa Oberstdorf, Germany. Nakapagtala si Frank ng 47.65 points sa huling qualifying tournament para sa 2022 Beijing Winter Games. Ito ang international debut ng 15-year-old figure skater at unang beses din na nirepresenta ang bansa sa isang major competition. Bumida sa women’s short program segment, na sinalihan ng 37 skaters, si Alysa Liu ng Amerika (70.86 pts), pumangalawa si Swiss Alexia Paganini (65.65 pts) at…

Read More

All-Japan Senior and Masters Gymnastics GOLD, BRONZE KAY CALOY YULO

DALAWANG medalya (gold at bronze) ang naibulsa ni Filipino Olympian Carlos Yulo sa 2021 All Japan ­Senior and Masters Gymnastics ­Championships. Nakopo ni Yulo ang gold sa floor exercise nang makakuha ng 15.30 points, habang bronze sa vault nang magtala ng 15.00 points. Pinost sa Facebook ng kanyang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya ang latest achievement ng Pinoy gymnast matapos ang Tokyo Olympics campaign nito. Nilagyan ni Kugimiya ang photo ni Yulo ng caption na: “#revenge the Tokyo”. Matatandaang nabigo si Yulo na magawa ang kanyang routine sa paboritong…

Read More

Totoy Tingzon: Atleta, public school teacher at ama ng youth baseball

HULI man daw at magaling, naihahabol din. Ipinaaabot ng SALA SA INIT, SALA SA LAMIG at SAKSI NGAYON SPORTS ang malugod na pagbati sa aming matagal nang kaibigang si Rodolfo “Totoy” Tingzon Sr., na noong nakaraang linggo ay narating ang isa na namang milestone sa kanyang buhay sa larangan ng sports na pinakamamahal niya–baseball. Noong Setyembre 14 ay ipinagdiwang ni Pareng Totoy ang kanyang ika-95 taong pagsilang at sana, tulad noong mga ordinaryong panahon, ay napuno na naman ng kanyang mga kaibigan, matataas na opisyal ng pamahalaan, media men at…

Read More

P20K MULTA KAY NEWSOME

NAKALIGTAS sa suspension si Chris Newsome ng Meralco Bolts, ngunit hindi sa multang P20,000. Pinagmulta ang Fil-Am guard kaugnay sa flagrant foul penalty 2 kay Anthony Semerad ng NLEX Road ­Warriors, sa game noong Miyerkoles ng hapon kung saan nagwagi ang Bolts. Maliban sa P20k multa, pinatawag din ang dating Rookie of the Year Huwebes ng umaga ni Deputy Commissioner Eric Castro upang magpaliwanag sa kanyang inasal. Ito’y matapos batuhin ni Newsome ng bola si Semerad, 10:36 minuto sa fourth quarter ng laro sa Don Honorio Ventura State University gym…

Read More

LABAN NINA DONAIRE, CASIMERO TULOY NA!

Ni VT ROMANO TULOY na ang laban nina John Riel Casimero at Nonito Donaire. Ngunit sa magkaibang challenger. Ito’y matapos iutos ng World Boxing Organization (WBO) na idepensa ni Casimero ang 118-lb crown kay mandatory challenger Paul Butler. Si Donaire naman ay inatasan ng World Boxing Council (WBC) na magdepensa laban kay Pinoy interim champion Reymart Gaballo. Nitong Martes lang, nagkasundo na sina Casimero at Donaire matapos ang face-off sa isang video call, para maisagawa na ang naunsiyami nilang paghaharap. Ngunit Miyerkoles ay kinausap umano ng WBO ang kampo nina…

Read More

XXXIII Games of the Olympiad sa Paris, pinaghahandaan na ni EJ Obiena

FAILURE is not failure to reach your goal. Real failure is a failure to reach as high as you possibly can. Ito ang leksiyong natutunan ni Filipino pole vaulter Ernest John Obiena kay Dr. Robert Schuller, isang Amerikanong Christian evangelist, pastor, motivational speaker at author. Si EJ, sa kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at teammates, ay matatandaang nagkaroon ng impresibong paghahanda para sa kanyang kauna-unahang pagsabak sa 2020 Summer Olympic Games na ipinagpaliban ngayong taon sa Tokyo dala ng COVID-19 pandemic. Nang matapos ang kada ika-apat na taong Palaro, ang…

Read More

World’s Highest Obstacle Course Race PINAGHARIAN NG PINOY

TINANGHAL na kampeon si Filipino Elias Tabac sa ginanap na World’s Highest Obstacle Course Racing (OCR) sa crater ng Mt. Kilimanjaro sa Tanzania, East Africa. Tinalo ng kalahok mula Davao del Norte na si Tabac ang mga elite racers mula sa 26 bansa nang magtala ng 1:15 oras ma­tapos ang 10-set obstacles kabilang ang pag­gapang, pagbitbit ng bagay, pag-akyat, paglambitin, pag­talon, pagbabalanse at trail running. Pumangalawa sa kanya ang kapwa Pinoy na si Monolito Divina, habang pumangatlo ang Amerikanong si Daniel Turner. Sunod na sasabak si Tabac sa Nevada, USA…

Read More

PACMAN PACK-UP NA SA BOKSING

TAPOS na sa boksing si eight-division world champion Manny Pacquiao. Sa halip, itutuloy na niya ang pagkandidato bilang ­pangulo sa 2022 national elections. “Boxing career ko? Tapos na ‘yong boxing career ko,” pag-amin ni Sen. Pacquiao sa “Toni Talks” ni TV host at singer-actress Toni Gonzaga. “Tapos na kasi matagal na rin ako sa pagboboksing at ‘yong pamilya ko laging nagsasabi na tama na. Nagtuloy-tuloy lang ako kasi passionate ako sa sports na ito.” Dagdag niya, susuporta na lamang siya sa iba pang mga boksingero upang magkaroon muli ng boxing…

Read More

ADELAIDE NI KAI SOTTO SALUDO SA MGA PINOY

MALAKI ang pasa­salamat ng Adelaide 36ers sa ­matinding suporta sa kanilang bagong recruit na si 7-foot-3 Kai ­Zachary Sotto ng Filipino community sa Australia. “A massive thank you to the Filipino Communities Council of Australia for welcoming Kai on the weekend!” Post ito ng Adelaide 36ers sa kanilang social media account kasama ang mga larawan ni Sotto sa naganap na meet & greet sa community. “Kai enjoyed ­meeting and spending time with the community & we can’t wait to see ­everyone again as we get ­closer to #NBL22!” Nagpasalamat din…

Read More